KBMEB15-Starting Over Again?

28.7K 604 43
                                    

Jacob's POV

Flashback

"Let's stop this Melvin." Inis kong saad sa kanya.Nandito kami ngayon sa basketball court na kung saan,sinadya ko silang puntahan ni Dennis.Gusto ko kasi na itigil na namin ang walang kwentang pustahan.Alam kong gagawa na sila ng aksyon gayung nagbagong-anyo na si Railey.Hindi maasahan ang mga ito sa isang laro katulad nito.Hindi sila marunong maglaro ng patas.

"Oh man!" Tinapik ako ni Dennis sa balikat. "Don't tell us na talagang mahal mo na si nobody...oh..." He freez his word and started to roll his eyes na para bang nag-iisip kunwari. "...not nobody anymore..." He smiled sarcastically. "....dahil nagawa mo na ang ating napagkasunduan Jacob.She was totally changed.Bigtime." Nakangisi pa siya. " And because of that,man,I would like to congratulate you." Mahabang sabi nito.

Gusto ko siyang sapakin.I clenched my fist.But I hold my temper ng maalala ko si Railey.Napatiim bagang na lang ako.

"Tapos na ang laro natin Melvin..." Bumaling ako sa katabi niya. "....Dennis." Seryosong wika ko.

At doon sila nagtawanan. "Hindi ganun kadali yun Jacob.Kilala mo kami." Halos may pagbabanta pa sa mga boses nila.

"Then,gawin niyo ang dapat niyong gawin.And I will do mine." Sagot ko. "Kaya,ngayon pa lang,sinasabi ko na sa inyo na tama na.Tigilan na natin to.Totohanin ko na ito." Gusto ko pa sanang dugtungan ng 'dahil mahal ko na talaga siya' pero agad akong napalingon ng tawagin ni Railey ang pangalan ko.Kinabahan ako.Kaya pakiramdam ko namumutla ako.Narinig niya kaya?

"Jacob,kanina pa kita hinahanap." Nakangiting sabi nito sa akin.Agad naman akong ngumiti sa kanya.Makita ko lang ang mukha niya ay masaya na ako.Kaya nakaisip ako kaagad ng paraan upang paniwalaan niya na mahal ko siya.At yun ay ang pakasalan siya.

"H-hi love.K-kanina ka pa ba diyan?" Kinakabahan kong tanong.

"Ah hindi naman." Maiksi niyang sagot.Tinantya ko sa mukha niya kung nagsasabi siya ng totoo.At nakikita kong hindi siya nagsisinungaling.Kaya nabunutan ako ng tinik.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now