Chapter 26

652K 18.7K 5.8K
                                    

Chapter 26

"Get off my plane." He said. Mula sa kanyang likuran ay nakita kong nag-igitng ang kanyang panga.

"Kyo..." Napakapit ako nang mahigpit sa hawakan ng upuan. 

"You know? I couldn't understand you," mayamaya ay nagsalita siya sa mababang boses pero napakalamig na tono. "Hindi ko maintindihan kung bakit inilihim mo siya sa akin? Kung bakit hinayaan mong ipanganak siya na wala ako. Kung bakit hinayaan mo siyang mamatay nang hindi ko man lang nakikita. Hindi ko kayang intindihin."

"I'm sorry..." nangangatal ang mga labing sambit ko.

"Mas hindi ko kayang intindihin kung bakit pinabayaan mo siyang mamatay."

"H-hindi ko rin ginusto ang mga nangayari..." Nag-uunahan ang mga luha ko. "M-mahal na mahal ko ang anak natin... mahal na mahal ko siya..."

"Kung mahal mo siya, hindi mo siya itatago sa akin. Hindi mo siya hahayaang mamatay nang walang kalaban-laban. Dahil kung alam kong anak ko ang dala-dala mo noon, kahit magtago ka pa sa dulo ng mundo, susundan kita. Kukunin kita. Hindi ako papayag na malalayo ka sa akin kahit segundo. Hindi ko hahayaang wala kayo sa tabi ko. Poprotektahan ko kayo hanggang sa abot ng makakaya ko." Nabasag ang boses niya. "Kung kinakailangang dalhin ka sa ibang bansa, sa pinaka-malaki, pinaka-moderno, pinakompletong ospital at sa pinakamahusay na doktor, gagawin ko. Uubusin ko ang lahat ng pera at koneksyon ko. Gagawin ko ang lahat kahit pa ang imposible... Pero hindi mo ako binigyan ng pagkakataon. Inalisan mo ako ng karapatan."

Dama ko ang hapdi sa bawat salitang binitiwan niya. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kasalanan kong maging isang duwag. Pero hindi ako nagsisisi na pinili ko ang kaligtasan nina Mama, Amang, Ate Rosenda at Dangdang. Hindi ako nagsisisi na pinili ko ang pamilya ko dahil hindi ko sila kayang isugal.

Kung meron man akong pinagsisisihan ngayon ay iyon ay hindi ako naging malakas para sa anak namin.

"And now you're living your life like nothing happened," mapait na bitiw niya. 

"K-Kyo... maniwala ka..." lumapit ako sa kanya. "H-hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala nya..."

Kung sana masasabi ko lang kay Kyo na ang banta ng ama niyang si Don Ybarra Montenegro ang dahilan kaya ako lumayo noon sa kanya. Kung sana makakasiguro ako na magiging ligtas pa rin ang pamilya ko kahit nagsumbong ako noon sa kanya. Kung sana makakasiguro ako noon na hindi siya idadamay ng ama niya sa banta nito, dahil kahit saan ko man tingnan noon, sigurado akong maski siya ay kayang bitiwan ng sarili niyang ama. Kung sana lang kasi may milagrong naganap noon, sana hindi kami nagkakaganito ngayon.

Sana magkasama kaming lumaban para sa anak namin. Sana rin nakita niyang hindi ako naging pabayang ina sa anak namin. Sana nakita niyang mahal na mahal ko sila at gagawin ko ang lahat para hindi sila mapahamak...

Narinig ko ang malalim nyang paghinga mayamaya. Napayuko sya saka nagsalita.

"You killed my daughter..."

That was the most painful accusation I've ever heard. Ilang beses ko na ring sinisisi ang sarili ko pero nakakayanan ko. Sana ay makayanan ko iyong sakit ngayong narinig ko ito mula sa ibang tao. Lalo na sa ama ng batang ipinagluluksa ko.

"You. Killed. Her."

"K-Kyo, hindi..." niyapos ko sya mula sa likuran.

Subalit agad nya rin binaklas ang mga braso kong nakaikot sa kanyang bewang.

"I will make you suffer."

"K-Kyo..."

"No." bahagya syang natigilan. "Not only you. Idadamay ko ang pamilya mo... lahat kayo..."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon