Chapter 20

712K 19K 9.5K
                                    

Chapter 20

MAINGAT KONG INIANGAT ang aking katawan mula sa kinahihigaang kama. Pagkagaling namin sa hospital ay tumuloy agad ako dito sa aking kuwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi nina Mama at ng doktor. Buntis ako. Magkakaanak na ako!

Mula sa aking pagkakaupo ay tumayo ako. Hinimas ko ang aking tiyan kung saan naroon ang magiging anak nya. Paano ko kaya sa sabihin sa kanya? Magagalit kaya sya? Makakaapekto kaya ito sa pinaplano naming dalawa?

Yes, it was that complicated. Hindi ko pa alam ang magiging reaction ni Lord K tungkol sa soon baby namin. Hindi pa namin napag-uusapan at wala pa sa plano. Ang tanga lang namin kasi hindi kami palaging nag-iingat kaya ito, nakabuo.

And since complicated nga ang situation, hindi ko rin masagot ang mga tanong nila Amang sa akin nang tanungin nila ako kung sino ang ama nitong dinadala ko. How would I tell them that the father of my baby is a mafia prince? Paano ko ipapaliwanag ang lahat? And how could I explain if I failed as a daughter from the beginning?

Back to Lord K, paano ko nga ba sasabihin sa kanya ang tungkol dito?

Hinihimay ko ang mga maaring mangyari. Ilang oras na lang kasi ay magkakasama na kami ni Lord K at magtatanan na kami. Iniisip ko kung ipapaalam ko ba agad sa kanya o saka na lang kapag natapos na ang aming kasal. O, pwede ring daanin ko muna sa joke at saka ko nalang totohanin. O kaya naman ay sabihin ko na lang sa kanya na buntis ako kapag napansin nyang malaki na ang tiyan ko, magpapabebe muna ako.

Mayamaya pa'y inihanda ko na ang aking mga gamit.

Hapon na nang mga sandaling iyon at papalubog na ang araw. Alam kong wala si Amang dahil nagtungo ito sa sabungan at ganoon din si Mama na humango ng paninda sa palengke. May kutob din ako na kahit tuliro sila sa kalagayan ko ay pinili na lamang nilang abalahin ang mga kanya-kanyang sarili sa trabaho. Pinag-iisipan pa kasi nila kung paano nila sasabihin ang lahat kay Ate Rosenda.

Natapik ko ang aking noo. Sigurado akong magagalit sa akin si ate Rosenda dahil sya ang nagpapa-aral sa akin. Ayaw ko nang umabot pa sa puntong iyon kaya kailangang makaalis na ako bago magdilim.

Tumunog ang aking cellphone at lumitaw sa screen ang pangalan ni Ariel. Sinagot ko ito kahit may pag-aalinlangan ako. "Bakit?"

"Tangina mo, Ruby! Dahil sa'yo namatay ang kuya ko!"

Nabigla ako sa sinabi nya. "P-patay na si Breeze?"

"Pinatay sya kanina sa kulungan ng di kilalang tao. Dahil sa'yo, namatay ang kapatid ko!"

Tigagal man ay nakasagot pa rin ako. "M-maniwala ka, Ariel. Hindi ako ang nagpakulong sa kuya mo."

"Minsan mo na akong niloko na mahal mo ako pero hindi naman pala totoo. Hinding-hindi na ako magpapa-uto sa'yo!"

"Makinig ka... hindi - "

"Bibigyan kita ng pagkakataong sumuko sa presinto hanggang bukas ng umaga. Dahil kung hindi, ako na mismo ang magdadala ng pulis dyan sa bahay nyo. May mga hawak akong ebidensya, Ruby, kaya hindi mo pwedeng ipagkaila ito sa mga kinauukulan." Pagkasabi nya nito'y pinatay na nya ang linya.

Shet! Yari ako nito.

Nanginginig tuloy ang mga laman ko sa kaba. Kapag nagkataon kasi ay makukulong ako nito. Sino ba naman ang may gustong maghimas ng rehas at mabulok doon? Kailangan ko na talagang makaalis bago sumapit ang umaga. Saka ko na lang ipapaliwanag kila Mama ang mga nangyari kapag nasa Europe na ako. Panigurado namang hindi ako matutunton ng mga pulis doon.

Inilipat ko ang ilang mga gamit sa isang malaking bag para isang bitbitan na lang. Dahan-dahan akong lumabas ng aking kwarto dahil baka makita ako ng bunso kong kapatid na si Dangdang. I was relieved when I found that she's not around. Kahit si Bayug ay tila nasa ibang kandungan na naman.

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon