Chapter 13

762K 20.7K 8.7K
                                    

Chapter 13

SPG

FEELING HURT: IYAN ang status ko ngayon. Iyong caption ko ay pinag-iisipan ko pa. Baka kasi mag-react na naman si Chie-chie. Madalas pa namang nagiging chatbox iyong comments namin sa isa't isa. Mga tipong 50 comments pero 'wag ka, 2 likes lang! Dyahe 'di ba? Sana nagtext na lang kami.

Hay, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ganito ba kapag in love? Nagiging bulag sa katotohanan? Obvious naman na parang nagbago si Lord K sa akin, pero nagtatanga-tangahan pa rin ako. Iniisip ko pa rin na baka naman may problema lang sya kaya sya ganoon. Pero ano nga ba talaga ang problema? 

So I decided na puntahan si Lord K sa mansyon nya. Ngunit palabas pa lang ako nang may matanaw akong mga sasakayan at grupo ng kalalakihan sa labas ng bakuran namin. Kinabahan tuloy ako. Naalala ko ang sinabi sa akin ni Rom tungkol sa pagkakautang ni Amang sa sugal. Pihadong ang mga ito ay iyong Salvador-gangster na nanakit sa tatay ko.

Kahit kinakabahan ay naglakas-loob pa rin akong tanawin ang mga ito. Isang pamilyar na mukha ang nasalo ng aking paningin.

Si Ariel!

Anong ginagawa nya rito kasama ang mga lalaking ito? At saka sino kaya iyong isang malaking lalaki na nakaakbay sa kanya? Kakakamot-kamot si Ariel habang nakatingin sa akin. Sa wari ko'y under sya nitong lalaking nakasalampay sa kanya.

Nilapitan ko sya. "A-Ariel..."

"R-Ruby..." mukha syang maamong tupa. "K-kumusta na? Nagtataka ka siguro kung bakit napadaan ako." sabay baling nya sa lalaking nakaakbay sa kanya. "'Nga pala... Siya iyong kuya ko, si Breeze."

Sabi na nga ba older brother nya ito, eh. Binati naman ako ni kuya Breeze na mukhang goons sa pelikula. "Nariyan ba ang tatay mo?" Pagkuwa'y tanong nito sa malagom na boses.

Namutla ako sa tanong nya. Bakit nila hinahanap si Amang?

Lumapit sa akin si Ariel at hinila nya ako sa isang sulok. "R-Ruby, makinig ka..." lumikot ang kanyang mga mata. "May atraso ang Amang mo sa kuya ko... malaki..."

Natutop ko ang aking bibig. "Tungkol ba ito sa utang ni Amang?"

Nangunot ang kanyang noo. "Paano mo nalaman?"

Napayuko ako. "A-Ariel, hindi mo ba mapapakiusapan ang kuya mo?" Sa halip ay tanong ko.

"Mapapakiusapan ko si kuya. Pero ang amo nya, hindi."

"Amo?"

He nodded. "Si Don Salvador."

Confirmed. Sila nga iyong tinutukoy ni Rom na Salvador gangster. Nagtubig ang aking mga mata sa sinabi nya. "N-nasa panganib ba ang tatay ko?"

Napabuntong-hininga si Ariel. "Hindi lang ang Amang mo, Ruby. Kundi pati ang buong pamilya nyo. Kung bakit ba naman kasi hinayaan ng tatay mo na malubog siya sa utang sa sabungan! Tsk! Pero di naman kita kayang tiisin kasi mahal pa rin kita kaya nga nang malaman ko ang bagay na ito ay nagpumilit akong sumama rito. Ayaw kong mamatay ka na di man lang nakakaranas lumigaya sa alam mo na. Iyon nga, papatayin kayo ni Don Salvador."

Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa mula sa aking nalaman. Hindi pa nga ako nakakaraos kay Ybara, tapos may panibago na namang panganib. Hindi na ako nakapagsalita at napatulala na lang.

"Makinig ka, Ruby..." hinawakan ako ni Ariel sa aking magkabilang balikat. "Sumama ako kay kuya rito para kausapin ka. Nalaman nya kasing ex kita..." may hinanakit sa kanyang tinig. "May paraan pa para mabayaran mo si Don Salvador..."

Nagliwanag ang aking mukha. "A-anong paraan?"

Nilingon nya ang kanyang kapatid na si Breeze. Ilang sandali pa'y nagtungo ito sa isang sasakyan at pagbalik nito, may bitbit na itong bag na itim. Inilapag nito iyon sa tabi ko. "Ibenta mo iyan..." ani Ariel. "Alam kong may background ka na diyan kaya di ka mahihirapan."

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon