KBMEB10-Our Own World

30.5K 565 16
                                    

Railey's POV

"Dahan-dahan naman Jacob." Kinakabahang saway ko sa kanya.Halos paliparin kasi nito ang kotse pababa ng kabundukan.Actually hindi ito pababa ng bundok.Papunta lang sa mababang bahagi nito.

Tumingin lang siya sa akin at kumindat na nagpapa-hiwatig na okay lang.Na 'wag akong mabahala.

"Nandito ako Railey.Hindi ka mapapaano." Pagpapanatag niya sa akin.Nakakatakot kasi dahil may mga bangin kaming nadadaanan.Alam ko kung saan papunta ang lugar na ito.Sa country club ng Tagaytay Highlands.Which is isa din sa mga naging bahagi ng kahapon namin.

Nagtataka man,pero tipid ko na lang na nginitian si Jacob.Napapaisip kasi ako eh.Bakit parang bigla yata siyang naging mabait sa akin?Ano ang balak niya o ang iniisip niya.

Hinigpitan ko ang pagkakabit ng seatbelt ko ng bigla niya itong binilisan ulit ang pagpapa-takbo.This time hindi na ako takot na para bang pinangha-hawakan ko yung sinabi niya.Halos hinihila ang hininga ko.Pero nawawala ito kapag tinitingnan niya ako at ngingitian.Ewan ko ba kung bakit naimbento pa ang Tagaytay na ito gayung bundok naman.Siguro dahil sa lamig na taglay nito kapag summer lalo na sa umaga.Maganda kasing tingnan ang foggy na lugar na ito tuwing umaga.

Akala ko kanina nung binuhat niya ako,akala ko uuwi na kami sa bahay na kung saan dinalhan niya sa akin at pinagtaguan.Akala ko nangangailangan lang ang katawan niya.Pero mali pala ang iniisip ko.

Pagkaraan ng ilang minuto,huminto na ang kotse.At nandito na kami sa country club.Mabilis akong bumaba ng kotse at humakbang ng mabilis patungo sa swimming pool ng lugar na ito.

Marami na palang binago dito.Lalo pang pinaganda ang lugar na ito.Tumalima ako papuntang bridge na kung saan dito ako madalas nakawan ni Jacob dati ng mga picture.Umakyat ako sa naka-arkong tulay.Tawid kasi ito sa kabilang pool.Bale pumagitna ang bridge na ito sa dalawang pool.

Tumigil ako sa gitna.At hindi ko na alintana kung nasaan man si Jacob.Bahala na siya sa buhay niya.

Nakangiti ako habang masayang tinitingnan ang mga jacuzzi na nasa gilid ng pool.Bale tatlo ang swimming pool dito.Isa yung pinakamalalim na kung saan nilagyan ng wooden bridge na ito.Masyadong private ang lugar na ito.Kaya kakunti lang ang makikita mong naliligo.

Napakislot ako ulit ng maramdaman kong may yumapos sa akin.Hindi na ako umimik pa dahi kilala ko na ang taong ito.Sa pabango niya pa lang ay kilala ko na at pati yata pintig ng puso niya ay kilala ko na rin kung gaano kabilis ito tumibok.

"Maganda pa rin di ba?" Bulong niya sa punong tainga ko na bahagya pa niyang nilapatan ng bibig niya.Kaya kakaibang sensasyon ang nadarama ko.Parang may kung anong kuryente ang umakyat sa katawan ko. "Gusto mo bang mag-swimming?" Tanong niya.

Inilayo ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya na halos magka-dikit na pala kanina.May pagtatanong sa mga mata ko ng tingnan ko siya. "Wala akong dalang swimsuit." Sagot ko sa kanya.Siraulo kasi eh.Hindi ko naman kasi alam na may balak pala siya.

Sa totoo lang gustong-gusto ko.Gusto kong makasama siya muli sa pagsi-swimming.

"I can buy.May tindahan naman diyan eh." Saad niya na agad akong hinalikan sa batok.Uminit tuloy ang balat ko sa mukha.Ibang klase talaga ang epekto ni Jacob sa akin.

"No,'wag ka ng mag-abala dahil wala akong balak." Medyo umiba yata ang tono ko.

"Okay.Ikaw ang bahala.'Di kita pipilitin." Nakangiting saad niya sa akin at panaka'y,hinigpitan lalo ang pagyakap sa akin.

Gusto kong magsisi dahil sa pag-i-inarte ko.Sana pumayag na lang ako.Gusto ko kasing ilublob ang katawan ko sa malaking jacuzzi na iyon.

"Halika na love." Yakag niya sa akin ng hindi na ako umimik at saka hinila.Hindi nakalampas sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng endearment namin.Dahilan ng paghuhurementado ng puso ko ngayon.Pero siya,parang balewala lang sa kanya na tawagin ako nun.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now