The Past 10-The New Railey

26.1K 549 26
                                    

Railey's POV

"Okay lang ba talaga Jychel?" Nag-aalalang tanong ko kay Jychel pagkalabas namin sa salon.Hindi kasi ako mapakali dahil sa napilit niya akong magpa-make over.

Hindi lang naman sa pamimilit niya ang dahilan kung bakit naisipan kong gawin ito.Para din ito kay Jacob.Dahil na-realize ko na unfair ako sa kanya.

Hindi ko na kasi kinaya ang mga naririnig ko sa campus.Yung mga walang tigil na pang-a-alipusta ng mga studyante sa akin.Kahit pa sabihin kong pinagtatanggol ako ni Jacob sa kanila pero nakakaramdam ako ng guilt sa sarili ko dahil pakiramdam ko ako ang nag-lagay kay Jacob sa kahihiyan.Kung minsan kasi napapa-away na siya dahil sa pagtatanggol sa akin.

"Super ganda mo Railey uy.Kaya 'wag kang ewan diyan.Masanay ka na.I-rampa mo ang iyong kagandahan.And...I'm sure na pati si Jacob ay lalong mapapalaway sayo." Napapalatak niyang wika kasabay ng pag-ikot-ikot niya sa akin habang sinusuri ang kabuuan ko.Hindi ko alam kong nabibigla ba siya sa kalabasan ng pagme-make-over ko o napapa-hanga.

"Eh...kasi..." Nakayuko kong reklamo.Nahihiya talaga ako sa mga taong naka-kita sa akin.Lahat kasi ng nadadaanan namin ay napapalingon sa amin ni Jychel lalo na sa akin.

"Eh kasi ano?..." Pinanlakihan niya ako ng mga mata niya. "Eh kasi naninibago ka dahil di mo akala na ang manang mong ayos ay magta-transform into gorgeous and hot?" Panunukso niyang dugtong.

Pakiramdam ko tuloy ay pinamulahan ako ng mukha.Ganun ba ka-laki ang nagbago sa akin?

"Jychel...ano...baka kasi magalit si Jacob eh." Napalabi ako sa sinabi ko.Naiisip ko lang kasi ba baka di niya magustuhan kasi sinabi niya ng isang beses sa akin noon na kahit hindi pa ako magpa-ayos ng sarili mahal niya pa rin ako.At mas maigi nga daw kapag hindi ako nagpa-ayos dahil alam niyang wala siyang ka-agaw sa akin.

Napangiti ako ng lihim sa mga naalala kong iyon.Tanggap niya talaga ako pero this time,siya naman ang bigyan ko ng kasiyahan na yun bang hindi siya mapahiya kapag kasama ako.Na kahit paano ay marinig niya rin sa ibang tao na bagay kami.Kadalasan kasi ang mga naririnig niya ay 'hindi sila bagay ng girl'.

Kahit ako,nasasaktan kapag naririnig yan.Nasasaktan ako para kay Jacob.

"Sabing di yun magagalit.Bagkus,baka ika-tuwa pa niya yun.Ayaw mo pa nun,di na siya mapapahiya sayo kapag kasama ka niya." Hinampas pa niya ako.Pero bahagya akong natigilan sa mga sinabi niya.Natamaan ako dun ah.Although alam kong ganun na talaga kapag nagsalita si Jychel pero pumasok pa rin sa isipan ko.Marahil ay dahil tungkol ito sa nararamdaman ni Jacob.

"Hoy!" Ginulat niya ako at agad naman ako napabalik sa huwesyo.

"Ah...eh..." Napa-kamot ako ng ulo.Wala kasi akong masabi eh.

Napansin kong huminga siya ng malalim at saka nagsalita. "Sorry sa mga sinabi ko Railey." Hinawakan niya ang kamay ko. "Gusto ko lang kasi malaman mo na maaaring yan ang nararamdaman ni Jacob kapag magkasama kayo." Sensero niyang saad.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Okay lang Jy.Totoo naman kasi yun.Tama ka nga.Thanks so much Jy." Sabi ko.Nagpapasalamat ako na kahit ganito ang ugali ni Jychel,pero totoo siya sa amin ni Bea.Hindi siya mapag-kunwari tulad ng ibang lumalapit sa amin.Lumalapit lang sa amin dahil may kailangan.

Bahagya ko siyang tinitigan.Maganda kasi si Jychel.Magaling magdala ng pananamit.Parang model kung gumalaw.Kaya di na ako magtataka kung mahal na mahal siya ni Benjamin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad matapos siyang sumagot sa akin ng 'welcome'.

Habang naglalakad kami ay naiimagine ko ang sarili ko.Katamtaman ang iksi ng buhok ko.Pina-rebond din ito kanina ni Jychel at kinulayan ng light lang.Tinanggal ang salamin sa mata ko at pinalitan ng contact lens.Pinaayusan din ako ng suot at itunuro din sa akin ng mga taga-salon kung paano ang manamit ng tama.Kung paano ang maglagay ng kaunting make-up.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now