Chapter 41

577K 18.8K 5.9K
                                    

Chapter 41

"HOW you holding up, Erika?" tanong ni Dr. Preston Salvador.

Nakakulay puti na button down longsleeve polo siya at jeans. May bitbit siyang itim na duffle bag sa kaliwang kamay. Nakangiti na agad siya nang pagbuksan ko siya ng pinto. Katulad noon, guwapo pa rin naman siya kahit pahaba ang kanyang nguso. At katulad noon, kahit nakangiti ay may lungkot pa rin akong nasisinag sa mga mata niya. 

Dinalaw nya ako sa aking condo upang suriin ang kalagayan ko. May mga kasamang syang bodyguards na pinalabas nya muna dahil confidential daw ang check-up nya sa akin.

"I'm fine, doctor." I smiled at him matapos nyang ilawan ng maliit na flashlight ang mga mata ko.

Nakangiti siya at nagpaikot-ikot pa sa sala ng unit ko.

Nakapagtataka kung bakit kailangan pa akong i-check up samantalang okay na okay naman ako. At ewan pero pakiramdam ko ay gustong makipag-chikahan lang sakin ng doktor na ito.

"Good. By the way," may iniabot syang planner sa akin. "Can I have your autograph?"

Noong una ay hindi ko sya na-gets pero sa huli ay nagkatawanan kami.

"Sikat ka na agad, Erika."

I know. Pero sa totoo lang ay ang BOS band ang higit na nagpasikat sa akin bilang bagong vocalist ng banda. Matagal silang nangulila marahil sa biglaang pagkawala ng banda kaya na-miss nila. Hindi ko akalaing ganoon din ang magiging outcome ng ginawa kong duet namin ni Kyo na hindi ko naman napaghandaan.

Napangiti ako sa kanya habang pinipirmahan ang cover ng planner na ibinigay nya. "Kapag nagkataon ay ikaw ang una kong fan." Biro ko sa kanya.

Mukhang mabait naman siya at hindi nakakailang katulad ng una kong tingin sa kanya.

Kumibot ang nguso ng doktor sa pagkakangiti. "Anyway, do you have any questions regarding your new image?"

Napalabi ako. "Gaya ng?"

"I don't know, ikaw ang magsabi." Ngumiti siya ulit na para bang close na close kami.

Tumawa ako. Ano nga ba ang puwede kong itanong?

"Retokada ba ako?"

Si Dr. Preston Salvador naman ang natawa. "Absolutely not."

"Di nga?" sabay kapa ko sa aking mukha.

Hindi ako retokada?! Eh, bakit ang laki ng aking iginanda?

"You have a natural beauty, you know that? And it means we made you Erika Montenegro in a natural way."

"Totoo?"

Gandang di inaakala!

"Everything you see in the mirror is the real you. Kung pumuti ka man ay dahil iyon sa mga gamot na itinurok namin sa'yo. Wala akong pinalitan sa'yo maliban sa mga mata mo."

"Ganun?"

Wow.

Ibig sabihin, maganda pala talaga ako?

Eye transplant lang talaga ang ginawa sa akin? Pero bakit kaya tumangos ang ilong ko at naghugis bigas ang mukha ko?

"Lumiit ang mukha mo dahil pumayat ka." Dagdap pa niya. "Nang pumayat ka ay mas nahubog ang hugis ng iyong mukha, ilong at pisngi. Maniwala ka, wala akong binago maliban sa napakagandang mga mata mo."

Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi ko.

Si Dr. Prestos Salvador naman sumeryoso habang sa mga mata ko. "Ang asul na mga matang 'yan ang babago sa buhay mo, Erika..." aniya na may kahulugan.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon