KBMEB25-The Wedding

24.8K 514 60
                                    

Third Person's POV

"Sigurado na bang nakahanda na ang lahat?" Halos di mapakaling tanong ng taong ito.

"Siguradong-sigurado na po boss." Sagot ng tauhan.

"Dapat lang.Dahil kapag ito ay pumalpak,malilintikan kayong lahat sa akin.Lalong-lalo na ang Melvin na iyon.Siguraduhin niyo na matutuloy ang kasalang ito." Ma-awtoridad na saad nito.

"Sure na ito.Kaya relax okay?" Sabat ng kararating lang at tinapik pa ito sa balikat.

"Paano ako makaka-relax Pastor?" Inis na baling nito sa nasabing Pastor na siyang magkakasal.

"Ready na nga ang lahat di ba?Kita mo naman ang simbahan oh." Itinuro pa nito ang magandang dekorasyon ng simbahan. "Magtiwala ka lang at hintayin na lang natin ang pagdating ng bride." Dugtong pa ng pastor.

Bumuntong hininga na lamang siya.Tama nga naman ang Pastor na ito.

----------------------------------

Railey's POV

Napatingin ako sa reflection ko sa salamin habang inaayusan ng baklang ito.

"Ang ganda-ganda mo naman." Di niya mapigilan na purihin ako.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kanya.

Oo nga.Kitang-kita ko kung paano niya ako inayos ng bongga.Kahit ako nga ay napapahanga sa sarili ko.

Masasabi ko na siguro,ako na ang pinakamagandang bride sa buong Pilipinas.Pero sa kabila nito,nalulungkot at nasasaktan ako.Ako na yata ang bride na pinakamalungkot at may sakit na nararamdaman habang inaayusan.

Kumuha pa si Melvin ng pinakasikat na tao para lang ayusan ako sa araw ng kasal ko.Gumastos siya nang malaki para maayusan daw ako ng bigtime.

Ang alam ko lang ay ang sumunod sa kagustuhan ng ama ko at ni Melvin.Ano pa nga ba ang magagawa ko?

Hindi ako sumali sa mga plano nila sa kasal na ito.Tanging si Melvin lang.

Nandito kami ngayon sa room ng isang mamahaling hotel dito sa Pilipinas.Dito din yata ang reception. Kaya ang buong hotel ay inarkilahan na ng pamilya ni Melvin.Exclusive ito ngayon sa amin.

Kung siguro,mahal ko ang lalaking pakakasalan ko,sasabihin kong,ako na ang pinaka-maswerting babae sa mundong ibabaw.

Kaya lang sa kalagayan ko ngayon,para akong nagluluksa.Sino ba naman ang hindi?Dito na talaga magtatapos ang kwento namin ni Jacob.Wala na kaming happy ending.Ni hindi nga niya nagawa na ipaglaban ako.

Siguro kung mahal niya talaga ako,gumawa na siya ng paraan para itakas ako.Pero wala.At labis ko iyong idinaramdam.Sobrang sakit.Sobrang hapdi na para bang hinihiwa ang puso ko sa tuwing maiisip ko na wala na talaga akong pag-asa na maging akin siya.

Sa hindi ko napigilang emosyon,pumatak ang mga luha ko.

"Naku naman.Ang make-up mo ma'am." Palatak ng bakla ng makita niya ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

"Tears of joy." Inis na palusot ko sa kanya at tiningnan siya ng masama.Kaya di na siya kumibo pa.

Ipinagpatuloy ang pag-ayos sa akin ng mga assistant niya.

Maya pa ng kaunti ay pumasok si mommy.

"Ang ganda-ganda mo naman anak." Masayang puri ni mommy sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng malungkot.Alam niya naman na hindi ko ito gusto.

"Ah sige Railey.Mauna na kami sa simbahan ng daddy mo.Doon ka na lang namin hihintayin total malapit ka ng matapos.Good luck anak." Hinalikan niya ako at lumabas na.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now