KBMEB22-Misery

22.7K 466 68
                                    

Railey's POV

"S-shaina?" Mahinang ulit ko ng pangalan niya.Bahagya pa siyang nagulat ng makita ako.At agad namang nakabawi.

"Oh,yes dear.Its me.So,..." Pinasadahan niya ang katawan ko na animo'y sinusuri ito ng maagi. "....how are you?" Dugtong nito.Hindi ako nakasagot sa tanong niya.Tanga ba siya?Magtatanong pa eh kita niya namang hindi ako okay.

"Anyways..." Patuloy niya ng hindi na ako kumibo.Ang totoo,nanggigil ako.Nasasaktan ako.Nanggigil ako sa kanya at nasasaktan ako sa ginawa ni Jacob.

Kung anu-ano na ang naiisip ko sa kanya na halos di na nga ako natutulog pero heto lang siya pala.Namamasyal kasama ang ahas na ito.

"....nice meeting you again Railey." Dinig ko na lang na nagsalita si Railey bilang dugtong doon sa una niyang sinabi.

Hindi ko na siya pinansin.Sa halip,hinarap ko si Jacob.

"J-jacob,...a-ano ang ibig sabihin nito?...Ano?!" Hindi ko napigilan ang sakit na naramdaman kaya napasigaw ako.

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga tao dito.Eh ano naman ngayon?Nasasaktan ako eh.Nasasaktan ako na ang taong minamahal ko ay hindi pala ako kayang ipaglaban.Sa halip,naghanap na ito kaagad ng kapalit ko.

"Kung ano ang nakita mo Railey,paniwalaan mo." Deretso niyang sagot sa akin na hindi man lang nakatingin sa mga mata ko.Pansin ko rin na nakadikit na pala si Shaina sa kanya at ipinulupot ang braso nito sa braso niya.

Napatiim bagang ako sa sagot ni Jacob.Lalo na sa ginawa ni Shaina sa kanya.

"Hayop ka!" Sinugod ko siya at pinaghahampas.Pero ni hindi niya man lang inilagan ito.Si Shaina naman ay bumitaw sa pagkaka-kapit sa kanya. "Pinagkatiwalaan kita!Hindi ako makakain dahil iniisip ko kung baka may masamang nangyari sayo,tapos heto ka lang pala!Nagpapakasaya kasama ang sawa na iyan!" Itinuro ko pa si Shaina.Hindi ako nagpaawat ng panghahampas sa kanya kahit pinipigilan niya ako. "Sinungaling!" Sigaw ko ulit at mabilis na pinunasan ang mga naglalaglagan kong mga luha. "Sinungaling ka talaga!Pinaniwalaan kita ng walang pag-alinlangan!...Nilabag ko ang ama ko ng dahil sayo!...Nagalit ako sa kanya ng dahil sayo!Pero ito pala ang isinukli mo!Alam mo..." Gigil ko siyang idinuro. "....sana pala,pinaniwalaan at sinunod ko na lang siya.Sana pala,nung una palang,hindi ko na siya nilabag.Sana pala,nung una mo palang ako kinidnap,isinuplong na kita.Tama pala siya.Wala kang kwenta!" Sigaw ko sa kanya kasabay ng pagsampal ko na hinayaan niya naman.Lahat yata ng lakas ko ay ibinuhos ko.

"Hindi kita pinilit na paniwalaan mo ako Railey.G-ginusto mo iyon." Sagot niya na siyang ikinawasak lalo ng puso ko.Pero kahit sinasabi niya ang mga bagay na iyon,bakit nakakaramdam ako na nasasaktan siya.Bakit pakiramdam ko ay napipilitan lang siya?Na hindi niya ginusto ang mga pinagsasabi niya.

Pero hindi.Galit ako sa kanya.Galit ako ngayon dahil nasayang lang pala ang ilang araw kung pagdurusa.

"Let's go na Railey." Naramdaman ko na lang na nakakapit na si Melvin sa braso ko.Parang nanigas kasi ako sa kinatatayuan ko dahil sa mga sinabi ni Jacob. "Shaina,umalis na kayo please." Baling nito sa malantod na babae.

Mabilis akong inakay ni Melvin at sumunod na rin ang mga bodyguard namin.Nilingon ko pa si Jacob na inakay na rin ni Shaina.

Nagkasalubong pa ang mga mata namin dahil sakto namang lumingon siya sa amin.Nahagip ko na naman ang mga kalungkutan sa mga mata niya.

Pero dapat ko pa ba siyang paniwalaan gayung wala siyang ginawa para itakas ako o ilayo man lamang?

Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko.Halos manlalabo na rin ang mga mata ko.Kung gayun,ngayong malinaw na sa akin na wala na kaming pag-asang dalawa,kailangan ko na talagang pakasalan si Melvin.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now