The Past 3- It's A Miracle

32K 653 15
                                    

Note: Tulad po ng mga sinasabi ko sa iba ko pang stories,kung may mga maling salita at kung ano pa man akong nagawang pagkakamali sa bawat chap.Sana po,pagpasensiyahan niyo na o di kaya i-correct niyo na lang ako sa magandang paraan.Ikatutuwa ko pa yun.At least alam ko ang pagkakamali ko.Katulad na lang ng wrong grammar at typos.Hindi po ako kasing galing ng ibang writer. Hindi ako professional na writer at di ako kasing talino nila. Sana po,focus kayo sa flow ng story na ito.Wag yung sa pagkakamali ko.Di ko rin nirereview ang gawa ko.Love u guys.Thanks sa support!

Railey's POV

"What the?!" Nagulat ako ng may bigla akong nabanggaang studyante dito sa canteen.Wala kasi ako sa sarili eh.Iniisip ko pa rin si Jacob.

Alam ko kung sino ang nabangga ko.Nakakatakot ang tingin niya sa akin.Paano ba naman,nabuhusan ko ng ice tea na hawak ko ang uniform niya.Siya si Jychel Mae Olivarez.Bagong salta siya dito sa school namin.At ka-klase ko rin siya. Ilang araw na rin siya rito kaya medyo may alam na ako sa pag-uugali niya.Siya ang babaing walang pakialam sa mundo.Walang kinakatakutan at higit sa lahat,allergic siya sa kaibigan.Tanging si Benjamin Villafuente lang ang may lakas ng loob para kausapin siya.At siya nga ang kasama nito ngayon.

"I'm sorry Jychel.H-hindi ko kasi alam na bigla ka na lang dumaan eh." Nauutal kong sabi.Kinakabahan pa ako dahil sa mapanuring tingin niya.

Pinunasan ko ang uniform niya na nabasa ng ice tea samantala,inaayos ng isa kong kamay ang malaking salamin sa mata.

"Take off your hand on me." Inis na saway niya sa akin.Kaya heto ako,parang di ko alam ang gagawin.Boses niya pa lang ay nakakatakot na. Deretso niya akong tiningnan sa mga mata.Napansin ko pa na umiba ang ekpresyon ng mukha niya.
Awa? Ito ang nakikita ko.Pero malabo yan. Ang babaing ito ay walang ganung side.

Nahagip pa ng paningin ko si Benjamin na nababahala ang mukha.

Nandito si Benjamin, pero nasaan si Jacob at Arthur?Kungsabagay,simula ng dumating si Jychel sa school namin ay ito na ang madalas kasama ni Benjamin. Buntot siya ng buntot dito.Napakaganda kasi ng babaing ito.

"Its just an ice tea.For pete's sake.Wag kang magpakumbaba dahil lang sa maliit na bagay.You,better fix yourself rather than me." Narinig ko ulit ang sinabi niya.Nakakatakot talaga ang boses niya na puno ng kapangyarihan.Sana ganyan din ako sa kanya. Matapang.

Tumalikod na siya kaagad ng masabi niya ang mga katagang iyon.May ilang segundo rin akong napatulala dahil sa sinabi niya.

Bakit ba kasi wala si Beatrice?Kaya pakiramdam ko,ako lang ang tao sa school namin. Wala kasing gustong makipag-kaibigan sa akin eh.Dahil lang yun sa kaanyuan ko.

Tumatak sa isip ko ang mga sinabi ni Jychel.Alam kong double meaning iyon.Hindi isang pangungutya ang sinabi niya kundi isang hamon, pampatapang,o de kaya ay payo.Ewan ko kung alin diyan sa tatlo.Basta sa mga sinabi niya ay parang nagkaroon ako ng lakas ng loob.

-----------------------------------

Mabilis na dumaan ang mga araw. Patuloy pa rin ang pag-iwas ni Jacob sa akin.At ang puso ko ay patuloy pa rin sa pagmamahal sa kanya. Kahit na patuloy din akong nasasaktan sa pag-iwas niya sa akin at lalo na kapag nakikita ko siyang nakikipag-landian sa iba.

Para akong may sakit na ketong kung iiwasan niya.Ang sakit no?Magka-klase nga kami,pero parang ang layo-layo niya.At madalas din na nagkahulihan kami ng tingin.Gusto kong isipin na palihim niya rin akong tinitingnan kapag nakatalikod ako.Pero ayokong mag-assume.Ayoko.

"Tara,punta tayo dun sa tamabayan natin." Pukaw ni Beatrice sa malalim na pag-iisip ko. "Nandoon na sina Jychel at Benjamin. Ewan ko ba sa mga lovebirds na iyon.Halos di magkahiwalay.Kaya tayo na bago pa uminit ang ulo ni Jychel." Dugtong pa ni Beatrice habang natatawa.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon