Chapter 12

812K 20.4K 6.1K
                                    

Chapter 12

ANO KAYANG ORAS na? Napahaba pala ang tulog ko. Pagod na pagod kasi ang buong katawan ko dahil sa magdamag kami kagabi ng mahal ko.

Marahan akong bumangon sa aking pagkakahiga. Heto na naman ako sa tabi ni Pabebe ko at pilit sinisilip ang kanyang mukha.

Ang ganda talaga ng pagkakatangos ng kanyang ilong. At ang haba ng kanyang pilik-mata na bumabagay sa kanyang mapulang mga labi. Saka mas makinis pa ang kutis niya kesa sa akin.

Pero ano kayang itsura niya kapag wala siyang maskara? Iyong buong mukha niya, ano kayang itsura? Malamang mas guwapo pa sa iniisip ko.

Ano kaya't tanggalin ko ang suot nyang masquerade? Samantalahin ko kaya habang mahimbing ang pagtulog nya?

I was about to take off his mask nang may tumikhim sa aking likuran.

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang malingunan ko ang isang matandang babae na prenteng nakatayo sa aking likuran.

Agad kong itinabing sa aking hubad na katawan itong kumot. "W-who you po?!"

Her blue eyes stared at me na parang lalamunin nya ako. Yes, she had those cold eyes na katulad ng kay Lord K subalit unipormado sya na tulad ng mga kawaksi.

"Magbihis ka. Sumunod ka sa akin, hija."

Seriously? Sino ba sya?

Nakatingin lang ako sa kanya.

Sumimangot sya.

"It's all right." Ani Pabebe ko na bumangon na pala sa aking tabi.

Gising na pala siya!

He's fully naked at parang wala lang sa kanya na may kasambahay sa harapan namin. Napatigagal pa nga ako nang lapitan nya ang matandang babae at saka inakbayan.

"Don't be afraid of her."

Sa harapan nya ako napatingin. Masayado naman siyang proud na ipakita iyon sa iba!

"She's my mother."

Ha? Nanay nya ang malaking ilong na ito?

Napangiti ang babae. "Alam mong hindi yan totoo, K." Pagkatapos ay tinapik nya ang BF ko sa pwet.

Grrrrrr! Don't tell me may relasyon sila dati?

Walang emosyong yumakap si Pabebe ko sa ginang. "I have to go to the shower." Pagkuwan ay walang lingon syang umalis na parang hindi ako nag-e-exist.

Humarap sa akin ang matandang babae. "Inuulit ko. Magbihis ka na at sumunod ka sa akin." Pagkasabi'y lumabas sya ng pinto.

Dali akong nagbihis ng aking school uniform at nang makatapos ay tumalima ako sa nilabasan ng ginang. Bumungad sya sa akin na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Ngayon lang ako nakakita ng babae sa kwarto ni K." aniya. Bakas sa mukha nya ang pagkayamot.

Mukhang iba nga ang kawaksi na ito dahil tinatawag nya lang na K ang kanyang master.

Nagpatiuna sya sa paglalakad at wala akong magawa kundi ang sumunod sa kanya. "T-totoo po bang mother nya kayo?"

Hindi kasi sila magkamukha eh! Ang guwapo kaya ng pabebe ko!

Marahas nya akong nilingon at kumibot ang malapad nyang ilong. "Hindi." Nagpatuloy sya sa paglalakad pagkatapos. "Ako lang ang kinilala nyang ina dahil ako ang nagpalaki sa kanya simula nang bata pa sya."

I chose not to speak.

"Akala nya ay ako ang kanyang ina dahil may asul din akong mga mata tulad nya. Pero hindi ako nagkulang ng pagpapaliwanag sa kanya na kawaksi lang ako at hindi nya ka-anu-ano." Seryoso ang boses nya.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon