Chapter 57

670K 19.3K 5.2K
                                    

Chapter 57- Secrets


MAY mga bagay talaga na kahit masakit at mahirap ay dapat mangyari, kagaya ng paghihiwalay namin ni Kyo.

Ang paglayo niya ang naging dahilan para mahanap ko ang sarili ko, at tuluyang maghilom ang lahat ng sugat sa aking pagkatao.

Mula ng unang beses na makilala ko siya. Iyong namatay ang boyfriend ko sa kamay ng mga tauhan niya. Iyong gabi na halos ikabaliw ko pa. Iyong gabing akala ko ay katapusan ko na.

Nang mga sumunod na araw na unti-unti akong napapalapit sa mahiwagang tao na nagtatago sa likod ng kanyang maskara. Hanggang sa tuluyan akong bumulusok at nahulog sa kanya.

Maraming sakit. Maraming tanong na nakakasakit. Lahat iyon ay dahil sa kanya.

Paulit-ulit kong nararamdaman na mahal ko siya at paulit-ulit ding itinatanggi ng mga mata niya ang tunay niyang nadarama. Ilang ulit pang nawasak ang puso ko dahil akala ko ay hindi ako ang mahal niya.

Hanggang sa mawala na sa buhay ko si Kyo. Nasangkot pa ako sa maraming gulo dahil lang sa kasakiman ng isang tao. Isang tao na biktima rin palang katulad ko.

May nagpaikot sa kuwento naming lahat. May isang natutuwa habang nagkakagulo kaming lahat.

Marami pang nangyari. Kanya-kanya kaming gawa ng mga bagay na sisira sa amin.

Nagalit ako kay Kyo.

Kinamuhian ko rin ang lalaking tumayong ama ni Kyo, na si Ybarra Montenegro. Ang matandang tigang na sakim sa kayamanan. Isang matandang hindi yata naturuan ng magandang asal at kung ano ang tunay na pagmamahal noong kabataan. At iyong ugaling meron siya ang ginamit niya para palakihin si Kyo at ang iba pa.

Lalong lumaki ang galit ko sa mundo. Tuluyan akong nagpatangay sa agos ng pagkamuhi ko. Naging kasangkapan ako ng isa pang may galit na tao.

Pero nagkamali ako.

Dahil hindi kailanman minahal ni Kyo si Erika. Gusto niya lang akong saktan, dahil ganoon ang pagkakakilala niya sa salitang pag-ibig.

Nananakit.

Gusto niyang makita ang sakit sa mga mata ko dahil hindi siya sigurado na pareho kami ng nararamdaman. Na pareho kaming nasasaktan. Na pareho kaming nakabilanggo sa nakaraan.

Maraming dagok, hindi ko na mabilang. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nasaktan at nawasak. Pero ngayon ay buo na ako. At oo, masasabi ko na malaki ang naitulong ng space na hiningi ko kay Kyo. Pero hindi ibig sabihin non na hindi ko na siya mahal, minamahal at mamahalin pa.

Kahit kailan ay hindi siya nawala sa isip ko. I'd be lying to myself if I say that I don't have regrets of letting him go. Isa iyong mabigat na sakripisyo para sa aming dalawa, lalo na at may anak ako sa kanya.

Kung alam lang nya na halos mabaliw ako sa pangungulila lalo kapag tumitingin ako sa mga mata ni Kia na nagpapaalala sa akin ng sakit, na nakita ko sa mga mata niya nang sabihin kong ayaw ko muna siyang makita.

Pero ngayon ay handa na akong muling sumugal. At magmahal ng walang kinatatakutan. Handa na rin akong muling masaktan. Susugal na ako dahil na-realize ko na mas higit palang mahirap na wala siya sa buhay ko.

At iyon nga, sapat na ang matagal niyang pagtatago at pagpapa-miss sa akin. Sobra na akong nag-aalala sa kanya, gusto ko na siyang makita ulit.

Hinanap ko siya pero hindi ko na siya matagpuan. Kung nasaang lupalop man siya ng mundo ay walang nakakaalam. Kahit ang BOS ay hindi rin sya mahanap.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon