Chapter 43

566K 18.6K 5.5K
                                    

Chapter 43

I was dumbfounded.

"W-what do you mean?" I stuttered. "A-anak mo si Kia?" Ulit ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Baka naman kasi nabingi lang ako.

"Yes." Napabuga sya ng hangin. "She's my daughter."

Suddenly I found it hard to breathe.

Kamuntik na akong mabuwal sa aking pagkakatayo. Parang lahat ng lakas ko ay lumipad palayo.

Paano nangyari iyon? Bakit di ko alam?!

Knowing that he has a daughter was a bomb to me.

Binago nito ang sandaling ngayon na may pitong taong kahapon.

Totoo ba talaga ang narinig ko? Hindi ba isang bangungot lang ito?

Namalayan ko na lang na napalingon ako sa batang babae. Hayun ito sa kalayuan at nakapamewang. Nakataas ang isang kilay sa akin at bakas sa mukha ang labis na pagkainip.

May dalawang araw na silang nanunuluyan dito sa aking condo pero ngayon ko lang ito napagmasdan nang maigi.

Posible ngang anak nya ang batang ito. She had his deep merciless blue eyes. And Hindi rin nalalayo ang mukha nito sa kanya.

Masakit. I couldn't resist the pang of pain while looking at Kia's face.

Pagak akong tumawa. "Akalain mo nga naman."

"Erika," he called out my name in his low and hoarse voice.

We're fuc king done. Wala na iyong past, dapat wala na lang sa akin ito. Ano kung may anak siya? Kahit pa isang daan ang anak niya ay wala na akong pakialam.

But bloody hell! Pero hindi ko pa rin matanggap na may anak si Kyo!

May iba pa siyang anak bukod sa naging anak namin! Tangina lang!

Nag-init ang mga mata ko at nakaramdam agad ako ng takot. Ayaw kong umiyak. Lalo sa harapan niya.

I quickly looked away. I don't want him to see my emotions through my eyes. Alam kong hindi ko kayang itago ang sakit, dahil winawasak ako nito ngayon.

"A-and her mother?" bumaling muli ako sa kanya sa kabila ng paninikip ng aking paghinga.

Napapikit si Kyo at walang emosyong naglakad papalapit sa akin. Nang magkatapat kami ay huminto siya.

"Sorry but I won't tell you."

"But why not?"

Gumalaw ang kanyang mga mata patungo sa akin ngunit hindi ang guwapo nyang mukha.

"I just don't want you to know." Pagkasabi'y naglakad na sya palampas sa akin.

Maski si Kia ay nilampasan niya.

Napahalukipkip tuloy ang bata. "Daddy?" may pagmamaktol sa tinig ng paslit. "Don't tell me you're leaving again?!"

Pero hindi pinansin man lang ng lalaki ang anak.

Lumabi si Kia at malungkot na sumalampak sa sahig. Nang makita ang nalaglag na throw pillow mula sa couch ay kinuha at saka ibinato iyon ng bata. Tumulis pa ang mapulang nguso ni Kia.

Napakawalang kwentang tatay naman nito ni Kyo! Walang pakialam sa anak!

Kung nabubuhay ang anak namin, ganito rin kaya ang magiging trato niya rito?

Nang makalabas na ang lalaki ay nilapitan ako ni Kia. Kinuha nya ang aking kamay sanhi para magising ako sa pagkatulala.

"Milk, please!" Mainit nyang palad ang nagbalik sa aking sa kasalukuyan. "I'm hungry!"

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon