KBMEB1-Kidnapping The Bride

61.6K 1.3K 61
                                    

"Manong, bakit po iba na iyong daan na tinatahak natin?" Kinakabahan na tanong ko sa driver ng bridal car na ito.

Oo, sa araw na ito ay ikakasal na ako sa lalaking ni minsan ay di ko minahal.Fixed marriage ang nangyari sa amin.Dahil sa mga oras na ito, ay si Jacob pa rin ang laman ng puso ko.Pero wala na kaming pag-asa na magkabalikan.Dahil hindi niya naman ako minahal talaga.

"Manong,sagutin niyo po ako.Malayo na po tayo sa simbahan na dadausan ng kasal ko.Baka po mag-aalala na sila doon." Patuloy kong sabi sa driver kasi di sumasagot.Mas lumakas tuloy ang kabog ng dib-dib ko.Kinakabahan ako.

Bakit ganito ang ginawa ni manong?Pinilit kong silipin siya pero di ko makita ang mukha niya.Naka-shade kasi siya at naka-sumbrero.Ngayon ko lang napansin na ganito pala ang porma niya.Iba kasi kanina ang iniisip ko eh.Di ko matanggap na ikakasal na ako.

"Manong, ano ba?! Sumagot ka!" Sumisigaw na ako sa kanya pero parang bingi lang siya. "Manong, kapag di ka huminto,bubuksan ko ang car na ito at tatalon!" Banta ko.

"It's locked.Kaya di mo mabubuksan yan." Biglang may bumundol na bagay sa dib-dib ko ng marinig ang familiar na boses.

Unti-unti siyang lumingon sa akin.Kaya lalong lumalakas ang kabog ng dib-dib ko.

Tinanggal niya ang sumbrero at shade niya.

Halos tumigil ang paghinga ko ng makilala ko ang driver ng bridal car na ito.

"Jacob?!"

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now