KBMEB29-Blood Vs.Love

24.1K 450 56
                                    

Railey's POV

"Railey!" Dumadagundong na boses ang tumawag sa akin at kilala ko kung kaninong boses ito.

Lumakas ang kalabog ng dibdib ko.
Napalingon ang lahat sa kinaroroonan ng boses dahil nakuha nito ang atensiyon ng mga tao.

"Daddy!" Wala sa sarili na lumabas sa bunganga ko.

Napatingin at napakapait ako kay Jacob na halatang natatakot ako.Halos manginig pa ang buong katawan ko dahil alam kong may gagawin si daddy sa akin.

"Don't worry love,hindi ko na hahayaan na makuha ka niya sa akin muli." Bulong ni Jacob sa akin habang ang ama ko ay papalapit sa akin na nanggagalaiti sa galit.Nakasalubong pa ang mga kilay nito.Ang mga mata niya ay halos labasan na ng apoy.

Dahil sa sinabi ni Jacob, nabawasan ang kabang naramdaman ko kanina.

Kasunod ni daddy ang dalawa niyang tauhan.At si mommy,pansin ko rin na humahabol ito sa likuran ni Daddy.

Pakiramdam ko ngayon,ay nasa pelikula kami.

"Railey!...napaka-suwail mong anak!" Tiim bagang na saad nito.Kung pwede nga lang na pag-isahing hakbang niya ang pagitan namin,siguro nagawa niya na sa bilis ng paglalakad niya.

"Umuwi ka na...You!" Gigil niya akong itinuro habang humahakbang. "....stubborn woman!Sinusubukan mo talaga ako!" Dugtong pa nito.

Ang paligid namin ay nanahimik lahat.Nabigla siguro sa eksenang ito.Parang nanunuod lang sila ng teleserye habang naka-awang ang mga labi.

"At ikaw namang lalaki ka!" Binalingan niya si Jacob.Naikuyom pa ni daddy ang kamao niya.Nahagip ng paningin ko ang pagkuyom din ni Jacob ng mga kamao.Bumuntong-hininga pa ito na para bang pini-pigilan ang sarili na wag lumaban sa daddy ko. "Pagbabayaran mo ito!" katulad kanina,may mga pagdidiin ang mga kataga niya.

"Wala na ho kayong magagawa dahil kasal na po kami ng anak mo!Mag-asawa na po kami." Sagot ni Jacob sa daddy ko kasabay ng paghapit niya sa akin.

Lalong nag-salubong ang mga kilay nito.Mga ilang hakbang na lang ay nasa harapan na siya namin.

"Wala akong pakialam kung nakasal na kayo.Basta babawiin ko ang anak ko!Hindi ko papayagan na maging masaya ka!Kung naisahan niyo ako,pero ngayon,hindi na!" Akmang hihilahin na ni daddy ang kamay ko dahil nakalapit na ito sa amin pero may biglang humarang sa kanya.

"Tito, hayaan mo na sila." Agad na saad ni Melvin habang nakaharang ito sa ama ko.At ngayon,lalong sumidhi ang galit na nababakas sa mukha ni daddy.

"Umalis ka diyan traidor!Magtutuos din tayo dahil sa ginawa mo!Pero sa ngayon, babawiin ko muna ang babaing ito!" May tonong pagbabanta ang boses ni daddy.

Napansin ko rin na nakapalibot na sa mga tauhan ni daddy ang mga tauhan ni Melvin.Kaya walang magawa ang mga tauhan ni daddy kundi ang tumayo na lamang.Dahil pihadong matatalo sila kasi mas marami ang tauhan ni Melvin.Pareho pa namang may mga baril ang mga ito.

Nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan naming lahat.Nilingon ko ang pinsan ko na ilayo muna ang anak ko habang abala pa si daddy sa kay Melvin.

"Armand,halika na.Hayaan mo na ang mga bata." Nagmamaka-awang saad ni mommy kay daddy habang kinukuha nito ang kamay.Pero ipiniksi niya lang ito.

"Umalis ka dito!" Banta ni daddy sa mommy ko.Kaya walang nagawa si mom.Napaatras na lamang ito.

"Ngayon Melvin,aalis ka diyan sa daraanan ko o susubukan mo talaga ang kakayahan ko?" Gigil na banta ni dad sa kanya.

"No Tito! Tanggapin mo na lang kasi ang katotohanan na wala ka nang magawa.Kasal na po sila.Kaya ibigay mo na ang kaligayahan ng nag-iisa mong anak." Matigas din na sagot ni Melvin.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now