KBMEB35-Forgiveness

24.5K 468 32
                                    

Railey's POV

"R-railey...a-anak..."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Jacob ng marinig ko ang boses ng ama ko.Alam kong mangyayari itong paghaharap namin pero hindi ko alam kung nakahanda na nga ba akong patawarin siya.Though hindi pa naman siya humihingi sa akin ng tawad pero ramdam ko ang pagsisisi sa boses ni daddy.

"D-daddy..." Wala sa sarili na sambit ko sa kanya.Kinakabahan ako.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

"A-anak..." Anito na nauutal.Parang may gustong sabihin na hindi niya kayang isatinig. "J-jacob..." Baling niya kay Jacob.Blangko lang ang tingin sa kanya ng asawa ko na para bang binabasa nito ang nararamdaman ni daddy. "V-vincent...my grandson..." Baling niya rin sa anak namin ni Jacob.Ginulo pa nito ang buhok.

"Lolo Armand!" Tuwang-tuwa na banggit ni Vincent sa kanyang lolo at mabilis na niyakap ito.Parang sabik na sabik ang bata.

Kahit papaano kasi naging malapit din sila ni daddy dahil palagi kami nito dinadalaw noon sa Florida.Sa katunayan nga,ramdam ko pang mas mahal niya ang anak ko kaysa sa akin.

Binuhat nito si Vincent at hinalik-halikan.Kami naman ni Jacob ay nakatunganga lang sa kanila.Sobrang saya ng anak ko dahil nagkita sila ng lolo niya.Palagi niya rin kasi itong hinahanap.Walang kaalam-alam ang anak namin ni Jacob sa mga pangyayari.

"Mommy...daddy,look.Lolo's here." Pagmamalaki pa ni Vincent sa amin ng daddy niya.Tipid lang kaming ngumiti ni Jacob sa kanya.Ayaw naming ipahalata sa anak namin na may problema kami sa lolo niya.Although nasaksihan niya ang pagwawala noon ni daddy sa reception ng kasal namin ng daddy niya.Bata pa ang anak namin.Kaya ang lahat ay nakaya naming burahin sa isipan niya.

Malungkot na tumingin si daddy sa amin na mayroong pagsisisi at sakit sa mga mata niya.

"Lolo,did you bought me toys?" Excited pang tanong ng anak ko rito.

"Not yet Vincent.Do you want that lolo buy you a toys?What do you want ha?" Hinalikan nito ulit ang bata.

"I want a big big big firetruck lolo." Umaksyon pa ang bata kung gaano kalaki.

"Okay.Lolo will buy tomorrow." Pangako nito.

"Yehey!Mom,dad lolo buy me tomorrow a big big big firetruck." Excited nitong lingon sa amin ni Jacob.Pilit pa rin kaming ngumiti sa kanya. "Then lolo,you bring it to our house ha." Malambing at nakalabi pa nitong sabi sa lolo at hinalikan si daddy.

"Sure baby." Sagot ni daddy.

"Vincent, let's go home." Niyakag ko ang anak namin at saka mabilis siyang kinuha kay daddy.

"Bye lolo." Agad namang paalam ni Vincent.

Nang akmang tatalikod na kami,nagsalita pa si daddy.

"J-jacob...R-railey...mga anak." Sabay kaming lumingon ni Jacob sa kanya habang karga-karga na ng asawa ko ang anak namin.Napahinto pa kami. "P-patawarin niyo ako....A-alam kong di ganun kadali na mapatawad niyo ako,p-pero handa akong maghintay.P-patawad dahil sa naging bulag ako.P-patawad dahil nagpadala ako sa poot at sakit na nararamdaman ko.K-kaya kayo ang nadamay." Pumatak ang mga luha ni daddy.Ramdam ko sa kanya ang pagsisisi.Pero ang hirap lang na sa dinami-dami naming pasakit ni Jacob na napagdaan ng dahil sa kanya,hindi ganub kadali na mapatawad siya kaagad.Pamilya namin ni Jacob ang muntik ng masira.At kung naging mahina siguro kami,hindi pa mabigyan ng buong pamilya ang anak namin.Ang anak ko ang higit na magdurusa dahil sa kagagawan ng sarili kong ama.Kaya sa iisiping iyon,parang nahirapan akong tanggapin na patawarin ng ganun kadali si daddy.

"Mom,dad why lolo is crying?" Pukaw ni Vincent sa diwa ko.

"Nothing baby.Lolo's just happy to see you.That's why he's crying." Palusot ko sa anak ko na hindi inaalis ang tingin kay daddy.Nagkasukatan pa kami ng tingin.

"Happy?Then why he's crying?" Tanong naman nito sa ama na naka-kunot ang noo.

"Tears of joy son." Maiksing sagot ni Jacob sa anak.

"Tears of joy?" Tanong ni Vincent na naguguluhan.

"Soon,you will understand baby if you are a big boy already.Okay?" Sagot ulit ni Jacob.Mabuti nalang dahil nanahimik na ang anak namin.

"'Wag dito daddy.Lalong-lalo na sa harapan ng anak ko.Tama ka.Hindi ganun kadali ang hinihingi mo.Kaya maghintay ka na makalimutan ko ang masasakit na ginawa mo sa amin.Maghintay ka na tuluyang maghilum at mabura sa isipan ko ang mga nagawa mo.At bago ka humingi ng tawad sa akin,humingi ka muna ng tawad sa sarili mo at higit sa lahat ay kay mommy.Kung may labis mang nasasaktan dahil sa ginawa mo,hindi ako yon o si Jacob.Kundi ang tanging babae na nanatili sa tabi mo kahit ganyan ka kasama." Pumatak ang mga luha ko.Hindi ko intensyon ang ganito.Nasasaktan din ako na makikita siyang nagsisisi na at nasasaktan.Mahal ko si daddy.Pero ang hiling ko lang ay ayusin niya muna ang mga nagawa niya kay mommy bago kami. Ang kawawa kong ina ang labis na nagdurusa sa mahabang panahon dahil sa pagkimkim niya ng poot sa dibdib.

Mabilis na sumakay si Jacob at ang anak namin sa kotse.Siguro naisip niya na iiwas ang anak namin.Baka kasi magtanong pa ang bata.Ayoko rin na tumatak sa isipan ni Vincent ito.Ayoko na sa paglaki niya ay maalala niya ang mga bagay na ito.Ayokong mag-iba ang paningin niya kay daddy.

"Gagawin ko ang gusto mo anak.A-at naiintindihan kita." Malungkot nitong saad.Tiningnan ko lang siya at tumalikod na.

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko bago pumasok sa kotse.

"Bakit hindi mo pa siya patawarin love?" Tanong kaagad ni Jacob.Nilingon ko muna ang anak namin sa likuran.Mabuti naman dahil tulog na ito.

"Hindi ganun kadali iyon Jacob." Sagot ko sa kanya na nasa malayo ang paningin.

"Pero ramdam ko ang pagsisisi niya love." Anito.

"Ramdam ko rin.Pero hindi pa ngayon Jacob.Bakit ikaw,napatawad mo na ba siya?" Nilingon ko siya na seryoso sa pagmamaneho.

"Hindi pa man humihinigi ng tawad ang daddy mo love pero napatawad ko na siya.Alam kong mahal mo pa rin ang daddy mo sa kabila ng ginawa niya sa atin kaya tulad ng sinabi ko,mahalin ko rin ang mga taong minamahal mo.Gusto ko lumaki ang mga anak natin na may pagmamahalan sa pamilya natin.Gusto ko masaya na tayong lahat love.Kaya 'wag mo ng patagalin ang pagpapatawad sa ama mo.'Wag mo ng dagdagan ang mga paghihirap niya.Hindi lang tayo ang naghirap.Sigurado akong habang pinapahirapan niya tayo ay naghihirap din ang kalooban niya." Mahaba nitong paliwanag sa akin. "Love..." Ginagap niya ang kamay ko. "Hindi ka tuluyang maging masaya sa piling ko hanggat hindi mo mapapatawad ang ama mo.At ayokong mangyari iyon.Hindi ko kakayanin na may makikita akong lungkot sa mga mata mo kahit pa pinipilit mong maging masaya.Hindi sapat ang kaligayahan mo love.Kaya pakawalan mo na yan.Magiging lubusan na tayong masaya.Okay?" Nginitian niya ako at dinala ang kamay ko sa mga labi niya at hinalikan ang likod ng palad ko.

Tumulo na naman ang luha ko dahil sa kaligayahang nadarama ko.Ang swerte ko sa asawa ko.Hindi talaga ako nagkamali sa kanya.

"Thank you love.I love you." Naiiyak kong saad sa kanya at saka niyakap siya.

"Welcome love.Teka lang.Nagda-drive ako love.Sige ka.Baka ako ay matukso hindi tayo kaagad makakauwi ng bahay.Alalahanin mo,tulog ang panganay natin.Pilyo niyang saad.

"Hmmm." Sabi ko ng kumalas sa kanya. "Loko." Hinampas ko pa siya. "Thank you love." Dugtong ko pa ng magseryoso ako.

"Gagawin ko ang mga bagay na makapag-paligaya sayo love.Ganyan kita kamahal." At kinindatan ako.

Ano pa nga ba ang mahihiling ko?Tama nga siya.Hindi naman siguro kailangan ng panahon para mapatawad ko si daddy. Ang mahalaga ay nagsisisi na ito.

------------------------------

Unedited
Not Reviewed

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now