KBMEB12-Remembering The Past

28.5K 573 28
                                    

Jacob's POV

Hinaplos ko ng marahan ang mukha ng babaing ito na tinititigan ko ngayon at katabi pa sa higaan.Mahimbing na mahimbing ang tulog niya.Hindi ko akalain na darating ang araw na ito.Ni minsan,hindi ako nagsisisi sa ginawa kong pag-kidnap sa kanya.

Biglang nawawala ang galit at hinanakit ko sa kanya sa tuwing makikita ko ang maamo at inosente niyang mukha.Ang aking Railey na minamahal kahit noon pa man.

Mahal ko siya.At handa akong ayusin ang di namin pag-uunawaan.Pero sa tuwing may maririnig ako mula sa kanya na nakakasakit sa damdamin ko,agad umiinit ang ulo ko.

Bullshit lang.Di ko kasi mapigilan ang mag-isip ng kung anu-ano sa tuwing magsasalita siya.Nakakabakla di ba?Pero nagmamahal lang ako.At wala akong pakialam kung bakla man akong matatawag.

Mahigit nang isang buwan kong kasama dito si Railey.At laking pasalamat ko dahil hindi pa kami natunton ng pamilya niya.Akala ko noon nang makita namin si Jennifer,ay mawawala na siya sa buhay ko.Nabahala ako ng sobra.Kaya hinding-hindi ko na siya inilabas sa bahay na ito.

Paminsan-minsan,lumuluwas ako ng Manila dahil sa trabaho ko at kung minsan dahil di ko kayang makikita si Railey na nasasaktan dahil sa mga pinagga-gawa ko.

Muli ko siyang sinulyapan.At napangiti ako nang maalala ko ang mga panahong na-realize ko na mahal ko pa rin pala siya.

Flashback

Nandito ako ngayon sa sulok na kung saan ay nakikita ko si Catherine at si Arthur.Makikita sa mga mata nila ang pagmamahal sa isa't-isa.Pumunta ako dito sa engagement party ng kung sinoman para sana gumawa ng hakbang upang paghiwalayin si Catherine at Arthur.Yes,nainlove ako sa alalay ng kaibigan kong si Arthur.Mabait kasi siya.Isip bata at sobrang ganda.

Halos mauubos na ang sigarilyo ko dahil sa paghihintay na maka-kuha ng tyempo para masolo si Catherine.Pero malas lang dahil ka-dikit niya palagi si Arthur.At dinagdagan pa ni Benjamin at Jychel Mae.Naiinggit nga ako sa mga ka-klase ko dahil nag-iipon-ipon sila at masayang nakipag-kwentuhan.

"Oh hi Jacob.You're here."Nagulat pa ako ng may pumansin sa akin.Si Jennifer.Artista ito at model.Pero hindi ako ang may hawak sa kanya.Magkakilala lang kami.

Ngumiti lang ako sa kanya.At ibinaling ang mga mata sa kinalalagyan ng mga ka-klase ko.

"So sino ang nag-imbita sayo dito?" Pagkuwa'y tanong nito.Hindi ako kaagad nakasagot.Bagkus ay nag-isip ako. "Oh never mind.Oo nga pala.Nandoon si Arthur. Kaya pala nakapunta ka dito." Patuloy niya ng di ako nakapag-salita.Oo nga naman.Tama siya.At yan din kanina ang palusot ko nung pumasok ako dito.Dahil nga sa kilala din akong manager ni Arthur, di mahirap na paniwalaan.

"At ikaw,bakit ka nandito?" Balik tanong ko sa kanya ng lumingon ako sa kanya.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at saka nagsalita.

"The fiancé is my cousin." Sagot niya sa akin.Ah kaya naman pala. "And the fiancée is Arthur's friend and classmate noong college di ba?Classmate niyo pala." Nagulat ako sa sinabi niya.Kaya napakunot-noo ako.Sinong classmate?Alangan naman si Bea?Oh si Jychel.Imposible.'Di kaya'y si...no!Hindi naman siya siguro.Pero bakit kinabahan ako?Ang tanga ko kasi,hindi ko binasa kanina sa tarpaulin.

"Oh bakit naka-kunot iyang noo mo?" Puna nito sa akin.

"And who is the fiancee?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya.Bagkus ay nagtanong ako.

"Hindi ka pala sinabihan.Ayun siya oh.I think kilala mo siya." Sabay turo niya sa kinaroroonan ng tinutukoy niya.At nanlaki ang mga mata ko dahil ang babaing tinutukoy niya ay si...

"Railey?" Mahinang sambit ko.Parang may kung anong bumundol sa puso ko ng malaman na siya pala ang may engagement.

"Exactly Jacon.See,i told you.You know her." Maarting saad nito. "So paano?See you when I see you around." Dugtong nito at saka tumalikod na.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now