// Chapter 21

716K 18.2K 6.2K
                                    

Malinis at kulay puting kisame ng private hospital suite na kinaroroonan ko ang palagi kong namumulatan sa tuwing magigising ako. Three-months ako nang maconfine at ngayon ang ika-anim na buwan ko rito. Bukod kasi sa mahina ang puso ko at mahina ang kapit ni baby ay sandamakmak din ang complications ng pagbubuntis ko. Hindi ko alam kung paano na-afford ng ate ko na ipa-confine ako nang ganito katagal sa isang VIP room. Siguro ay nangutang siya sa lending. Napabuntong-hininga na lang ako. Nakakalungkot na imbes makatulong sa pamilya ay lalo lang akong naging pabigat.

Di bale, matatapos na rin ang lahat ng paghihirap na ito. Nanganak na kasi ako kanina kaya siguradong pwede na akong madischarge kasama ang baby ko. Magpapalakas ako at babawi sa pamilya ko. Pero sa ngayon, gusto ko munang makita si baby. Nabitin ako sa narinig kong pag-iyak niya kanina dahil tinurukan na ako ng doktor ng pampatulog.

Nakita ko si Mama sa di kalayuan. Prente siyang nakaupo at pinagmamasdan ako. Mapait siyang ngumiti sa akin nang makita nyang nagmulat na ako.

"M-Ma..." sinikap kong makapagsalita kahit nahihirapan ako. Hinang-hina ang buong katawan ko.

Siguradong lalakas na ako kapag nakita ko na ang anak ko.

Gusto kong makita ang baby namin ni Lord K. Gusto kong mayakap at mahalikan ang tanging alaalang naiwan sa akin ng lalaking pinakamamahal ko. Gusto kong makita kung sino ang kamukha niya, o kung bughaw din ba ang kanyang mga mata.

Siya ang magiging lakas ko para malabanan ang lungkot at sakit dahil sa pagbitiw ko sa daddy niya. Siya ang paghuhugutan ko ng inspirasyon para magsumikap at maging mabuting tao.

Lumapit sa akin si Mama at pinisil ang aking palad. Malabo man sa paningin ko ay may nakita akong pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.

"M-magpahinga ka lang, Ruby..." mahina ang kanyang boses.

"N-nasaan po ang baby ko?" Gustong-gusto ko na talagang makita ang baby ko.

Imbes na tumugon sa aking tanong ay hinagkan nya ako sa noo. Ilang beses nya ring hinagod ang aking buhok habang ang mga mata namin ang magkahinang.

"M-Ma, sabi ko po gusto kong makita ang anak ko... nasaan po siya..." Napakunot na ang noo ko sa nakikitang reaction ni Mama. "G-gusto ko po siyang makita..."

Gumalaw ang kanyang lalamunan. "I-ipahinga mo muna ang sarili mo..."

Lumalim ang aking paghinga. May kung anong pangamba ang namuo sa aking dibdib. "N-nasaan sya, Ma? N-nasaan ang anak ko..."

"R-Ruby, anak... mas makakabuti kung... "

"A-ang anak ko! N-nsaan sya?!" tumaas ang aking tinig. Nasaan ang baby ko?! Bakit ayaw niyang ipakita sa akin?!

Napahagulhol na si Mama. "H-huminahon ka, anak... marami kasing ... "

Buong lakas akong bumangon para makaupo. Sa tulong ng aking mga braso ay nagawa ko ito. "Ma, ang anak ko... nasaan ang anak ko!" nabasag ang tinig ko.

Nagulat na lang ako nang yakapin nya ako. Doon nya ipinagpatuloy ang kanyang pag-iyak bago sya bumulong sa aking punong tainga. "W-wala na ang anak mo, Ruby..." napasigok sya sa gitna ng kanyang pagluha. "...patay ang sanggol nang isilang mo..."

...

FIVE YEARS LATER

Why do I keep lying to myselfthat I am okay?  Na ayos lang ako kahit narito ako ngayon at nakatayo sa puntod ng anak ko. Alam kong magagalit sa akin sina Mama. Ayaw na ayaw nila na pupunta ako rito dahil tuwing nanggagaling ako rito ay daig ko pa ang pinatay ng ilang beses.

Nami-miss ko lang naman ang baby ko.

Ang mahal kong baby.

Years had passed kaya dapat ay nakakalimot na ako pero hindi ko talaga kaya. Nangungulila pa rin ako hanggang ngayon sa pagkawala nya.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon