KBMEB4-Why Do I Love You

52.9K 1.2K 73
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas pero wala akong Jacob na nakikita sa loob ng bahay.

Pagkatapos kasi ng makita niya ang mga pasa ko na siya ang may gawa ay umalis siya. At hindi ko alam kung saan siya pumunta.Siguro umuwi ng Manila. Busy kasi siyang tao eh.Isa siya sa mga kilalang manager ng mga sikat na artista. Kagaya na lang ng ka-klase namin noong college na si Arthur Romero.At maliban doon, may iba pa silang business kagaya ng advertising company.

Magkasing-edad lang kami ni Jacob.Pareho kaming nasa bente singko.Sa batang edad niya ay ganun na siya ka-succesful.Kung di ko siya kaya iniwan noon,mag-asawa na kaya kami ngayon?

"Hell!Dream on Railey.Alam mong hindi ka niya talaga minahal noon." Kausap ko sa sarili.Totoo naman kasi yun. Pinaasa niya lang ako noon na mahal niya ako.Kaya tama lang ang ginawa ko na iniwanan ko siya at itago sa kanya ang katotohanan.Hindi niya dapat malaman ang lahat.Hindi.Walang nakaka-alam sa lihim na tinatago ko.Wala kahit ang mga kaibigan ko.Maliban sa pamilya ko.Hindi siya karapat-dapat sa akin.Hindi!

Lumabas ako upang magluto ng kakainin ko ngayong gabi.Mabuti na lang dahil marami siyang iniwanang pagkain sa ref na pwede kong lutuin.Siguro,pinaghandaan talaga ng hayop na iyon ang gagawin niyang ito sa akin.

Binalak niya ba talaga ulit na sirain ang buhay ko?

Napahinto ako sa paglalakad ng may marinig akong boses. It's him.Dumating na pala ang demonyo niya.Pero sa halip na matakot o magalit ako,naging masaya pa yata ako dahil nandito na siya. Pisting puso talaga ito.

Lumapit ako sa kanya ng dahan-dahan at agad na ikinubli ang sarili sa ding-ding na kung saan di niya ako makikita.

"What the f*ck Sierra?! Tigilan mo na ang kabaliwan mo." Narinig kong sigaw niya sa kausap.Sierra? Siya yung actress na nali-link din kay Arthur.Alam kong magkaibigan sila ni Jacob.Di nalilingid yan sa akin dahil updated ang buhay nila sa showbiz. "What?!You're crazy!Stop it Sierra...Oo... Yes, mahal ko nga si Catherine.At ilang beses ko rin bang sabihin sayo na na-real —" Hindi na niya nadugtungan ang sasabihin dahil nasagi ko ang isang bagay sa gilid ko.At gumawa ito ng ingay. Napalingon siya sa dereksiyon ko.Kaya wala na akong nagawa kundi ang salubungin ang mga tingin niya sa akin.Naka-kunot pa ang noo niya.

Halos di ako makagalaw.Para bang nabato-balani ako sa kinatatayuan ko.Kaya ko nasagi ang bagay na nasa gilid ko kasi parang biglang may pumutok na bomba.

Si Catherine, mahal ni Jacob?Si Catherine Supladico na pinakilalang girlfriend ni Arthur noong engagement party ko sa amin ay mahal ni Jacob?

Para akong nanghina sa narinig.Bakit ba di ko matanggap na may mahal siyang iba? Bakit sobrang nasasaktan ako sa narinig ko?Biglang tumulo ang luha ko.Siguro nga dahil nasaktan ako.Hanggang ngayon pala ay affected pa rin ako.Affected pa rin ako sa iisiping,mayroon siyang ibang mahal.Ano ba ang pakialam ko kung may mahal siyang iba?

"Are you okay?" Nakalapit na pala siya sa akin.Nilingon ko ang nasagi kong bagay.Flower vase pala iyon at nabasag pa sa sahig ng di ko napapansin.

Ngayon ay hindi ko na mabasa ang reaksiyon niya.Naka-kunot pa rin ang noo niya pero nakikita ko naman sa mukha niya ang pagka-bahala.Nag-aalala ba siya sa akin?Tiningnan ko lang siya ng masama.Pero sa pagtingin ko ng masama sa kanya ay di ko talaga mapigilan ang mga luha ko.Nagkusa ang mga ito.

"Damn you Jacob!I hate you!" Sagot ko sa kanya. Lumabas ang mga katagang iyan sa bibig ko dahil nasasaktan ako.Nasasaktan ako sa narinig ko.

Napatiim siya at dumilim ang mukha.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now