EPILOGUE

833K 20.7K 8.6K
                                    

LOVE ME HARDER EPILOGUE

NAKATUTOK sa akin ang bughaw niyang mga mata habang bahagyang nakataas ang sulok ng kanyang mapulang mga labi.
 
Unti-unti syang humakbang upang lapitan ako.

"H-ha?" Naramdaman ko ang pamamasa ng aking mga mata. Gusto ko ng umiyak at yakapin siya. "A-anong sabi mo pala?" Kahit nanginginig ay pinilit kong magpakatatag.

"Ang sabi ko, kung pwede ba akong magpa-autograph?"

Mabuti na lang at nakayanan ko pang gumalaw. Umiling ako.

He frowned. "Why not?"

"I-I only sign on boxers..." pumiyok ako.

Naningkit ang kulay karagatan niyang mga mata. "Seriously?"

"Okay, we're done." Tinalikuran ko sya. Oh, my God! Nakuha ko pang mag-inarte!

Akma na akong hahakbang nang awatin nya ako. "Wait! Eto na nga, oh."

Isa-isa ng pumatak ang mga luha ko. "B-bakit ang tagal mong nawala?" nang humarap ako sa kanya ay umiiyak na ako. Hindi ko na kasi napigil ang pagbagsak ng mga luha ko.

Natigil siya sa pagkakalas ng sinturon sa suot niyang pantalon.

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. "Sabi ko space lang... hindi ko sinabing maglaho ka na parang bula! At saka 'wag kang maghubad dito!"

"I thought you'll only sign at my boxers?"

"Mamaya na lang ang autograph mo 'pag solo na kita." Lumabi ako. "S-saan ka ba nagpunta, ha?" Nilapitan ko siya at hinampas. "B-bakit ngayon ka lang nagpakita?"

He was just looking at me.

"H-hinanap kita pero hindi kita makiya. T-tinatawagan kita pero di kita ma-contact. Nag-message ako sa FB mo pero wala kang reply. K-kahit seen zone wala..." napahagulhol na ako. "G-gusto ko lang naman sanang sabihin sa'yo na na-realize ko na... na hindi ko pala kaya na mawala ka... na hindi ko pala alam kung paano ako mabubuhay kapag nawala ka... na..." natigilan ako.

Bigla siyang humakbang palapit sa akin hanggang sa tumama na ang katawan ko sa kanya. Hanggang sa halos magpalitan na kami ng paghinga sa sobrang lapit namin sa isa't-isa.

Tumungo siya at walang pasabi na siniil ako ng makapugtong hiningang halik.

Napapikit ako saktong lumapat ang mainit niyang mga labi sa akin. Maalab, may pananabik at marahas ngunit hindi sa mapanakit na paraan.

He kissed my lips like his life depended on it. Nakakawala sa huwisyo ang klase ng pag-angkin niya sa mga labi ko.

Habol nya ang kanyang paghinga nang kumalas sya sa akin. "Shh... tahan na... hindi na ako mawawala sa'yo, Mrs. Montenegro."

Napalabi ako. "B-bakit Mrs. Montenegro?"

"Because whether you like it or not, you'll marry me today."

Sumulak ang tuwa sa puso ko. Naiiyak akong lumabi. "Today? Pero wala pa tayong ring?"

Sumimangot siya. "Walang ibinigay si Ybarra?"

Umiling ako.

Hinugot nya ang kanyang cellphone mula sa likuran ng suot niyang pants. "Lintek na matanda iyon, palpak talaga." Iiling-iling sya.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya. Nagpa-panic kasi sya at ang cute nya. Kaya naman nilapitan ko sya, tumingkayad ako at hinalikan siya nang mabilis. Na-miss ko kasi agad ang ang mga labi niya.

"It's YNYTNP..." Bulong ko.

Nanuot sa akin ang malagkit niyang tingin. "YNYTNP?"

"It means Yes Na Yes To The Nth Power..." ngumiti ako na may kasamang luha. "Yes, I will marry you... nakahanda na ako, Kyo."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon