KBMEB16-You Are My Home

29.9K 647 43
                                    

Railey's POV

Mula sa likuran ay niyakap ko ang lalaking ito na masyadong busy sa pagluluto at nakasuot ng apron.Napatigil pa siya sa ginagawa at napasamyo.

"Masyado ka namang busy My Majesty." Bulong ko sa punong tainga niya na lalong nakapag-panindig ng balahibo niya.

"Yes My Slave Princess." Nakangiting sagot niya sa akin at saka hinarap ako. "Ayokong magutom ang babaing ito na bihag ko." Dugtong pa nito at mabilis akong dinampian ng halik sa mga labi. "Kaya kumain ka ng maayos." Kinurot pa niya ang baba ko at saka tumalikod sa akin habang dinidik-dik ang bawang.

Nakatingin lang ako sa kanya habang busy sa paghihiwa ng kung anu-ano.
Napapangiti din ako.Sino ba naman ang hindi.Ang saya ko sa piling ni Jacob.Makalipas ang isang buwan matapos kaming nagkaayos ay ganito na siya sa akin.Prinsesa niya kung ituring.Akala ko noon,hindi ko na makakamit ang ganitong pangarap ko para sa aming dalawa.Akala ko,di ako makakalaya sa pang-aalipin niya sa puso ko at sa katawan ko.Akala ko hanggang kama na lang kami at puro pasakit lang ang gagawin niya sa akin sa piling niya.Pero heto na kami ngayon.Heto na ako,malayang-malaya na kahit pa nagtatago kaming dalawa.Sigurado akong may masamang mangyayari kapag humarap kami sa mga magulang namin.Tsaka na ang mga bagay na iyon.May panahon kami para diyan.At kapag dumating na iyon,sisigiraduhin kong wala ng makapag-pahiwalay sa amin.

Muli ko siyang nilapitan at niyakap ulit mula sa likuran.Gusto ko lang ipakita sa kanya na labis ko siyang mahal.Sobrang mahal ko ang lalaking ito.Kahit pa maraming mga babae ang nabibighani dito.

Mga babae?

Kaya naisip ko si Catherine. Narinig ko noon na mahal niya ito habang may kausap siya s phone.

"Love,..." Bulong ko ulit sa kanya.Naramdaman ko pa na napaigtad siya sa simpleng ginawa ko.

"Hmmm..." Tanging sagot niya na parang sa tunong mahinang pag-ungol.Kaya parang nawala ang itatanong ko sa kanya.Bagkus,napapangiti ako sa naging reaksyon niya.Pero hindi pwedeng pag-iiralin ko ang kalokohan kong naiisip.

"....minahal mo ba si Catherine?" Pagpapatuloy ko.Hinarap niya ako at ipinagpantay ang mga mukha namin.

"I thought. Pero hindi pala talaga.Na-realize ko na ikaw pa rin ang mahal ko.Na kahit kailan,hindi ko pala nagawang magmahal ng iba.Ikaw lang." Mahabang sagot niya. "At si Catherine, siguro naisip kong mahal ko siya dahil mayroon kayong similarities sa pag-uugali.Mukhang inosente din siya kasi,kagaya mo love.Ang pagka-inosente mo,ang siyang nagnakaw ng puso ko." Nakangiti na nitong saad.Halos mangingislap pa ang mga mata niya.Masasabi ko talaga na mahal na mahal ako ni Jacob dahil yung dating mukha at mata niya na puno ng galit noon,ay nawala na ngayon simula ng magka-ayos kami.Pumalit dito ang pagmamahal at pananabik palagi.

"When did you realized that you still in love with me?" Tanong ko ulit.

"In your engagement party." Maiksing sagot niya.Nanlaki naman ang mga mata ko dahil di ko alam na naroon siya.

"You were there?" Excited na tanong ko.

"Yeah.At the corner.Looking at you from a far. Nang una hindi kita napansin.Pero nung sinabi na sa akin ni Jennifer,tsaka lang kita napansin together with the barkadas." Kwento niya.

"So,bakit nandoon ka?" Kunot-noong tanong ko.Bakit nga ba nandoon siya kung di niya alam na engagement ko iyon.

"To ruin their relationship." Sagot niya na ang tinutukoy ay sina Catherine at Arthur.

"What?!" Bulalas ko.Pero hindi na ako naka-imik dahil pinatahimik niya na ang bibig ko sa pamamagitan ng pag-angkin niya dito.

Pagkatapos niya akong halikan ng matamis,sinimulan niya na ang mag-kwento ng lahat ng balak nila ni Sierra noon.Ang babaing ito ay siyang kasabwat niya daw na sirain ang relasyon nina Arthur at Catherine. Dahil may gusto ito sa lalaki.Pati kung paano niya binalak na kidnap in ako ay nai-kwento niya rin.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now