The Past 9-Meeting The Parents

30.2K 517 6
                                    

Railey's POV

Hindi ko maipapaliwanag ang nararamdaman habang hinihintay kong makabalik sina Jacob at ang parents nito.Tinawag niya kasi ito sa kwarto ng mga yun.

Nandito ako ngayon dinala ni Jacob sa kanilang probinsiya.Dito sa Imus,Cavite.Mga isa hanggang dalawang oras lang naman ang byahe mula sa Manila dahil may sarili namang sasakyan si Jacob.

Noong una,ayoko pang sumama.At talagang nagulat ako ng sabihin niyang ipakilala niya ako sa mga parents niya.Akala ko nagbibiro lang siya.Pero totohanin niya pala.

Pinilit niya ako ng husto para sumama dito.Uuwi naman daw kasi kami agad sa Manila eh.Gusto niya lang daw talaga na ipakilala niya ako para mawala na yung duda ko sa pagmamahal niya.Hindi ko naman sinabi sa kanya na nagdududa ako.Sa totoo lang,di ko naman talaga nakikita kay Jacob na pinaglalaruan niya lang ako.Pinaparamdam niya kasi sa akin kung gaano ako ka-halaga sa kanya at kung gaano niya ako ka-mahal sa araw-araw.Kaya paano pa ako magkaroon ng duda.Sobrang inalagaan pa nga niya ako simula ng may nangyari sa amin.Sa kabila ng kaanyuan ko,batid kong di niya ako ikinakahiya.Kaya tuluyan ng lumubog ng sobra ang puso ko sa kanya.

Paulit-ulit kong binabasa ang magazine na hawak-hawak ko pero wala akong naiintindihan dahil ang isip ko ay tanging nasa magulang ni Jacob.

Magugustuhan kaya nila ako?

Naroon ang pangamba sa sarili ko na maaaring di nila ako gugustuhin para sa kanilang anak.At sa iisiping iyon,lalong napapa-bilis ang pag-pintig ng puso ko.Sa wari ko,naiihi ako na parang di naman.Hindi ako maka-galaw sa sofa na kinauupuan ko ngayon dito sa sala.

Lalo akong naiilang na may mga katulong pang nagmamasid sa akin dito sa sala na para bang pinag-uusapan nila ako.At batid kong ang pinag-uusapan nila ay kung paanong naging girlfriend ako ng kanilang amo.Pinakilala din kasi ako kanina ni Jacob sa mga ito pagdating namin.

Yung totoo kasi,tumakas lang kami ngayon sa school namin.At mamayang hapon,uuwi na rin kami ni Jacob sa Manila.

"Oh son.Finally,may dinala ka na ring girlfriend mo dito."

Humalukipkip ako.Narinig ko kasi ang boses ng lalaki na pababa ng hagdan.Gusto kong lumingon sa pinanggalingan ng boses pero parang natatakot ako.

"Mahal ko po kasi dad." Boses ni Jacob.Dinig ko pa ang mga yabag nila.Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa narinig ko mula sa kasintahan ko.Kaya kahit papaano,naibsan ang kanina'y halos ikabibingi ko dahil sa pagtahip ng dibdib ko.

"Dad,mom,my girlfriend.Railey Flores po.Love,meet my parents." Magalang na pagpapa-kilala niya sa akin sa ama niya.Lumapit pa siya sa akin at inakbayan ako.Napa-angat ako ng mukha ng maramdaman kung nakatingin silang mag-asawa sa akin.Abot-abot ang hininga ko at pilit na ngumiti sa kanila.

"Hello po." Tipid kong bati sa kanila.'Di ko alam kung ano ang gagawin.Nakatitig lang kasi sila sa akin na para bang nagulat sa kaanyuan ko.

Alright.Expected ko na ito.

Naramdaman ko ang pag-pisil ni Jacob sa braso ko upang iparating sa akin na 'wag matakot sa mga magulang niya.Sino ba naman ang di matatakot kung walang ka-ngiti-ngiti ang mga ito?Pareho pang naka-kunot ang mga noo.

"Oh hi iha.Mabuti naman at isinama ka ng anak namin dito." Ang mom niya ng makabawi ito sa pagka-gulat.Ngumiti pa ito ng matamis at lumapit sa akin kasabay ng pag-beso niya.

Yung daddy ni Jacob ay bumati na rin sa akin ng makabawi na ito.Talagang masasabi kong maganda at gwapo ang mga parents ni Jacob dahil kahit pa mga nasa late forte na ang mga ito ay halata pa rin sa mukha nila at sa ayos ng sarili.Kung tutuusin nga,mas maganda pa manamit ang mom ni Jacob kahit pa naka-short lang ito at naka-plain sleeveless na white.Sexy din ito.At yung dad niya,wala ding malaking tiyan kagaya ng ibang may edad ng lalaki.Siguro dito namana ni Jacob ang katawan niya.At yung pagmumukha naman niya,combination ng parents niya.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now