Chapter 38

635K 18K 7.8K
                                    

Chapter 38

We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine
Now you wanna be free
So I'm letting you fly
'Cause I know in my heart babe
Our love will never die..

♪♫♫

He seemed to be larger than life as he strummed the strings and made some acoustic sounds.He was every woman's fantasy. His bluish-fucking-gorgeous-eyes was perfectly fixed on mine. 


Galit ako sa kanya subalit tila ba naglaho ang lahat ng iyon dahil sa kinakanta niya.


"I ain't gonna cry no, and I won't beg you to stay. If you're determined to leave, girl, I will not stand in your way... But inevitably you'll be back again. 'Cause you know in your heart, babe our love will never end, no..."

Hindi ko maintindihan ang dapat kong maramdaman, masarap na pakiramdam pero nahahaluan ng sakit. Iyong sakit na hindi ko alam kung saan nagmumula, iyong sakit na kilalang-kilala ko pero gusto ko nang kalimutan.

"You'll always be a part of me, I'm part of you indefinitely. Girl, don't you know you can't escape me. Ooh... darling, 'cause you'll always be my baby. And we'll linger on. Time can't erase a feeling this strong. No way you're never gonna shake me

Ooh darling 'cause you'll always be my baby...

You'll always be my baby..."


Ipinilig ko ang aking ulo.

Get a fuck ing grip, Ruby! Inaakit ka niya! Obviously na ganoon ang ginagawa ng hayup na lalaking iyan.

Hindi ako maaring mahulog sa sarili kong bitag. Isa pa, ginagawa nya lang ito dahil hindi ako si Ruby Castillo. Naghahabol sya ngayon dahil ako si Erika Montenegro!

Kung mayroon man akong pagmamahal na natira para sa kanya ay dapat palitan na ng galit. Wala akong dapat ibang gustuhin kundi ang pahirapan din sya katulad ng ginawa nya sa akin.

Yes, I will make him suffer, too. Sasamantalahin ko ang pagkakataon habang hibang sya kay Erika. Unti-unti ay uupusin ko sya na parang isang kandila.

Napakurap ako nang mapansin kong may mga matang nakamatyag sa aking tabi. Nang lingunin ko ito ay tumama ako sa kulay chokolateng mga mata ni Terrence.

"Intense?" he asked, teasing.

Pinamulahan ako. Pihadong kanina nya pa ako nakikitang napapaigtad habang nakatitig kay Kyo.

Sa kabila ko naman ay nakamasid din ang mga mata ni Santi. "What do you think, Erika?"

"H-ha?"

"He's a miserable man but I must admit that he's still the best."

Bumaling sya kay Kyo na ilang hakbang ang layo sa amin.

"For me, he's in." Ani Terrence sa kaliwa ko.

"As well to me." Napasandal si Santi sa pagkakaupo. "How about you, Erika?"

Yumanig ang mundo ko sa tanong. Matagal ako bago nakapagsalita. "P-paano kung sabihin kong hindi sya okay sa akin?"

"We have to move on and look for another auditionee," Terrence answered.

"B-bakit ako?" Bakit sa sagot ko sila nagre-rely?

Umayos sya ng upo. "Because you'll be the lead vocalist. Alam mo dapat kung sino ang back-up vocalist mo."

Weh?

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon