Chapter 16

738K 20.8K 11.4K
                                    

Chapter 16

YBARRA WAS right. Walang alam si K sa pakikipagrelasyon. Ang pagkakaalam nya, bilang isang kasintahan nya, ay comfort woman nya ako o fuck-buddy. Nasaan na iyong sinasabi nyang love me harder? Eh, wala namang ibang hard sa kanya kundi iyong kanyang ano? Ano ito, gaguhan?

Hindi ko kinaya nang marinig ko ang sagot nya kaya kusang umangat ang aking mga palad upang samapalin sya. Subalit bago ito dumapo sa kanyang pisngi ay nasalo nya ang aking pulso.

Kainis naman ang reflexes nya!

His face frowned at me. "What the hell are you doing?"

Nanghihina ako ngunit nagawa ko pang bawiin sa kanya ang aking kamay. The shock numbed my senses and all I can do is to step back.

Nang lingapin ko ang paligid ay nakatingin sa akin ang lahat ng mga taong naroon. Para nila akong inaakusahan at pinagtutulungan. Iyong pakiramdam ko na ako ang may kasalanan.

Buong lakas akong pumihit patalikod sa kanila at saka nanakbo.

Marami sana akong gustong sabihin sa kanya pero nawala ang mga ito. Wala akong ibang gusto kundi ang makalayo sa kanya at sa lugar na ito. Ni hindi ko nga alam kung saan kumuha ng lakas ang mga tuhod ko. Basta natagpuan ko na lang ang aking sarili na narito sa kung saan na lumuluha. Kahit saang anggulo ko kasi tingnan ay never kong maiintindihan ang sagot nya sa akin kanina.

I'm just his exclusive bitch, for crying out loud!

Bakit ba pabago-bago pa rin ako sa kanya? Bakit ba umaasa pa ako sa kanya? Bakit hindi ko pa rin matanggap na hindi sya ordinaryong tao. Alien sya! Wala syang alam kundi fuck and kill and repeat!

Paano kaya ako makaka-survive ngayong gabing ito? Ano ang gagawin ko para makaraos ako? Sinong pwede kong makausap para gumaan ang pakiramdam ko? Kakayanin ko bang mabuhay pa kahit isang araw pa? Ang sakit-sakit!

Ilang sandali pa'y isang itim na sasakyan ang huminto malapit sa akin. Nang lingunin ko ito ay nakita ko agad ang masquerade ni Lord K.

"Get in."

Nakabaling lang ako sa kanya na tila ba hibang at wala sa sarili. I should be mad at him but something in his eyes chilled me out. Maybe I needed to talk to him no matter how hard it might be. Isa pa, gumaan rin ang pakiramdam ko sa isiping iniwan nya ang kanyang fiancee doon sa restaurant para kausapin ako. Kaya heto ako at pabebeng naglalakad papasok sa kanyang kotse.

Ngunit pagbukas ko ng pinto sa passenger seat ay nabigla ako. Sa tabi nya kasi ay prenteng nakaupo si Mari na hindi man lang ako nilingon.

"At the backseat, Ruby." utos ni Lord K na nasa driver seat.

Matagal pa ako bago nakakilos bago ko tinungo ang nasabing pwesto. Nang makaupo ako sa likuran nila ay nagsimula ng hindi ko maawat ang mga luha ko. Ayaw ko sanang makita ako ng fiancee nya na nasa ganitong kalagayan. Ang kaso, pilit ko mang itago ang impit pa rin akong napaiyak.

After a few minutes ay huminto ang minamaneho nyang koste. Bumaba si Mari subalit bago iyon ay humalik muna ito sa mga labi ng lalaki.

Iba pala talaga kapag nakita mong inaangkin ng iba ang akala mong pag-aari mo?

Umandar muli ang sasakyan at dumaan ito sa pamilyar na daan. Pihadong dadalhin na naman nya ako sa kanyang mansyon. Siguro para angkinin na naman ako. At pagkatapos ay ipapahatid na naman nya ako sa tauhan nya pauwi.

No way!

Pumasok ang kanyang sasakyan sa kanilang mala-gintong gate. Sinalubong kami ng mga nakaitim na lalaki at humanay ang mga ito patungo sa pinto. Naunang bumaba si Lord K at nagdire-deretso. Gusto ko syang batukan para ipaalam na kasama nya ako. Tinadyakan ko nga ang koste nya pagkababa ko. Tumalima ako sa kanya kaya ko natanaw na kausap nya si Aling Sita. Hinagkan nya ang matanda sa ilong.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon