Chapter 34

631K 20.5K 7.9K
                                    

Chapter 34

KYO

"K-Kyo, where are you? Our wedding is about to start." Mari's voice was shivering.

I was in the middle of packing my things when he made the call.

"I'm not coming."

"B-But Kyo, how will - "

"I hate repeating myself, Mari, you know me."

"So you're really going to marry her..."

"That's my plan since the beginning." Then I dropped the line. I continued loading my luggage for my flight in Cebu.

I needed to see Ruby. I will take advantage of the situation while she's a submissive to me.

I feel so nervous of the thought that she might refuse to accept my proposal again. Because tonight, I am planning to move in with her. I know this is going to be a major issue in my career but I really don't care.

I went to my console and gently picked a small box. Maingat ko iyong binuksan para lang masilaw sa isang singsing na kumikinang sa loob niyon. I bought this ring in Columbia. I know it's hard to imagine that Ruby will smile when I wear this to her finger, after all I've done to her, yet I was hoping.

I want to marry her. I still want to marry her after all these years.

Kahit sobra akong nasaktan sa pagtalikod niya sa akin matapos ko siyang piliin, I still love her. Minahal ko pa rin siya kahit namatay ang anak namin nang hindi ko man lang nasisilayan.

Pero tama na. Ang dami ko nang tiniis at ganoon din siya. Kailangan na naming tumigil. Kailangan ko na siyang itali nang panghabang-buhay. At habang sumusunod siya sa lahat ng sinasabi ko, sasamantalahin ko iyon para mapaoo siya. After that, saka ako babawi sa lahat-lahat.

Tatanggapin ko ang mga parusa niya sa lahat ng kagaguhan ko.

Kung kinakailangan, I will woo her even if it takes forever. I will make her fall in love with me again.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan si Rom. Kahit malabo pa sa tubig-kanal ang samahan namin, he's still my goddamn adoptive brother. Montenegro pa rin siya kahit sa papel lang.

He reached out to me at inungkat niya ang tungkol kay Erika. I met Erika nang nasa Pilipinas na ako. Si Erika na unang dahilan kung bakit karibal ang tingin ni Rom sa akin noon. Erika was my father's favorite adoptive child. Sa akin unang gustong ipakasal ni Ybarra si Erika. I was okay with it before, until I learned that Rom loves Erika. I asked Ybarra na si Rom na lang ang ipakasal kay Erika... at iyon nga ang nangyari sa huli.

Pinaayos ang mga papel para mawalan ng bisa ang pagiging adoptive sibling nila sa isat-isa.

But after the wedding, Erika confessed to me. She told me that it's me that she truly love. Na natakot lang siya kay Ybarra kaya niya sinunod ang utos nito.

Ayoko ng gulo kaya pinili kong umalis. Pero humabol si Erika. Sa paghabol niya sa akin ay napasama siya sa mga passengers ng eroplanong nag-crash. Erika died because of me...

Nagalit si Rom sa akin dahil doon. Ilang taon niya akong sinisi. I couldn't blame him dahil sinisi ko rin naman ang sarili ko sa nangyari. Erika was a good woman. She's my adoptive sister and I loved her.

Kinailangan pang dumaan ang ilang taon bago kami nakalimot...

Though Ruby really looks like Erika, hindi pa rin iisa ang dalawang babae. And finally, tanggap na ni Rom ang katotohanang iyon ngayon. Tanggap niya nang si Ruby ay akin.

Umamin siya sa akin na wala talagang nangyayari sa kanila ni Ruby kahit sa kanya ito umuuwi. Na hindi totoong he was fucking her, na pinagseselos niya lang ako kaya niya iyon sinabi. He also said to me na ako ang mahal ni Ruby. Na ako lang. Na ako pa rin kaya tigilan ko na ang pagpapahirap sa babae.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon