Chapter 2

1.1M 29.7K 9.7K
                                    

Chapter 2

It's hashtag YMMD. 

You Made My Day daw ang ibig sabihin niyon at hindi ito mawala sa isip ko.

Bakit ba ang saya ko nang sabihin nya ito? Bakit ba sya lagi ang laman ng mga panaginip ko? O baka na-trauma lang ako sa mga nangyari?

At nakakapagtaka lang na madali kong natanggap ang pagkawala ni Jayson. Though may mga times na tuliro pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sya. Tinatanong ko pa sa isip ko kung totoo nga bang nangyari iyon.

Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang mga nakakakilig na pangyayari. Nakakakilig? Hindi ba dapat nakakahindik?

Pagkatapos niyon ay hindi ko yata mabilang kung ilang beses akong nagsuka. Hindi na rin ako makausap nang maayos nila Amang. Lamang din ang oras na tulala at madalas binabangungot. Naging magugulatin na rin ako mula non.

Imagine na masaksihan mo ba naman ang pagpaslang sa harapan mo, sino bang hindi. Isa pa, kamuntik na rin akong mapatay. I'm still lucky dahil buhay pa rin ako. 

Pero masaya ako, dahil makakasama ko pa ang pamilya ko. Tatlo kaming magkakapatid, ang ate ko na si Ate Rosenda, ako at ang bunso na si Dangdang. Puro kami babae. Kami na lang ni Dangdang ang nag-aaral, ako ay college, si bunso naman ay Grade 7. Ang ate ko ay sales lady sa Gaisano Mall. Masasabi ko na sa aming magkakapatid ay ako ang pinakapasaway. Ako ang hindi makaintindi sa mahirap naming buhay. At dahil sa pagrerebelde ko ay ito ang napala ko, muntik na akong mamatay. 

Mabuti na lang talaga at hinayaan ako ni Lord K na mabuhay muna ngayon, at least makakasama ko pa sina Mama, Amang, Ate Rosenda at Dangdang. Salamat na lang talaga kay Lord K.

Virginity saved my ass!

Pero nakapagtataka lang na sinakyan ako ni Lord K gayong kung hitsura ang pagbabatayan ay malabo niya akong pagkaabalahan. Hindi naman kasi ako kagandahan.

Mahaba nga ang aking hair pero hindi naman straight. Kayumanggi lang ang kulay ko ngunit pantay naman ito sa kulay ng singit ko at kili-kili. Ewan ko ba kung bakit namana ko ang kulay ko kay Amang. Puwede namang kay Mama na maputi noong kadalagahan nya. Siguro malas lang talaga ako.

Maliit ang aking mukha at hugis puso. May hitsura naman ako pero depende sa anggulo.

I have an ordinary beauty. But there's one thing na maipagmamalaki ko sa aking sarili. Iyon ang lakas ng loob na meron ako. Kahit sino ang makasalamuha ko ay pinagkakamalan akong rich kid dahil malakas ang kumpyansa ko sa sarili. Kahit hindi ako katalinuhan ay madiskarte ako.

At kahit di ako kagandahan ay maganda at proportion naman ang aking katawan. Hindi man ako kasing-tangkad ng ate ko ay cute size naman ako. 

"There you are, Ruby Castillo!" tinig ng isang babae sa aking likuran.

Hindi ko na ito nilingon dahil sa boses pa lang ay kilala ko na sya. My BFF since the first grade. Her name is Chie-chie.

Siya lang ang BFF na tumagal sa akin. Pareho kasi kaming maarte, ang kaibahan lang ay may kaya sina Chie-chie at ang pamilya ko ay wala. Pero palagi niyang ishini-share sa akin ang kung ano mang meron siya, kaya gusto ko siya. At siya lang din ang nakakaunawa na mas madalas ay masama ang aking ugali. Pero sa kabila ng closeness namin ay hindi niya alam ang tungkol sa gusot na pinasok ko kasama ang ex-boyfriend kong si Jason. Hindi alam ni Chie-chie ang tungkol sa nangyari sa akin, at hindi niya kilala si Lord K.

"I've been looking all over but I can't find you!" palatak niya habang papalapit sya sa akin. "Why you're so... so..."

There she goes again.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon