KBMEB14-Back In The Past 2

25.8K 549 41
                                    

Railey's POV

"Wala.Ni isa walang nakapag-sabi sa akin Jacob." Mapait akong ngumiti. "At naniwala ka naman kay Shaina?Alam mo ba ang ginawa nila sa akin,huh?!" Inis na tanong ko sa kanya.Paano niya nagawang paniwalaan si Shaina gayung simula pa lang ay alam niya na ang totoong ugali nito.Naiinis ako sa kanya ngayon.

Napansin ko na nanahimik siya.Yun bang may iniisip na malalim.Panay pa ang buntong hininga nito.Masakit isipin na nagkahiwalay kami dahil sa wala kaming kaalam-alam pareho sa mga naganap sa amin.

Pinunasan ko ulit ang luha ko na kanina pa naglandasan habang kini-kwento niya sa akin ang aksidenteng nangyari sa kanya.Gusto kong sisihin ang sarili noon.Naniwala ako kaagad sa mga pinagsasabi ng dalawa niyang kaibigan at ng Shaina na iyon.Pareho pala kaming naging biktima ng babaing iyon.

Nanggigil ako ng maalala ko ang mukha niya sa huli naming pagkikita.Nagwagi siya.Nagwagi siyang papaniwalain si Jacob na wala akong pakialam.Kung alam ko lang sana noon na ganoon pala ang nangyari sa kanya,sana inalagaan ko siya.Sana ako ang nasa tabi niya.At hindi ang malanding babae na iyon.

Kasalanan ko rin eh.Hindi ko man lang naisip na puntahan ang bahay nila noon sa Cavite.Nagpadal din ako sa maling akala at sa mga sot-sot ng mga taong naka-paligid kina Jacob.

Kung nagtanong-tanong lang sana ako,siguro nalaman ko pa ang totoo.Agad kasi akong nag-conclude na totoo ang lahat nang mga sinabi ng mga peke niyang kaibigan.Bakit kasi sina Arthur at Jacob ay di ko naisipang tanungin?May alam kaya sila noon sa nangyari kay Jacob?Kung sabagay,paano ko pa sila matatanong kung hindi na ako nagpakita sa kanila.Na sarado na noon ang isipan ko.Pero nangyari na ang lahat ng iyon.Kung may dapat mang sisihin sa mga kaganapang iyon - sa paghihiwalay namin ni Jacob,yun ay walang iba kundi si Shaina.

"Railey?"

Boses niya ang pumukaw sa paglalakbay ng diwa ko.Deretso akong tumingin sa mga mata niya at saka ko lang naalala na may tinatanong ako sa kanya.

"Ano Jacob?Alam mo ba ang ginawa nang tatlong iyon sa akin habang hinihintay ka,huh?" Tanong ko ulit sa kanya.Ang kaninang mukha niya na nasa malalim na pag-iisip ay napalitan ng pagka-kunot.

"Sinong tatlo Railey?" Bagama't naka-kunot-noo ito pero bakas sa mukha niya ang kaseryosohan.

"Sina Melvin,Dennis at Shaina." Sagot ko sa kanya.

Biglang nagtagis ang mga ngipin niya. "Those bastards!" Napatiim bagang siya.Napabaling ang paningin ko sa mga kamao niyang naka-kuyom na animo'y anumang oras ay makakasuntok siya ng tao.Bigla ring naging matapang ang mukha niya.Nakakatakot siya kung pagmasdan.Palagi ko naman siyang nakikitang galit pero hindi naman ganito na namumula na ang mukha niya sa galit.Yes,galit na galit ang nakikita ko ngayon sa kanya.

"Ano ang mga sinabi o ginawa nila sayo Railey?" Huminga siya ng malalim upang pakawalan ang tinitimping galit.

Nanginginig ako habang dahan-dahang ibinubuka ang mga bibig ko.Gusto kong i-kwento sa kanya ang lahat na mga sinabi o pagpapakasama ng mga iyon sa kanya.

Nakakatakot kasi ang anyo niya kaya parang nanginginig ako

"Don't be scared Railey." Mahinahon na nitong saad.Siguro napansin niyang natatakot ako sa kanya. "Sabihin mo na sa akin ang lahat.Ang totoo.Ayokong matakot ka sa akin.Please.Wag mo akong katakutan love." Ginagap niya ang palad ko na binitawan niya kanina kasabay din ng mabilis kong pagtingin sa kanya.Hindi ako maaring magkamali o nabingi.Tinawag niya akong love.Dinig na dinig ko yun.

At dahil sa mga sinabi niyang iyon,parang biglang hinaplos ang puso ko.Kakaiba ang dulot nang tawagin niya ako sa endearment namin noon.

"J-jacob?" Napapalunok pang wika ko.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now