Chapter 1

1.2M 34K 15.8K
                                    

Chapter 1

NANGINGINIG... nangangatog... natatakot...

Kahit sino ang mapatingin sa kanyang asul na mga mata ay ganito rin ang mararamdaman. May kung anong dahilan na hindi ko alam kung bakit pinapahinto nito ang aking paghinga. 

Napatingala ako nang makalapit sya sa akin. Hindi ko alam kung gaano sya katangkad ngunit kung tatanchahin ay hanggang dibdib nya lang ako. Gusto ko nang iwasan ang kanyang banyagang mga mata but I can't. I guess there's something wrong with me. This guy killed two men in front of me at kabilang na roon ang aking BF. This guy could kill me anytime he wants. This guy is a monster! So, dapat ay nanginginig ako, nangangatog at naaaliw.

Shit! Ano nga ba iyong sabi ko nung una?

Kumurap ang magaganda nyang mga mata. He's wearing masquerade kaya ang nakikita ko lang ay ang aristokrato nyang ilong at mapupulang mga labi bukod sa kanyang mga mata. "You want me to fuckyou?"

Tumango ako habang yakap ko ang aking sarili. Alam ko namang papatayin nya ako. But before it happens, gusto ko munang ma-experience ang isang bagay na hindi ko pa nararanasan. Ayokong mamatay na virgin!

Pumamulsa sya bago napabuga ng hangin. He snapped his finger and in just a second, nagsilabasan ang mga unipormadong lalaki na mga tsinito. Hinuli nya ang aking puslo at nang makapitan nya ito ay hinila nya ako. Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa kanya.

Nilingon ko pa ang bangkay ni Jason na nakalupagi sa sahig. Napakabilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap ay wala na sya na parang kanina lang ay kausap ko pa.

Pumasok kami sa isang kwarto na napaliligiran ng salamin. Binubuo ito ng pulang disenyo na tulad ng nasa labas na pinaggalingan ko. He slowly closed the door at saka sya humarap sa akin. Kahit nakamaskara sya ay nakikita ko kung gaano kakinis ang kanyang pisngi.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Kinakabahan ako sa isiping ilang sandali na lang ay papanaw na ako sa mundong ito. At kung sakali mang buhayin nya ako ay hindi ko na rin nanaising mabuhay pa. Mababaliw ako. Dalawang tao ang pinatay sa harapan ko at kukunin nya ang puri ko. Sinumang makaranas nito ay magkaka-trauma na tulad ko.

Humakbang sya papalapit sa akin gamit ang kanyang magagaan na mga paa. Bagama't tao rin syang tulad ko ay makikita agad sa kanyang pagkilos kung gaano sya makapangyarihan. Kalmado lang sya at hindi kakikitaan ng kaba sa kanyang paggalaw. I'm sure na sanay ang lalaking ito na gumawa ng kasalanan.

Pero wala akong pakialam kahit gaano sya kakisig. For me, he's a dumbass. Dumbass! Dumbass! Dumb... asss...

Dumb... dum... dum...

Damn abs!

Paano'y bigla syang naghubad!

Nanuyo ang aking lalamunan. Inaasahan ko na ganito kaganda ang kanyang katawan. Pero hindi ko inaakala na ganito ito nakakaakit sa malapitan. Sa tulong ng pulang kisame ay idinetalye sa akin nito kung gaano kapantay ang kulay ng kanyang balat. Nakatulong din ito para mabilang ko kung ilan ang kanyang abs.

He used his finger to lift my chin nang makalapit sya sa akin. Bahagya syang yumukod upang abutin ang aking mga labi.

Nanigas ang aking katawan at sumikip ang aking paghinga. Huminto ang lahat maliban sa eratikong tibok ng aking dibdib.

I cleared my throat all of a sudden dahilan para mapahinto sya. Napalabi ako sa kanya. "M-masakit ba sa umpisa?"

Ano bang pumasok sa isipan ko at naitanong ko iyon?

Umangat sya at pumaling ang kanyang ulo habang ang kanyang bughaw na mga mata ay nakatitig sa akin.

Yari! Baka patayin na nya ako!

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon