KBMEB8-I'm Yours

41.3K 906 58
                                    

Railey's POV

"Di na tayo mamasyal mamaya.Sinira mo ang araw ko." At tumalikod na siya ng tuluyan.

Namalayan ko na lang na pumatak ang mga luha ko.Nasaktan kasi ako.Umasa na naman ako eh.

"Jacob,bakit ba ganyan ka?Nasaan na ang Jacob na minahal ko noon?" Bulong ko sa isipan.

Agad kong niligpit ang mga pinagkainan namin.Muli kong tiningnan ang maliit na papel na kung saan, nakalagay ang petsa ng pagtanggap ko sa kanya noon.Talaga bang ganito ang paraan niya para saktan ako?Ang paasahin?

Ipinagpatuloy ko ang pagliligpit hanggang sa matapos ko ito.

Agad ko siyang hinanap.Nasaan na naman kaya siya?

Nang di ko na siya nakita ay bumalik na lang ako ng kwarto.Baka lumuwas na naman ng Manila iyon.Bakit sa iisiping iyon ay nalulungkot ako na iniwanan na naman niya akong mag-isa dito.Di ba dapat maging masaya ako kasi makapag-pahinga ako sa pananakit niya ng damdamin ko?

Pagkabukas ko ng pintuan ay agad kong narinig ang tugtog.Napatigil tuloy ako sa paglalakad.Hinanap ko siya pero di ko nakita.

Well,you done done me and bet I felt it...
I tried to be chill but you're so hot that I melted...
I fell like through the cracks...
Now I'm trying to get back...

Ngayon ko lang napansin na di pala stereo ang tumutogtog kundi narinig ko ang boses niya at ang gitara na alam kong siya mismo ang kumakaskas nun.

Naglakad pa ako ng kaunti at hinanap kung saan banda ang pinanggalingan ng tugtog.

Before the cool dawn run out...
I'll be giving it my bestest...
And nothing's gonna stop me but divine intervention...
I reckon,it's again my turn...
To win some or learn some...

Sa bawat kataga ng kantang ito ay malalaman mo na parang may hugot ang pagkakabigkas niya.Damang-dama niya ito.

Napatulo na naman ang luha ko.Kasi ba naman,ito palagi ang kinakanta niya noon sa akin.Ang kantang ito ni Jason Mraz na I'm Yours.Kasi nga daw sa akin lang siya.Magaling kasi siya mag-gitara eh.

But I won't hesitate...
No more,no more...
It cannot wait,I'm yours...

Tuloy pa rin ang kanta niya.Gosh.Heto na naman siya. Pinapaalala niya na naman iyon.
Nakita ko siya na nasa maliit siya na terrace ng kwartong ito.Naka-de kwatro at naka-kalong sa kanya ang gitara.Nakaharap siya sa labas. Kaya di niya ako napapansin.Napapabuntong-hininga siya tapos parang ang layo ng tingin.

Well,open up your mind and see like me...
Open up your plans and damn your free...
Look into your heart and you'll find love,love,love....

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now