KBMEB17- Taking Back Away

26K 485 41
                                    

Jacob's POV

Lulan ng kotse ko,hindi ko mapigilan ang mapangiti.Excited na kasi akong makita ang babaing naghihintay at naka-abang pagdating ko sa resthouse namin sa Tagaytay.Ang babaing nagpapa-ikot ng mundo ko.Ang babaing,nagpapa-tibok ng puso ko.Ang babaing nagbibigay ng lakas sa akin sa araw-araw.Ang babaing mahal na mahal ko.At higit sa lahat,ang babaing buhay ko— si Railey.

Dalawang araw na kasi ako sa Manila.May inayos lang na gulo kina Sierra at Arthur.Alam ko na malaki ang naging kasalanan ko kay Arthur dahil binalak kong sirain ang relasyon nila ng babaing mahal niya — si Catherine Supladico.Kaya habang maaga pa,ginawa ko na ang tama.At alam ni Railey yun dahil sinabi ko ang lahat sa kanya.

Palagi akong lumuluwas ng Manila para walang magdududa sa ginawa ko.Ang ginawa kong pag-kidnap kay Railey.Kaya hindi nila ako nahahalata.Pero saglit lang ako.Mga ilang oras lang maliban kung may shooting si Arthur.At ngayon na yung pinaka-matagal na hindi ako nakauwi kaagad simula ng magka-ayos kami ni Railey.

At si Sierra,kahit ilang ulit ko ng sinabi sa kany na itigil na namin ang ginagawa,pero nagmamatigas siya.Gusto niya pa ring wasakin ang relasyon ng dalawa.Ganunpaman,wala na siyang magawa dahil hindi ko na siya tutulungan.

Flashback

"Kaibigan ko si Arthur,Sierra.Kaya pinagsisihan ko na kung bakit ako pumayag makipag-sabwatan sayo na paghiwalayin ang dalawa." Gigil na saad ko sa kanya.Halos pilipitin ko pa ang leeg nito para maintindihan ako.Pero sadyang matigas ang ulo.Kaya nahirapan na intindihin ako.

"Hindi ako papayag Jacob na magkatuyan sila.Sisirain ko sila." Isang masamang tingin ang ipinukol niya sa akin habang ang boses nito ay tumaas.Para na itong isang disperada na kahit anong oras ay may gagawing masama.Hindi ko alam,maganda naman ang babaing ito,pero bakit parang si Arthur lang ang nakikitang lalaki.

"Baliw ka na nga Sierra." Sagot ko na may mga pagdidiin.

"Oo!Nababaliw na ako Jacob! Baliw sa Arthur na iyon.Kaya akin lang siya.Akin siya!Kaya sa ayaw at gusto mo,tulungan mo ako." Sumisigaw na wika niya.Nakakabingi ang sigaw niya.Para na nga siyang nababaliw.Ano ba ang gagawin ko sa babaing ito?

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now