KBMEB33-Project Number 2

26.2K 494 61
                                    

Railey's POV

Napa-awang ang mga labi ko ng bumungad sa akin ang malaking bahay na sinasabi ni Jacob na bahay namin.

Halatang bago lang ito natapos at minadali lang.Wala pang ka-design-design dito sa labas.Na kahit garden ay wala pa.In short,napaka-plain nito.Pero sa paningin ko,kapag tuluyan ng matapos ito,napakaganda nito.Malaki ang bahay na pwede pang mapalagyan ng swimming pool.

"Welcome to our home love." Masayang sabi nito at saka ako hinapit sa baywang papasok ng kabahayan.

Ang parents niya ay ibinaba lang kami at umalis na rin.Sabi nga nila,honeymoon daw namin kaya dapat makapag-solo kaming dalawa bilang bagong kasal.Kinikilig pa nga ang mga ito.

At ang anak namin,dinala nina Melvin at ng pinsan ko sa Cavite.Sa bahay ng mga parents ni Jacob.Sabi pa nga nila,doon daw muna ang anak namin ng tatlong araw.Saka na daw namin kukunin kapag natapos na ang honeymoon namin.

Mukhang may aabangan akong love story nito ah.Hindi ko mapigilan na mapaisip dahil sa pagiging close ni Melvin at ng pinsan ko.Mayroon kasi akong na-se-sense sa dalawang iyon.

"You like it love?" Bulong niya sa tainga ko habang ang mga kamay niya ay gumagala sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.Nakapasok na kasi kami.

"I love it love.Ang ganda." Nakangiti kong saad sa kanya.Maganda nga naman talaga kahit di pa tapos.Pasimple ko ring hinampas ang mga kamay niya.Kaya natawa lang siya.

"Hindi ko pa pinatapos ito love.Kasi gusto kong,tayong dalawa ang magplano kung ano ba ang magandang i-decorate at i-design." Anito na niyakap na ako mula sa likuran. "Kahit ang labas,di ko pa pinagalaw.Hinihintay pa kita." Bulong pa nito sa akin.Pagkatapos niyang magsalita,ipinagapang niya ang mga labi niya sa batok ko.Dahilan ng pagtatayuan ng balahibo ko. "Do you want to see the master's bedroom love?" Pilyo nitong tanong.Kaya nakuha ko ang naglalaro sa isipan niya.

"Tumigil ka Mr.Samonte." kumalas ako mula sa pagkakayakap niya sa akin. Hinarap ko siya at saka namaywang. "Hoy mister, alam ko ang tumatakbo sa isipan ko diyan.Kaya ako ay tigil-tigilan mo ha.Gusto ko pa makita ang kabuuan ng bahay." Talak ko sa kanya.Lumabi lang siya ay nagpa-cute sa akin.Pinaikot ko na lamang ang mga mata ko.

Ang gwapo talaga kasi ng asawa ko.Kaya kapag di ko siya tatarayan,baka bibigay din ako.Excited pa akong makita ang kabuuan ng bahay.

"Kahit isa lang love?..." Napatawa din siya sa tinuran. "Honeymoon kaya natin." Nag-puppy eyes pa ito.

"Anong isa ka diyan?" Inis-inisan kong sabi sa kanya. "Maghintay ka at magtiis ka muna Jacob." Dugtong ko pa.Napakamot na lamang ito sa ulo tanda ng pagka-dismaya.

"Kailangan mamaya, bumawi ka love ha." Sabi nito habang naglalakad na kami pataas sa second floor.Magka-holding hands pa kami.

Ang sarap ng pakiramdam na kasama ko ngayon sa iisang bahay ang lalaking una at huli kong iibigin.Ang lalaking tangi kong pinangarap na mapangasawa.At higit sa lahat ang lalaking pinangarap ko na maging ama ng mga anak ko.

Pagkarating namin sa pangalawang palapag,di ko naman mapigilan ang mapahanga dito.Itinuro niya isa-isa sa akin ang bawat kwarto.Maliban lang sa master's bedroom na magiging kwarto namin.Baka daw kasi hindi na ako makalabas.

Lima ang kwarto na narito.Kwarto daw kasi ng mga anak naming lalaki ang isa.Isa din para sa mga babae.At ang isa naman ay ginawa niyang toy room para daw sa susunod naming mga anak.At ang isa naman ay bakante lang.

Napapangiti ako.May balak talagang dumami ang anak namin.

"Love,thank you so much." Naluluha ko siyang niyakap.At pagkuwa'y buong pagmamahal ko siyang hinalikan sa mga labi.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now