KBMEB24-The Reason Behind Anger

23.8K 471 45
                                    

Railey's POV

Pagkatapos magkwento ng ama ko Railey,napanganga na lamang ako.Kung ganun pala,may kinalaman din ang mga magulang ni Jacob?Kung ganun pala,plinano ang lahat para maniwala kami pareho na hindi namin mahal ang isa't-isa?

Napapaluha ako na humarap sa ama ko.Ang sama ng mga ito.Kaya pala ni hindi man lang ako kinontak ng mga magulang ni Jacob dahil sa pakiusap ng ama ko dito.Pinagkaisahan kami.At lubos akong galit ngayon sa ama ko.Gawa-gawa lang pala ang lahat ng paghihiwalay namin ni Jacob noon.Ang buong akala ko ay sina Shaina lang.Wala akong kaalam-alam na pati pala magulang namin.

Kaya pala hindi na nito tinanong kung sino ang ama ng ipinagbubuntis ko.Iyon pala ay may alam na.

Pero bakit,ano ba talaga ang dahilan?

"Ang sama mo daddy!Hinding-hindi kita mapapatawad!Hindi!" Sigaw ko sa ama ko.

Napasabunot na lamang ako sa buhok niya.

"Nakaraan na lang ang lahat ng iyon Railey. Kaya wag mo akong masigaw-sigaw.Sa halip,magpasalamat ka pa sa akin dahil sa ginawa kong ito,napatunayan mong hindi ka nga mahal ng Jacob na iyon!Si Melvin Railey,siya ang nararapat sayo." Diniinan pa niya ang huling linya.

Halos manlilisik ang mga mata ko nang tumingin sa ama ko.Si mommy ay nakikinig lang sa amin.Pero pakiramdam ko may gusto din siyang sabihin.

Bakit ba kasi ang mga magulang pa namin ang tumutol sa amin ni Jacob?Bakit sila pa?

"Hindi ka mahal ni Jacob Railey.Tandaan mo yan." Bumalik ang diwa ko ng kutusan ako ni daddy kasabay ng binitiwan niyang mga salita.

Nang sa huli,napaisip ako.Naalala ko na naman si Jacob at si Shaina.Tama nga si daddy.Tama siya na hindi talaga ako mahal ni Jacob.Kaya ano pa ang ipinaglalaban ko dito?Mapapagod lang ako gayung ako lang ang nakikipaglaban.Iniwan niya na ako.Ni hindi ko nga alam kung minahal niya talaga ako.

Sunud-sunod na luha ang pinakawalan ko.Pero bago ako magsalita,pinunasan ko muna ang mga luha ko.

"Gusto ko pa rin malaman ang katotohanan dad." Saad ko.Pagkatapos nito,ayoko na.Susukuan at kakalimutan ko na talaga si Jacob.

"Bakit di mo sabihin ang totoo sa anak mo Armand?" Dinig kong sabi ni mommy sa kanya. "Bakit di mo sabihin sa anak mo ang dahilan kung bakit galit na galit ka sa mga magulang ni Jacob?" Dugtong pa nito.

"Gusto mo talaga malaman kung gaano kasama ang mga magulang ni Jacob Railey?" Baling niya sa akin.

Pumamulsa ito at ibinato ang paningin sa kawalan.

Tumango ako palatandaan ng pagsang-ayon ko.

"Ikakasal na ako noon.Ikakasal na ako sa babaing mahal ko.Pero inagaw siya.Sinamantalahan at nabuntis.At iyon ay sa araw mismo ng kasal namin." Lumukob ang galit sa mukha niya dahil napatiim bagang siya. "Hintay ako ng hintay noon sa simbahan na dadausan ng kasal namin.Pero walang may dumating na bride." Patuloy nito.

"S-sino ang b-bride dad?" Kinakabahan kong tanong.Iniisip ko na baka ang mommy ni Jacob.

"Wag ka munang magsalita Railey." Anito.

"Nagmamahalan kami ng bride ko." Pagpatuloy nito.

"Ikaw lang ang nagmamahal sa kanya Armand.Bakit hindi mo maami-" sumabat si mommy pero naputol lang dahil sinigawan siya ni Daddy.

"Shut up Cindy!"

Nanahimik bigla si mommy.

"May nagreport sa akin sa araw na iyon na kinidnap daw ang bride ko.At ang nagkidnap pa,ay ang best friend ko.At iyon ay ang ama ni Jacob.Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko o ire-react ko noon.Wala akong nagawa.Ni hindi ako nakakibo.Hindi ko lubos maisip kung bakit siya pa ang gumawa nun.Kung bakit ang bestfriend ko pa.Dahil sa magkaibigan ang pamilya namin ng ama ni Jacob,pinakiusapan ako ng daddy ko na manahimik na lang.Sobrang sakit.Na sa halip na hanapin at ipakulong nila ang best friend ko,prinotektahan pa nila ito.Na ang sarili ko mismong pamilya ang kumampi doon.Na ako ay halos pinag-uusapan na nang buong bayan.Napahiya ako.Pero wala silang nagawa para protektahan din ako." Napabuga siya ng hangin at saka nagpatuloy. "Pakirandamdam ko,wala akong kakampi noon.Aping-api ako."

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now