Chapter 54

571K 17.9K 4K
                                    

Chapter 54

ANG kapal talaga ng lalaking 'to.

Tama bang makitira siya rito sa bahay namin?

At idinawit nya pa ang anak niya! Isinama nya rito sa bahay nila Mama si Kia para may isangkalan sa akin. Porket alam niyang malapit na sa akin iyong bata ay gagamitin niya na! Aba, magaling siya!

Akala nya yata ay makakadagdag iyon ng pogi points. Ang hindi nya alam ay hindi ko pa rin sya hahayaang maka-score.

Galit pa rin ako sa kanya. O pwede ring nagtatampo. 

Paano ba naman kasi ay ilang araw siyang hindi nagparamdam. Ang gusto pa yata ay ako pa mismo ang lumapit sa kanya, which is, kamuntik ko ng gawin. Pero katakot-takot na pigil ang ginawa ko para lang hindi ako ang mauna. Masyado na kasing pagpapakababa iyon kung ako ang unang hahabol sa kanya.

Matapos akong makalabas sa hospital ay hindi ko na nakita kahit ang dulo ng buhok niya. Ni wala man lang siyang pasabi kung ano ng nangyayari sa kanya. Ni hindi niya inisip na baka nag-aalala ako sa kanya.

Parang kagaya ng dati, iyong para bang wala syang pakialam sa akin. Parang balewala na naman ako. Ni hindi niya nga yata ako naaalala sa ilang araw na wala siyang paramdam. Para bang hindi nya man lang ako na-miss!

Ayaw ko na ng ganito. Nakakapagod at nakakasawa na. Hindi ko pa rin ma-spelling ang ugali niya. Palagi na lang akong nanghuhula at nangangapa.

Pagkatapos ngayon nga ay bigla-bigla siyang susulpot bitbit ang maleta nilang mag-ama. At di lang iyon, heto at katabi ko siya sa kama. Eh, wala naman kasi silang ibang tutulugan. Naka-lock kasi lahat ng guestrooms namin, at nawawala raw ang mga susi ayon kay Amang.

At ito nga, dito siya sa kama ko nakahiga. At dahil nandito sya kaya hindi ako makatulog!

Sino bang makakatulog kung ganito at ang bango-bango at ang guwapo ng katabi mo? Ang malala pa, ang likot ng kamay niya. Kung saan-saan nakakarating.

Nakayapos sya sa likuran ko ngayon at hinahalikan ako sa leeg.

"Pabebe ko..." ungot niya.

Diyan siya magaling!

"Ruby... gising ka pa?"

Tinabig ko sya palayo. "Ano ba kasi..."

Sa likuran nya ay naroon lang si Kia na mahimbing pa rin ang tulog. Tabi-tabi kami, malaki naman kasi ang kama ko na ipinabili pa ni Mama. Queen size. Kasya kaming tatlo, pero itong si Kyo kung makadikit sa akin ay parang wala ng espasyo.

"Hindi ka ba nahihiya sa anak mo?" inis kong sita sa kanya. Baka kasi marinig kami ng bata.

"Eh, paano yung premyo ko?"

"Premyo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"I saved your life, remember?"

Aba, ang lintek! Eh, siya nga ito diyang PANGUNGAHING dahilan kaya nanganib ang buhay ko! Siya ang dahilan sa lahat ng nangyari sa akin.

Bumaba pa iyong mga labi nya sa sa akin.

Kung kailan nadadala na ako ay saka naman siya huminto.

Bakit kaya?

Nang mapalingon ako sa aking tabi ay nakasimangot nang nakaupo si Kia at nakatingin sa amin. Mukhang nagising siya sa likot namin. "You guys are about to screw up?!"

Napabalikwas ako ng bangon. "Hala, naku hindi ah."

Pinigil ko ang ngiti ko nang makita ang namumukol na harapan ni Kyo. Pasimple ko iyong tinakpan ng unan, hirap na napaungol naman ang lalaki.

Dali kong binuksan ang kurtina ng bintana. "Ano ba, Kyo, tanghali na. Magsibak na ng kahoy."

Nangunot ang kanyang noo. "Magsibak ng kahoy?"

Humarap ako sa kanya ang pumamewang. "Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sakin?"

Napayuko sya.

"Hala sige, at magsibak na!"

"Para saan naman iyong sisibaking kahoy, Mama?" Kia asked.

Simula ng dumating sya dito ay 'Mama' na ang tawag nya sa akin. Ayon kasi kay Kyo ay gusto raw akong maging ina ng bata. At aaminin ko, nagugustuhan ko ang pagtawag niya sa aking 'Mama' kahit pa minsan ay naiilang ako sa kanya. Masyado kasing biba si Kia, masyado ring seryoso na parang hindi bata.

"Panluto," sagot ko.

"But we have gas and electricity." Angal ni Kyo.

Pinaningkitan ko siya ng mata. "Magsisibak ka ba o pauuwiin na kita?" Bumalik na sa alaala ko ang lahat ng hinanakit ko kay Kyo.

"Fine." Tumayo si Kyo at tumanaw sa bintana. "Saan ako kukuhang kahoy?"

"Ah," sinipat ko iyong labas. "Nakita mo iyong mga puno?"

Sinipat nya rin iyon ng tingin.

"Pumutol ka ng puno at pira-pirasuhin mo. Gumamit ka ng palakol para makagawa ka ng panggatong."

Nalukot ang matangos na ilong ni Kyo. "Seriously?"

Umirap ako. "Gumamit ka ng kutsilyo para makagawa ka ng panggatong."

"Kutsilyo?"

"Ah, magtatanong ka pa?" inis na humalukipkip ako. "Gumamit ka ng blade para makagawa ka ng panggatong."

"You're kidding, right?"

"Gumamit ka ng nail cutter para makagawa ka ng panggatong!"

"Come on!"

"Gamitin mo tite mo para makagawa ka ng panggatong, letse!" Tinalikuran ko na siya sa sobrang asar ko.

"Oh, crap!"

JAMILLEFUMAH

@JFstories

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon