The Past 7-Officially Yours

30.2K 609 5
                                    

Railey's POV

"Ano ba?!" Muntikan na akong mapasigaw ng may humila ng kamay ko.Pero laking gulat ko ng mapag-tanto ko kung sino ito. Marahan pa akong napa-kurap para masigurado kung totoo nga ba ang taong ito.Kung totoo si -

"Hi." Halos matunaw ako sa mga ngiti niya.Ang lakas ng kabog ng dibdib ko lalo na nung nagsalita siya.Pakiramdam ko sumasakay ako ng roller coaster dahil sa nararamdaman ko.

"J-jacob." Halos malunok ko pa ang mga laway ko.Ang iksi ng pangalan niya pero tila bang kayhirap banggitin.

"Uhm.Yes.How are you Railey?" Napapakamot pa siya ng batok habang tinatanong ako.Yun bang parang alanganin o nahihiya siyang harapin ako.

Kung maka-'how are you' naman ito,parang di kami nagkikita araw-araw sa clasroom.

"I'm good Jacob.Nakikita mo naman di ba?" Gusto ko siyang sagutin ng sarkastiko pero mas pinili ko na lang na gawing casual ang boses ko.Oo,galit pa rin naman ako sa kanya.Pero dinadaig ng pananabik ang galit ko sa kanya.At yun ang kina-iinisan ko sa sarili ko.

"No,you're not." Mahina niyang sagot sa akin.Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako. "Let's go.Samahan mo ako.May ipapakita ako sayo." Sabi niya at saka hinila na ako.Di pa niya kasi nabibitawan ang kamay ko.At ito ay nakalimutan ko rin.

Wala sa sarili na sumama ako kaagad sa kanya.Ni hindi ko nagawang tumutol.

Alright.Nasaan ang hustisya?

"You stay here." Sabi niya sa akin matapos niya akong ipaghila ng upuan at saka tumalikod na.Sinundan ko siya ng paningin ko.Pumunta siya sa may sulok.Nandito kasi kami sa bakanting classroom ng school na ito.

Nakita ko pang may kinuha siya sa bag na isang bagay.

Bumalik siya sa kinaroroonan ko at humila din ng chair at iniharap sa akin.

Hindi ako nakapag-salita at halos di rin ako maka-galaw.Para din akong hinahabol na humihinga.Nakatitig lang ako sa kanya na parang blangko dahil iniisip ko kung ano ang gagawin niya sa gitara na hawak niya.

Malamang Railey,tutogtog. Kastigo ko sa sarili. Shit!

Sinimulan niya ang pagkaskas ng gitara at ako naman ay parang nahi-hipnotismo sa ginagawa niya.

Well you done done me and you bet I felt it
I tried to be chill but you're so hot that I melted
I fell right through the cracks
Now I'm trying to get back...

Deretso siyang tumingin sa mga mata ko.At alam kong nag-blush ako nung kinindatan niya pa ako habang ipinag-patuloy ang pag-awit.

But I won't hesitate no more,no more
It cannot wait,im yours...

Hinawakan niya ang isang kamay ko habang ang isang kamay niya ay kumakaskas ng gitara.Naka-de kwatro kasi siya kaya di mahirap ang pagkaskas niya kahit naka-hawak ang isang kamay niya sa akin.Pinagsaklob niya pa ang mga palad namin.

Shit.Nakakakilig. Daing ko sa sarili.

Well open your mind and see like me
Open up your plans and damn you're free
Look into your heart and you'll find love love love love...

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon