Chapter 36

677K 21.4K 7.7K
                                    

Chapter 36

SHE's the most beautiful woman I've ever seen.

Bughaw na bughaw ang mga mata niya, napakakinis at napakaputi ng balat niya, at ang kanyang matangos na ilong at mapupulang mga labi na hindi naman ganoon noon.

I can't help but to stare at her and I still can't believe that it was me on the goddamn mirror! It was really me!

Hashtag pabebeng Montenegro.

"Why are you staring at the mirror again?" tinig na mula sa aking likuran.

It was Romnick Montenegro. And yes, nakakakita na siya ulit. Matapos ang ilang taong paghihintay, nakakuha na rin siya ng donor para sa kanyang bagong mga mata. He went to the U.S. for an eye surgery and after a month, bumalik na siya with his new pair of black eyes. Napatanong ako kung bakit hindi asul na mga mata ang pinili niyang donor, ang kanyang kasagutan ay iyon daw ang gusto niya since hindi naman talaga asul ang kanyang mga mata noong inampon siya ni Don Ybarra Montenegro.

Lumapit siya sa gilid ng kama na aking kinauupuan.

Napasimangot ako nang makita ko siya sa repleksyon ng salamin na may dala-dalang tray ng pagkain. "I'm staring at Erika Montenegro."

"It's been six months, for God's sake!" Inilapag niya sa tabi ko ang dala niyang tray. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin makapaniwala na ikaw nga iyan?"

Napayuko ako. Pilit kong sinisipat kung ano na naman bang klaseng pagkain itong bitbit nya.

"Come on, Erika!"

Ang iritableng timbre ng boses ni Rom ay lumalabas sa tuwing nakikita niya akong ganito, iyong namamangha sa aking bagong anyo. Ang gusto niya kasi ay tuluyan na akong masanay sa kung ano at sino ako ngayon. Ang gusto niya ay yakapin ko na nang tuluyan ang bago kong katauhan.

In six months ay araw-araw akong sumasailalim sa ibat-ibang therapy para tuluyan na akong gumaling. In six months din ay araw-araw akong binibisita ng ibat-ibang foreign tutor na kinuha niya para sa akin. Lahat ng elite etiquettes ay itinuturo sa akin, mula sa tama at may class na pananalita, pagkilos, pakikisalamuha, pananamit, at pagkain. Lahat ng kailangang malaman at matutunan para tuluyan nang maibaon sa limot si Ruby Castillo.

Kung siguro ay ako pa rin ang dating maarte, pasosyal at feeling rich kid na Ruby Castillo ay siguro masayang-masaya akong maging si Erika Montenegro ngayon. Pero nag-iba na kasi ako sa paglipas ng panahon... 

"Listen to me." He lifted my chin with his finger. "You have to be strong. You can't be Ruby anymore. If you walk out through that door with that name, believe me, in just a few hours you'll be in jail."

Kinuha niya ang hawak kong bilog na salamin at inilapag iyon.

Oo na, alam ko naman. Alam ko na sa kulungan ang bagsak ko at tiyak din na mapapahamak ang pamilya ko sa Cebu kapag nalaman ng mga awtoridad na ako si Ruby Castillo. Pero hindi ito ang inaalala ko ngayon. Nangangamba kasi ako roon sa pagkain na kaharap ko. May palagay akong iba ito sa iniisip kong putahe.

Para siyang may topak na ngumiti mayamaya. "Okay, tama na muna ang pagtatalong ito. Tikman mo na lang muna itong bagong luto ko. You know you need to eat para naman lumakas ka na nang tuluyan."

"R-really?" and seriously?

Masigla nya akong inabutan ng kubyertos. "Come on. Have a bite."

Kinuwit ko gamit ang tinidor iyong karne.

In. Slow. Motion.

"Let me." Inagaw niya sa akin iyong tinidor at siya ang kumuwit. Hinipan niya iyon at saka isinubo sa akin.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon