Chapter 25

608K 18.8K 3.1K
                                    

Chapter 25

IMPIT akong napatili nang sumulpot si Kyo sa harapan ko.

Iyong pag-iyak ko biglang naging tears of joy.

Hindi niya ako iniwan!

Hindi niya ako pinaasa lang!

At mas lalong hindi siya nagti-trip lang!

At higit sa lahat... hinintay niya ako!

Ang ikinatutuwa ko pa ay tuwid na sya managalog. Ang sarap kasi sa tainga ng kanyang tinig lalo na't sa wikang Filipino.

At in fairness, nakilala ko siya agad kahit pa parang iba ang ayos niya ngayon.

Naka-itim siyang shades kaya tanging ang matangos na ilong lang niya at ang mapulang labi ang aking nakikita.

Pero kabisado ko na kasi ang amoy niya, at kinalabog agad ng buong-buong boses niya ang dibdib ko, kaya paanong di ko siya makikilala?

Naka-hoody sweater nga pala siyang kulay itim ngayon at ang hood ay nakataklob sa ulo niya at as usual, medyo hapit ang pantalon niya mula sa itaas patungo sa kanyang binti. Sa loob ng hoody niya ay isang plain white shirt. Para siyang magja-jogging rito sa airport.

Ngiting-ngiti na ako nang biglang tumunog ang kanyang tiyan. Napatingin ako doon.

"This is your fault kungbakit nagugutom na ako."

Cute nya!

Napalabi ako sa kanya. "S-sorry..."

"I will not tolerate you this time. I should punish you later."

Punishment? Gusto ko yan!

Kinuha nya ang aking kamay. Wala na naman akong nagawa kundi ang magpatianod nang hilahin nya ako.

"S-saan tayo pupunta?"

Wala syang imik habang naglalakad sya at hila-hila ako. Maybe it's better for me to shut my mouth dahil wala rin namang mangyayari. Tamad nga pala ang lalaking ito na sumagot sa mga tanong ko.

O kung papalarin pa ako ay sa sampung tanong ko, isa ang sasagutin nya.

Di kami masyadong pansin ng mga tao sa paligid kasi mukhang di na namumukhaan ng mga ito si Kyo sa porma nito ngayon. So ito pala ang plano niya, huh? Magtago sa mga fans!

Malayo pa lang kami sa exit ay may mga sumalubong na sa aming unipormadong lalaki. Naka-shades din ang mga ito at naka-coat ng itim na kagaya ng mga napapanuod ko sa isang action movie.

Iginiya kami ng mga ito palabas hanggang sa nakarating kami sa malawak na park.

Sa di kalayuan ay natatanaw ko ang isang eroplanong hindi kalakihan. Pumreno ang aking mga paa nang mapagtanto kong ito ay kanyang sariling sasakyan.

"S-sandali, Kyo..."

He was too emotionless to be seen when his face turned on me. Hindi masabi ni mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nya.

Bumitiw ako sa kamay nya. "S-sa Manila ba tayo pupunta?"

Pumamulsa sya at marahang lumapit sa akin. Pumantay na ang mukha ko sa kanyang dibdib ngunit hindi ko sya magawang tingalain. He took off his shades at iniabot nya iyon sa isang tauhan.

He pinched my chin and lifted it.

Nagtama ang mga mata namin at kusang naninigas ang kalamnan ko. Magsasalita pa sana ako nang awatin nya ang aking mga labi gamit ang kanyang daliri.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon