Chapter 30

728K 21.7K 18K
                                    

Chapter 30

Lumapit si Mari kay Kyo. Dahil nga matangkad si Kyo ay kinailangan niya pang tumingkayad upang abutin ang bibig ng lalaki. At bago pa maglapat ang mga labi nila ay napapikit na ako. But still, I could hear the sounds of their kisses.

Kung sana'y kaya ko lang din ipikit ang mga tainga ko para hindi ko sila marinig. Kung sana'y kaya ko ring isara ang nararamdam ko para hindi ko na maramdaman ang sakit. Ang kaso, wala akong kakayahang gawin iyon.

Tunay ngang ang pinakamahinang babae ang iyong nagpapakatanga sa pagmamahal.

Kyo tied me on the chair facing them. Wala akong choice kundi ang makita sila. Wala rin akong lakas para iwasan ang mga mangyayari.

How I wish I could cry but I must not. Kapag may nakita si Kyo na luha sa akin ay pihadong tapos ang lahat ng pagtitiis ko.

Especially now, Kyo was looking at me while they were kissing. Binabantayan nya ang mga mata ko kung may babagsak bang luha sa mga ito. And the thought na sinasadya nyang saktan ako, pakiramdam ko ay nakaupo ako kung saan ako binibitay.

Hinga, Ruby, hinga. Heto na naman ang dibdib ko, naninikip.

Makalipas ang ilang minuto ay gumapang na ang kamay ni Mari. Iniangat nito ang laylayan ng suot ni Kyo pataas upang hubarin iyon. Ito namang lalaki ay nagpaubayang mahubaran.

Ayaw ko na, hindi ko na kaya. Wala pa sa kalahati ang nakikita ko pero hindi na ako makahinga. Nauubos na ang hangin sa dibdib ko at nanlalabo na ang aking paningin. Ni hindi ko matiyak kung nakita ko ba talaga si Kyo nang itulak niya palayo sa kanya si Mari.

Nang sikapin kong aninagin ang nasa harapan ko ay nasa harapan ko na si Kyo.  

Sa parteng ito ay nagdilim na ang aking paningin at pagkatapos niyon ay hindi ko na alam ang nangyari.

...

NANG imulat ko ang aking mga mata ay nakahiga na ako sa isang malaki at malambot na puting kama. Napakakumportable ko sa aking kinalalagyan, iyon nga lang ay nakakasilaw ang liwanag na nagmumula sa chandelier na nasa kisame. 

Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?

Panandalian lang ay naalala ko rin ang lahat. Siguradong hinimatay ako dahil hindi ko kinaya ang mga pangyayari.

Naalala ko nang hinimatayako habang gumagawa ng milagro sina Kyo at Mari. Ang mga walanghiya. Ang mgawalang puso. Natuloy kaya ang kamunduhan nila? Naka-ilang rounds kaya sila? Atbakit ba iniisip ko pa? Pakialam ko ba sa kanila!

Pero kaninong lugar kaya ito? Bakit ako narito?

Nasan na sila?

Napabalikwas ako ng bangon. Umalis ako sa kama at iginala ang aking paningin sa kabuuhan ng kwartong kinaroroonan ko. Malaki ito, maaliwalas at mukhang lahat ng gamit dito ay mamahalin. Napakurap ako habang minamasdan ang bawat kanto ng kwarto. Teka, parang hindi ito isa sa mga kwarto ng apartment ni Kyo, ah? Based sa istruktura at disenyo, tila ito ay isa sa mga kwarto ng kanyang mansiyon. Natatandaan ko pa kasi ang itsura ng mansiyon niya kung saan madalas na dinadala at pinapapunta niya ako noon.

Pero bakit ako naririto? Dinala niya ba ako rito habang wala akong malay? Pero bakit nga?!

Napalingon ako sa pinto nang aking marinig ang tunog ng isang musika. Kusa akong napahakbang palabas at bumungad sa akin ang isang lalaking nakaupo sa harapan ng piano. Kahit likuran lang aking nakikita ay alam ko na kung gaano ito kakisig. Magulo ang buhok nito na halatang kagigising lang din. Nakasuot ito ng white loose shirt at pajama. Malayo man sya ay naamoy ko ang panlalaki nyang amoy.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon