KBMEB20-Her Secret

26.3K 495 65
                                    

Railey's POV

"Sino ba ang nagbalita kay daddy na si Jacob ang kasama ko at ang kinaroroonan namin Melvin?" Tanong ko sa taong kaka-pasok lang dito sa kwarto ko.

Yun ang tanong na gusto kong malaman.Dalawang araw na ang nakalipas simula ng ikulong ako ng daddy dito sa kwarto.

Naging kalmante na ako dahil kailangan kong mag-isip kung paano ako makakatakas dito.

Malakas ang kutob ko na hindi niya pinatay si Jacob.Siguro naman kahit papaano ay maawa siya kasi naging magkaibigan naman sila noon.

"Alam na lahat ng daddy mo Railey bago ka pa kinidnap ni Jacob." Sagot niya at saka bumuga ng hangin.

Napatingin ako sa kanya dahil sa mga sinabi niya.Paano niya nalaman na kinidnap ako ni Jacob.At isa pa,paano nalaman ng ama ko?

Naguguluhan na ako.Ano ba ang mga pangyayari?

"H-hindi ako kinidnap ni Jacob.Kusa akong sumama." Pagtatanggol ko kay Jacob.Pero kumibot lang ang dulo ng labi niya na nagpapahiwatig na hindi siya naniniwala sa akin.

"Railey,..." Malamlam ang mga mata niya na tumingin sa akin. "....you can't fool me.I know everything about between you and Jacob.Kaya 'wag mo na siyang ipagtanggol." Dugtong pa niya.Wala na akong nagawa kundi ang bumuga na lang ng hangin.

"Pero paano nalaman ng daddy ko?" Kunot-noong tanong ko sa kanya.

"Matagal niya nang alam.Kahit yong relasyon niyo noon ay alam niya na.Kaso,nagkukunwari lang siya na walang alam.Pero matagal niya nang tinitiktikan si Jacob.Pinalipas niya lang ang ilang buwan bago niya kayo puntahan sa Tagaytay.Pinalipas niya lang ang isyu sa medya." Mahabang pag-amin nito.Kahit nagngingit-ngit ang kalooban ko at galit ako sa kanya,pero kailangan ko siyang pakinggan.

"Alam niya kahit yong nakaraan namin ni Jacob?" Usisa ko.

"Tulad ng sinabi ko Railey,wala kang inililihim sa ama mo na hindi niya alam.The true reason why he's forcing you to marry me dahil yon ay ayaw niya na si Jacob ang makatuluyan mo.Kaya gumawa siya ng mga paraan para mapaghiwalay kayo." Saad niya.

"May kinalaman din ba siya sa paghihiwalay namin noon?" Ewan ko.Basta bigla na lang pumasok sa isipan ko iyan.Napaigting ang mga ngipin ko ng maalala iyon.Kasama na doon ang lalaking ito.Sana hindi ang ama ko ang dahilan ng pagkakabangga ni Jacob noon.Dahil kapag nangyari iyon,hinding-hindi ko siya mapapatawad.

"Malalaman mo rin ang lahat Railey. Kaya sinasabi ko ngayon na sumunod ka sa agos ng mga pangyayari.Pumayag ka na lang na magpakasal sa akin at 'wag ka nang tumutol pa." Namulsahan pa ito at bumuntong hininga.

"Melvin,bakit ba pumayag ka na pakasalan ako?Hindi mo naman ako mahal di ba?" Nagawa ko pa ang magtanong kahit ang totoo ay gusto ko nang sapakin ang taong ito.

"Oo,ni minsan hindi kita minahal Railey." Malungkot niyang sagot.Nakakagulo na ang hayop na ito ah.Ano ba ang gusto nitong palabasin?

"Oh,yan naman pala eh.So,bakit mo pa ako pakakasalan Melvin?" Palatak ko.Naisip ko tuloy na baka pwede ko pa siyang kumbinsihin. "Tulungan mo ako please Melvin.Ayokong matuloy ang kasal natin.Kaya please...tulungan mo akong makatakas dito oh...please..." Hinawakan ko pa ang kamay niya at nagmakaawa.

"No!" Tumaas ang boses niya.Biglang naging matapang ulit ang mukha niya.Hindi na siya mahinahon kagaya kanina.Pero kailangan ko siyang harapin.Hindi ko paiiralin ang takot ko. "Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo Railey.Tulad ng sinabi ko,at isaksak mo ito sa kukuti mo.Wag ka nang kumontra sa ama mo.Kung bakit pumayag akong pakasalan ka,yon ay may dahilan ako.Kaya ikaw,manahimik na!" Patuloy niya na nasa mataas pa rin ang boses.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now