The Past1-It Started With...

40.7K 747 47
                                    

A/N: Ang mga susunod po na chapters ay yung nakaraan nila. Flashbacks po ito. Para naman po di kayo maguluhan kung anong nangyari sa nakaraan nila.Mga ilang chapter din po siguro. Sana po patuloy niyo pa ring subaybayan.
Thanks sa lahat na nag-follow sa akin at sa nag-effort na i-msg ako.Di ko na kayo maisa-isa sa pag-followback.Sana makita ko pa rin ang votes,and comments sa nakaraan nila.

-------------------------------------
Railey's POV

Nanunuod ako ng basketball sa gym ng aming school kasama si Beatrice na aking ka-klase.Baguhan lang ako kasi dito kaya wala pa akong gaanung kadaming ka-kilala.Tanging si Beatrice lang ang may ganang kausapin ako. Kasi ayaw ng mga studyante na makipag-kaibigan sa akin dahil daw, isa akong nerd at baduy.Sa halip,kinukutya pa ako ng mga ito.

Kung sa kayamanan naman,wala akong problema dahil sagana kami sa salapi at kilala din ang angkan namin sa mga businesses.

Tatayo na ako sana ng may biglang tumama sa ulo ko na bola.

"Aray!" Sigaw ko habang sapu-sapo pa ang ulo.

"Ay miss,I'm sorry.Di ko sinasadya.Are you ok?" Tanong ng isang boses na familiar sa akin.

Napa-angat ako kaagad ng mukha.At yun, halos di ako makapag-salita dahil sa taong tumambad sa harapan ko.Si Beatrice ay di rin naka-imik.Nakatingin lang kami pareho sa taong ito na nakasando lang.Nagba-basketbol kasi eh.

"Hey.Di ba ikaw 'yong bago naming ka-klase?Railey, right? Siguro naman,kilala mo ako?" Walang ka-ngiti-ngiti na turan nito sa akin. Oo nga, ka-klase ko ang lalaking ito na si Jacob Samonte.Ito pa nga ang una kong napansin ng pumasok ako sa classroom namin.Unang araw ko iyon.

Business management ang kurso namin.Naiilang ako tuloy na tumingin sa mga mata nito na parang...ewan ko ba.Di ko maipaliwanag.Masungit ba o suplado?

"Y-yes." Tipid na sagot ko.Kinakabahan ako na parang naiihi kasi ang lapit ni Jacob sa akin. Actually, crush ko na ito ng una ko siyang nakita.

"So ok ka lang?" Tanong nito ulit sa akin. Nagtatanong nga ito pero di ko man lang kini-kitaan ng kahit concern sa akin.

Tumango ako.Palatandaan na ok lang ako.

"Are you sure?" Paninigurado pa rin nito.Tumingin ako kay Jacob kaya nagtama ang mga mata namin. Iniwas ko ang tingin dito at saka inayos ang malaking salamin sa mata ko.

"Y-yes.I'm ok." Nauutal kong sagot.Paano ba naman kasi,malapit na si Jacob sa akin. Ayan tuloy,ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Parang nau-otot na na-i-ihi din ako.Di ko maintindihan ang pakiramdam ko sa mga oras na ito.

"Pare!" Tawag ng kasamahan ni Jacob. "Tara na. Baka hinahanap ka na ng honey mo." Dugtong pa nito kay Jacob.Yes,may girlfriend si Jacob. Hindi naman ito lingid sa kaalaman ko.Nakikita ko kasi ang mga ito kung minsan kahit saan lang.Naglalampungan.

Kaya agad namang tumalikod si Jacob sa akin na ni hindi nga ako nilingon pa.Kungsabagay,bakit naman ako lilingunin nito? I'm a nobody girl.Malayo sa girlfriend ni Jacob na maganda at sexy pa.

Sinundan ko na lang ng tanaw ang lalaking hinahangaan ko.Iniisip ko na sana,balang araw,mapansin din ako nito. Pero hanggang pangarap na lang iyon.
Bumuntong-hininga na lang ako. Kikimkimin ko na lang ang nararamdaman para sa lalaking iyon.

Jacob's POV

Napipikon na ako sa pang-aasar ng kasamahan ko sa basketball team namin. Paano ba naman,tinutukso ako sa babaing iyon.Yung si Railey na ka-klase ko.Hindi naman sa namimintas ako.Pero ayoko sa babae na kagaya niya ang ayos.

"Pare,nag-iba na pala ang taste mo ngayon sa babae? Mantakin mo yun, that girl..." Tumawa pa siya.Si Melvin ang pangalan nito. At ang isa naman ay si Dennis.Pinagtutulungan nila akong asarin sa Railey na iyon.
"....that nerd girl ay kinakausap more?Don't tell me pare,wala ka ng mahahanap na ibang magagandang babae." Dugtong pa nito at sabay pa silang tumawa.

Ang dalawang ito ay malakas mang-asar.Actually, di talaga sila ang ka-tropa ko.Sina Arthur Romero at Benjamin Villafuente talaga.Kaso lang,di nagba-basketbol ang mga iyon.May mga sariling trip din ang mga iyon kapag may basketbol ako.

"Mga gago!Natamaan ko lang ng bola sa ulo ang babaing iyon.Kaya ko kinakausap.Sa palagay niyo, papatulan ko iyon?" Then I smirked.Di ko lubos maisip na ang babaing iyon ay magugustuhan ko.Walang-wala siya sa tipo ng babaing gusto ko.May girlfriend na ako.At yun ay si Shaina. Di ko man mahal iyon,pero game siya sa gusto ko.Sa pangangailangan ko bilang lalaki.

"Talaga lang pare ha?Pero nakita ko ang mukha niya kanina pare,tisay siya ha.Yun nga lang,napaka-baduy pare." Si Dennis. At malakas pa silang tumawa.Gusto kong mapikon sa dalawang ito. Pero kailangan kong maging kalmante.Ayokong pagtawanan nila ako sa pakikipag-usap sa babaing iyon.She's nothing to me.Nothing!

Totoo naman ang sinasabi nila na tisay nga iyon.Napansin ko kasi kanina ng magtama ang mga mata namin.Kulay abo ito. Siguro kong magaling lang mag-ayos ang Railey na iyon,maganda siya siguro.

"She's not my type.At alam niyo iyon." Sabi ko.Kahit papaano ay maitaas ko naman ang pride ko.

Dumaan pa ang mga araw. Bulung-bulungan pa sa mga ka-klase namin na may gusto daw ang Railey na iyon sa akin.Kaya panay ang iwas ko dito.

Ayoko lang na lapitan o mapalapit sa kanya baka bigyan niya pa ito ng kahulugan.

Madalas na rin ang pag-aaway namin ni Shaina dahil sa nagseselos siya kay Railey. Bali-balita na rin kasi dito sa school namin ang tsismis na iyan.At iwan kung sinong classmate namin ang nagpakalat niyan.

Agad akong lumapit ng makita ko si Shaina na sinampal si Railey. Anong ginagawa niya kay Railey?

"What the f*ck is going on her Shaina?" Tanong ko kaagad ng makalapit ako.

"Ako pa ang tatanungin mo Jacob?Bakit di ang nerd na malanding iyan?!" Sigaw niya.Itinulak pa niya si Railey dahilan upang matumba ito.
Agad ko namang dinaluhan si Railey. Naawa ako sa kanya.

"Stop it Shaina." Napasigaw na ako kay Shaina.Binalingan ko si Railey. "Are you ok?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo.Sasagot na siya sana ngunit naunahan siyang magsalita ni Shaina.

"Jacob!Mas kakampihan mo pa iyan kaysa akin?!" Sigaw ulit ni Shaina sa akin.Halos namumula pa ito sa galit. Nagpanting din ang tainga ko sa kasi-sigaw niya.Ito lang ang ayaw ko sa kanya. Gusto niya akong ipasok sa bulsa niya.

"Leave Shaina! Just leave!" Sigaw ko rin sa kanya habang tinuturo ang daraanan niya. Wala na akong paki-alam sa mga studyante na nanunuod.

"Fine!Pero break na tayo!" At agad siyang tumalikod.Nakita ko pa ang pambibilog ng mata ni Railey. Nagulat siguro sa sinabi ni Shaina na break na kami.Samantala ako,ay sanay na sa ginagawa niyang iyan.Siya din naman ang unang bumabati sa akin.

"Ok ka lang ba?" Tanong ko.Nakita ko pa ang pangingilid ng luha niya.Para namang hinaplos ang puso ko.

"Paano si Shaina. Sorry ha.Nag-away pa kayo ng dahil sa aki—"

"Let her." Seryosong sagot ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit bigla akong naawa sa kanya.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon