KBMEB3-With You

55.7K 1.1K 82
                                    

Mula dito sa kwarto na kung saan, dito ako pinagsawaan ng hinayupak na Jacob,ay tanaw ko ang bulkang taal.Ngayon ko lang na-realize na nasa tuktok pala ito ng bundok ang pinagdalhan niya sa akin.Napansin ko rin na may mga kabahayan sa baba nito. Hindi naman actually tuktok ng bundok ito.Medyo malapit lang.

Kitang-kita ko kung gaano kaganda ang bulkang taal na nasa gitna ng lawa.Nakikita ko pa ang mga bangka na may mga sakay papunta sa taal lake.Mga turista siguro ang mga iyon.

Napabuntong hininga ako.Paano ako makakatakas dito?Ang taas ng pader.Bukas nga ang bintanang ito pero hindi naman pwedeng dumaan ako rito kasi siguradong patay ako kapag nahulog.

Wala din akong cellphone rito.Wala ding telepono dito.At wala ding telebisyon.Wala akong balita sa labas.

Nilingon ko ang kabilang side ng bahay na ito. Mas lalong nakakatakot kasi malalim na bangin ang nakikita ko.At nakita ko rin ang Tagaytay Highland Peak.Ibig sabihin,malapit lang kami sa Tagaytay Highlands?Alam kong Highlands yan kasi nakailang punta na rin ako diyan.

"Kahit anong iisipin mo sa pagtatakas mo ay di mangyayari yan. Wala ka ng magawa Railey kundi ang manatili sa tabi ko." Mula sa likuran ko ay narinig ko ang boses niya.And there he is.Nakangisi at bakas sa mukha niya ang kamanyakan habang sinusuri ang kabuuan ko.May bit-bit siyang tray na may mga pagkain.

"Dinalhan kita ng pagkain.Hindi ka rin nag-almusal kanina,kaya kumain ka ngayong lunch." Dugtong pa niya. Tiningnan ko siya ng masama.Gusto ko siyang takbuhin at paghahampasin.Gusto ko siyang saktan para maramdaman niya rin ang sakit na nararamdaman ko ngayon.Nasasaktan ako sa mga pinaggagawa niya sa akin.

"Hindi ako kakain.Mas nanaisin ko pang mamatay kesa kainin iyang dala mong pagkain Jacob!" Mataas ang boses ko sa pagbigkas nun.

"I'll give you a two choices Railey. Kakain ka,o ikaw ang kakainin ko?" Makahulugang tanong niya sa akin at ngumisi pa siya.

"Ano ba talaga ang balak mo sa akin Jacob?Bakit kailangan mo pang gawin ito sa akin?" Hindi ko sinagot ang tanong niya.Sa halip,tinanong ko rin siya. Di ko kasi talaga maintindihan ang pakay niya sa akin eh.Kung galit siya sa akin,dapat ako ang mas galit sa kanya. Nang dahil sa kanya, nagkanda-letse-letse ang buhay ko at umiba rin ang pakikitungo ng pamilya ko sa akin.Dahilan upang magsakripisyo ako para lang maibalik ang pagmamahal ng pamilya ko sa akin.He broke me into tiny pieces.

"I'm asking you the choices Railey.Kakain ka,o ikaw ang kakainin ko?" Tanong niya ulit.Ni hindi nga niya pinansin ang tanong ko.

Gusto kong umiyak sa harap niya pero pinigilan ko.Ang mga tanong niya na iyan ay nagpapaalala lang sa akin noong college kami.Ganyan kasi palagi ang tanong niya sa akin kapag di ako kumakain.Kung noon, ay may halong kapilyuhan at lambing,ngayon naman ay may halong kabastusan at galit.

Bakit ba kailangan mo pang ipaalala sa akin yan Jacob?

Walang imik na dumulog ako sa maliit na mesa na kung saan dito niya nilapag ang pagkain na dala niya kanina.

"I thought,you're gonna choose the second choice." He said.I heard him -smirking.

Tinapunan ko lang siya ng matatalim na tingin.Sana nakakamatay na lang ang tingin.Para bumulagta na lang ito sa sahig.

Hindi ko na siya pinansin.Kumain na lang ako.Kahapon pa pala na wala akong kinain. Kahapon sana ang araw na matatali ako.At hindi ko maintindihan ang damdamin ko kung matutuwa ba ako sa ginawa niya o magagalit?

Pero hindi, galit ako sa kanya. At sa pag-iwan niya ng note na iyon,I'm sure,mas sumidhi ang galit ng parents ko sa akin.Unti-unti ko na sanang makuha ulit ang loob ng mga magulang ko eh,kaso umeksena na naman si Jacob.At pagkatapos nito, ng pagsisira niya na naman ng buhay ko ay malamang na itatapon niya na naman ako na parang basura.

Habang iniisip ko ang mga bagay na iyon ay pumatak pala ang mga luha ko ng di ko napapansin.

"Maligo ka na pagkatapos mo diyan.Kahapon ka pa di naliligo." Tumayo siya at nagsimulang humakbang.Nahagip ko pa ang mukha niya na parang malungkot?Bakit?Hindi ko ulit siya inimik.Tama nga siya, kahapon pa pagdating namin dito na hindi pa ako naliligo.

Pagkatapos kung kumain ay pumasok na ako sa banyo.Hindi na rin bumalik si Jacob sa kwarto.Hindi naman ito naka-locked ang kwarto.Sabi pa niya pwede daw ako lumabas.Pero di rin naman ako makakatakas dito dahil sa pader na mataas.Tanging sa garden lang ako pwede at sa kung saan dito na pwede kung puntahan na part ng bahay.

Nagsimula na akong maghubad.Nilakasan ko ang pagpihit ng shower.Gusto ko kasing burahin ang kahayupan na ginawa niya sa akin.

Napatigil ako sa pag-scrub ng katawan ko ng mapansin kong may mga pasa ako sa braso. Tapos tiningnan ko sa salamin ang iba pang part ng katawan ko,at mayroon din pala sa hita ko,sa breast ko.At mayroon din akong tinatawag nilang chikinini sa leeg. Marami.

Biglang naglandas ulit ang mga luha ko.Hayop siya talaga.Demonyo!Hindi ko na siya kilala.Bakit ba nagawa niya ito sa akin?

Pero kahit anong pilit ko magalit sa kanya,naroon pa rin ang pagmamahal ko for him.Ang tanga naman ng puso ko.Ang tanga-tanga.

------------------------------------

Nagising ako dahil mayroon akong narinig na bumulong. "I'm sorry."

Kahit mahina lang iyon pero dinig ko.At naramdaman ko rin na gumapang ang mga kamay niya sa katawan ko.

Dahil nakatakilid ako,dahan-dahan akong dumilat. Di niya naman ako makikita siguro na dumilat.Nagkunwari pa rin ako na di ko siya naramdaman.Madilim na pala. Ibig sabihin gabi na at nakatulugan ko ang hinanakit ko sa kanya.

Bakit kaya sinabi niya ang mga katagang I'm sorry? Nagsisi ba siya sa ginawa niya sa akin.No!Hindi dapat na maniwala ako sa kanya. Magaling si Jacob magkunwari.

Gumapang pa ang kamay niya sa breast ko,dahilan upang mapasinghap ako ng lihim.

Pinihit niya ako paharap sa kanya.Kaya napadilat ako ng tuluyan.

Nagkasalubong ang mga mata namin. Teka lang,umiyak ba siya?Parang namumula pa kasi ang mga mata niya eh.Hell no!Hindi siya umiyak.Wala siyang ganung side na iiyak.Lalung-lalo na sa akin.

Dahan-dahan niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko.This time, hindi na ito marahas.Dahil pakiramdam ko,ingat na ingat na siya.

Hinubad niya ang saplot ko hanggang sa wala na siyang naitira.Gustuhin ko rin ang umayaw,pero wala na akong magawa.Kaya hinayaan ko na siya.

"Oh shit!" Pagmumura niya.Kaya napatigil siya.Nagulat din ako kung bakit napamura siya. Pinasadahan niya ang buong katawan ko. "Shit!" Isa pang beses na pagmumura niya. "F*cking shit!" Ulit niya.Kaya napakunot na rin ako ng noo.

"These bruises, who made this?" Tanong niya.At doon ko lang na-realize na nakita niya pala ang mga pasa ko.Idiot!

Tatanungin pa ako eh siya ang may gawa niyan.Hindi ako umimik.Ayokong magsalita dahil baka tumulo pa ang mga luha ko.

"Shit!" Nagmura na naman siya. At saka bumangon na sa kama at tumalikod.

"Magdamit ka na." Lumingon pa siya bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Sinundan ko na lang siya ng tanaw.

-------------------------------------

A/N:

Pasensiya na po kung lame ha.he he!

Kasalanan to ng mga friends ko eh.Sina bestie Smykynyze at skylierreyes .HB ako sa mga UDs nila kaya ang sakit ng heart ko.hahaha!jokes mga friendship.

Please don't forget to leave some of your comments at votes.

Salamat din dahil umabot ng 10 votes.Kaya no choice ako kundi ang mag-ud.Sana na-appreciate niyo pa rin at patuloy na subaybayan ang mga susunod na twist.haha!

Thanks and God bless to all.
Unedited and No reviewed. Kaya pagpasensiyahan ang mga mali. Tao lang po.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now