KBMEB32-The Real Story

24.3K 492 32
                                    

Railey's POV

"A-ano po ang ibig mong sabihin mommy?" Tanong ko sa kanya.Parang di ko na naman matanggap sa sarili ko na may nagawa na namang kasalanan si daddy.At hindi ko alam kung magagalit na ba ako ng tuluyan sa kanya.

"Hindi lahat ng sinabi ng daddy mo ay totoo Railey." Ulit nito.Napabuntong hininga pa ito.Nakita ko sa salamin na agad hinawakan ni daddy ang kamay niya.Malungkot ang mukha ni mommy na para bang may pagsisisi. "Ang totoo lang sa sinabi niya ay 'yong pagpapa-kasal namin iha.Pero hindi lahat kasalanan ng daddy mo.Mayroon din kami ng asawa ko." Dugtong pa nito.

Napakunot ako ng noo at tumingin kay Jacob na nagtatanong ang mga mata kung ano ba ang kasalanan ng mommy niya.Nagkibit balikat lang siya na nagsasabing wala siyang alam.Hinuli pa niya ang kamay ko at marahang pinisil ito.

"Sobrang mahal ako ng daddy mo." Panimula ni mommy.Kaya napa-ayos na ako ng upon at inihanda ang sarili sa kung ano man ang totoong matuklasan ko. "Nang mga panahong niligawan niya ako,may laman na ang puso ko.Mayroon na akong mahal.Ay ito ay ang daddy ni Jacob." Patuloy nito. "Hindi pa namin ipinapaalam sa lahat ang relasyon namin.Kaya inilihim namin iyon.At nang huli,nagtapat ang daddy mo sa daddy ni Jacob na mahal niya ako.Na liligawan niya ako.Matalik silang magkaibigan noon.Magkasama sa hirap at ligaya.Nagdadamayan sila.Nilalakad nila sa mga girls ang isa sa kanila kapag may liligawan." Mahabang salayasay nito.

"Nagmakaawa siya sa akin." Si daddy na ang nagdugtong.Kami naman ni Jacob ay mataman lang na nakikinig. "Noong una,tumanggi ako dahil may lihim nga kaming relasyon ng mommy ni Jacob.Pero hindi ako tinantanan.Naawa ako sa kanya.Dahil labis niyang mahal ang babaing mahal ko rin.At para hindi siya magduda at magalit sa akin,pumayag ako.At ito ang pagkakamaling nagawa ko sa daddy mo iha at sa babaing mahal ko.At syempre,nagalit ang mom ni Jacob.Kaya sa galit niya,sinagot niya si Armand.Hanggang sa pumayag na rin siyang magpakasal sa daddy mo dahil wala akong ginawa para patunayang mahal ko siya.Ito ang naging aral ko sa pag-ibig.Na kapag mahal mo ang isang tao,ipaglaban mo.Kaya ito ang paulit-ulit na sinasaksak ko sa kukuti ni Jacob iha." Mahabang kwento nito na nakakawili din dahil nawili ako sa pakikinig.Ang ganda kasi ng kwento nila.

"Then,paano po ninyo nabawi si mommy?" Excited na tanong ko sa daddy ni Jacob.

"Noong mga panahon na ikakasal na ako sa daddy mo Railey,kinidnap ako nito." Nakangiting sagot ng mommy ni Jacob.

"Anong kinidnap?Kusa kang sumama." Kontra ni daddy sa kanya na kinindatan pa ito.Mana talaga ang asawa ko sa daddy niya.

"Eh bakit,totoo naman ah?" Nakabusangot na saad ni mommy.

"Hahaha!" Sabay kaming tumawa ni Jacob. Nagtama pa ang mga mata namin na parang nababasa namin ang isip ng bawat isa sa amin.

Takhang napatingin naman sina mommy sa amin.

"Oh bakit kayo natawa?" Puna ni mommy.

"Kasi po,manang-mana pala ang anak niyong ito sa ama niya na kinidnap din ako sa araw ng kasal ko." Itinuro ko si Jacob na natatawa.

"Ay sinabi mo pa iha.Baka nga binigyan pa yan ng tip ng daddy niya eh." Natatawang saad ni mommy.

"Siguro nga po mom.And worst pa po ay naka-gown pa ako noon." Kwento ko pa na di paaawat sa katatawa.Ang totoo kasi,halos pareho kami ng kwento ng mga magulang ni Jacob.

"Ako din iha.Palibhasa pareho tayong magaganda kaya patay na patay ang mga yan sa atin." Panunukso ni mommy.

"Oh girls.Shut up!" Sita ni daddy sa amin. "Kayo ang patay na patay sa amin." Dugtong pa nito.

"Kaya nga po dad." Si Jacob. Inirapan ko siya. "Na akala mo,papatayin ka na sa panghahampas.Pero tumutugon naman sa mga halik." Pilyong ngumiti ang asawa ko sabay kindat sa akin.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now