Chapter 14

736K 18.6K 3.2K
                                    

Restored missing chapter

Chapter 14

LOVE ME HARDER, Lord K. Hindi hurt me harder. Aware kaya siya sa pagkakaiba ng mga ito? Alam kaya nya na mas nasasaktan nya ako kaysa minamahal? O baka ito lang iyong alam nyang way ng pagmamahal? Para syang test paper. Hindi ko maintindihan at ang hirap sagutan!

Erika? 

Hindi ako ang babaeng iyon! Ewan, pero sa tuwing magpapaputok sya ay nasasambit nya ang pangalang iyon! Wala rin pala syang pinagkaiba kay Rom. Ang tingin nila sa akin ay ang yumaong maharot na iyon. Mantakin ba namang pagsabaying paibigin ng hitad na iyon ang dalawang poging pabebe. Naku! Kung nabubuhay pa ang malanding iyon ay baka tinuhod ko na iyon sa sintido.

"Ruby?" tinig ni Jojo ang nakapagpatayo sa akin mula sa kinauupuan. Sya ang isa sa mga regular kong customer na laging bumibili sa akin noon ng mga epektos. Kaibigan sya ni Jayson na ex ko na pinatay ni Lord K.

"Jo..." I smiled at him.

"You're back into business, huh?" sabay hithit nya ng sigarilyong inipit nya ng daliri.

Napayuko na lang ako. Kanina pa ako dito sa kanyang sala upang abangan sya. Kaaantay ko sa kanya ang hindi na ako nakapasok. May mga exams pa naman kami. Kailangan ko kasing maipaubos itong isang daang pakete na ibinigay sa akin ni Breeze dahil kung hindi, mabibigo ako sa aking kota. Isang linggo na kasi mula noon ay iilan pa lang ang nibebenta ko. Halos hindi na nga ako natutulog kakahagilap sa mga dati kong customer. Maige na lang at alam ko itong kuta ni Jojo dito sa parlor. Small timer man sya at mahinang gumamit ngunit minsan naman ay maramihan sya bumili.

"Pasok ka." Iginiya nya ako papasok.

"Ilang gramo, Jo?" ito agad ang tanong ko sa kanya.

Gusto ko nang makatapos dahil sukang-suka na ako sa gawaing ito. Kung hindi lang nakataya ang buhay ng pamilya ko ay wala ako rito. 

Humalakhak sya kaya sumungaw mula sa kanyang bibig ang kanyang sungking mga ngipin. "Iyan ang gusto ko sa'yo, Ruby. Deretsahan ka."

"Pasensya ka na. Nagmamadali kasi ako. Gusto ko pa sanang maabutan ang klase ko. May test kami ngayon."

Lalo syang natawa. "Dalawampung gramo lang ang kailangan ko."

"Ha? Hindi mo ba dadagdagan?"

Napabuntong-hininga sya. "You know what, Ruby? I admire you. Akalain mo nakukuha mong pagsabayin ang pag-aaral mo sa pabebenta nito."

Mapait akong napangiti sa kanya.

Inabutan nya ako ng calling card. "Tawagan mo ako sa makalawa. Ipakikilala kita sa isang big timer na user. Pinakamamababang kinukuha niyon ay kilogramo."

Namilog ang mga mata ko. "Talaga?!" Kung makakapagbenta ako ng ganoon ay mabilis kong maabot ang kota na ibinigay sa akin ni Breeze. In short, madali kong mababayaran ang pagkakautang ni Amang sa mga Salvador.

"Oo nga! Kaya akin na yang dalawampung gramo ko at heto ang bayad." Inabutan nya ako ng pera. "At umalis ka na dahil baka mahuli ka pa sa klase mo!"

Maluha-luha akong kinuha iyon at saka niyakap sya. Pagkuwan ay patakbo na akong umibis palabas. Nakakita ako agad ng tricycle na nakhimpil kaya dali akong pumasok dito. Sinabi ko sa driver ang lugar ng unibersidad ko.

Subalit sa gitna ng daan ay isang itim na sasakyan ang humarang sa amin dahilan para mapahinto ang tricycle na sinasakyan ko. May mga unipormadong lalaki ang bumaba mula rito. Hindi na ako naghintay na lapitan ako ng mga ito at bumaba na rin ako. 

"Manong, dito na lang ako." inabutan ko ng pero itong driver at saka humakbang papalapit sa mga lalaki.

Isa sa mga ito ang nagbukas ng pinto ng kotse at iginiya ako papasok. Bago ako pumasok ay nagtanong ako. "Kay Lord K ba kayo?"

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon