Chapter 3

1M 27K 12.4K
                                    

Chapter 3

HULING GABI. Nakakalungkot. Tulog na ang pamilya ko maliban sa pandak naming aso na si Bayug na tila may kinakayug na aso doon sa bakuran namin. Dinig na dinig ko kasi ang pag-alulong nila. Hay, naku Bayug, mamimiss din kita.

Mataman ko silang pinagmasdan. Napakahimbing ng tulog nilang dalawa habang makayakap sa kama. Si Danica, o Dangdang, ang aming bunso ay naglalaway pa habang tulog. Kahit sya ang bunso at nasa high school pa lang ay mas matured pa siyang mag-isip kaysa sa akin. Mas naiintindihan niya pa na mahirap lang kami. Kahit kailan ay hindi siya humiling kay Ate Rosenda o sa mga magulang namin ng kahit anong luho. Hindi siya kasing arte ko at may pagkaboyish sya. Babae sya pero kaya nyang gumawa ng mga gawaing panlalaki. Tulad na lang halimbawa ng maliit na bahay-bahayan sa ibabaw ng puno namin sa likuran ng aming bahay, siya ang gumawa niyon at pinangalanan niya iyong "Going Marry". I'm not sure kung nakatulong nya si Ate Rosenda sa paggawa niyon.

Speaking of Ate Rosenda, naisipan ko rin syang silipin sa kanyang pagtulog. Mahimbing na rin ang kanyang tulog nang titigan ko sya. Halatang pagod na pagod from work bilang isang sales clerk. Sa pagod nya ay hindi nya na naalis ang stocking at dumirecho tulog na. Isa siyang ulirang anak at kapatid, na kabaliktaran ko.

Ate Rosenda is a half German, and that explains her beauty. She's just a half sister of us. Anak sa labas. Narape si Mama noong nagta-trabaho pa ito sa abroad at ang ate ang hindi inaasahang bunga. Isinusuka siya ng pamilya namin, higit lalo ni Amang, pero kahit ganoon ay ipinagsisiksikan pa rin ni Ate Rosenda ang sarili niya sa amin.

Si Dangdang lang talaga at ang yumao naming lola ang may pakialam sa kanya sa bahay na ito. I hate Ate Rosenda. I hate her hindi lang dahil siya ang bunga ng panghahalay kay Mama noon, kundi dahil sa kabila ng pang-aalipusta namin sa kanya, she still chose to stay. Napakaresponsable, masipag, at martir na anak ni Ate Rosenda. Ginagawa at sinasakripisyo niya ang lahat para buhayin lang kami. I so hate her! Bakit kailangan niyang maging mabait kahit ang sasama namin sa kanya? Bakit kailangan niyang maging mahinhin? Bakit hindi na lang kasi siya umalis sa amin para hindi na sya mahirapan, di ba? Bakit kailangan niya kaming pagtyagaan e hindi naman kami naging mabuti sa kanya?

Galit ako sa kanya kasi mas maganda at sexy siya kesa sa akin.

Galit ako sa kanya kasi mas maganda at sexy siya kaysa sa akin. Syempre nga naman, she's a half-German. Anong laban ko ng genes ni Amang sa genes ng tunay niyang tatay? I hate her so much. Pero kahit ganoon, mahal ko si Ate Rosenda.

I love her, I know. At ewan kung bakit ayaw hindi ko maipakita iyon sa kanya.

Hindi ko maipakita siguro dahil ayokong makasilip siya ng pag-asa sa pamilyang ito. Kailangan niya nang magdecide na lumayas dahil habang nandito siya sa amin, impyerno lang ang buhay niya. Ang gusto ko ay umalis na siya rito para naman maranasan niya na ang mamuhay mag-isa. Iyong walang humuhusga, walang panunumbat, walang inaalalang responsibilidad. Iyong buhay na malaya at masaya. She deserves that kind of life.

Paglabas ko ng sala ay napangiti ako nang mapait. So ito na ang huling tapak ko rito? Nakakalungkot. Kahit pa magaspang na semento lang ang sahig namin, sa kalahating semento, yero at tabla lang gawa ang aming dingding, at ang pinaka-main door ay lona lang ang pinto, at kawayan lang ang gate, mamimiss ko pa rin ang tirahang ito. Mamimiss ko pa rin ang simpleng pamumuhay namin. Mamimiss ko ang pamilya ko at ang mga sakripisyo nila para maitawid lang ang araw-araw namin.

Paglabas ko ng bahay ay naroon na ang isang unipormadong lalaki. Sigurado akong isa na ito sa mga tauhan ni Lord K. Iginya nya ako papasok sa isang sasakyang itim nang makalapit kami dito. Nilingon ko pa ang aming bahay bago ako tuluyang pumasok sa kotse.

"Goodbye, my family..." anas ko sa hangin.

Habang nasa biyahe ako ay lumilipad ang isip ko.

Nagtatanong ako kung ano ba ang ibig sabihin ng 'K' sa pangalan ni Lord K?

Love Me HarderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon