KBMEB30-Blame Me

24.9K 444 45
                                    

Railey's POV

Pabalik-balik akong naglalakad sa labas ng emergency room.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.Napapasuklay ako sa buhok ko dahil sa sobrang kaba.Nagbabagsakan na rin ang mga luha ko sa mukha ko.

"Love,maupo ka muna." Dinaluhan ako ni Jacob at iginaya sa may silya na nasa labas ng emergency room. "Relax love.Maliligtas ang daddy mo." Niyakap ako ni Jacob nang maka-upo na kami.

"K-kasalanan ko ito Jacob." Hagulhol ko sa balikat niya. "K-kung alam ko lang na g-ganito ang m-mangyayari sa kanya...sana hindi ko na siya sinuway pa." Dugtong ko pa.

Narinig kong bumuntong-hininga siya habang hinahagod ng kamay niya ang braso ko.

"Railey..." Malungkot na banggit niya ng pangalan ko.

Hinarap ko siya at tiningnan sa mukha.Alam kong nasasaktan ko siya dahil sa mga sinabi ko.Pero hindi kasi matanggap ng sistema ko na ako ang dahilan ng pagka-atake ni daddy.Mahal na mahal ko ang ama ko kahit pa mahigpit siya sa akin.

Nababakas din sa mukha ni Jacob ang lungkot at ang takot.Halu-halong emosyon ang mayroon siya.At nahihirapan din ako dahil nasasaktan siya.

"Totoo naman di ba Jacob?T-totoo naman na kasalanan ko ito..." Patuloy ko pa.

"Hindi mo kasalanan Railey.Aksidente ang lahat.Hindi mo naman ginusto na magka-ganyan ang daddy mo." Sagot nito sa akin.

"Anong hindi Jacob?Kung sinunod ko siya,eh de sana,hindi inatake si daddy." Tiningnan ko siya ng masama.Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko eh.Hindi niya kasi alam ang pakiramdam na naiipit ka na nga,salarin ka pa sa nangyari sa ama mo.

"Ano ang ibig mong sabihin Railey?Na..." Lumunok siya. "....na pinagsisihan mo ang pagpili sa akin?Na pinagsisihan mo ang ipaglaban ang pagmamahalan natin." May mga pagdidiin ang salita niya.Pansin ko rin ang pagkuyom niya ng kamao.

"Jacob,hindi naman sa ganun.Kaya please,wag mo munang dagdagan ang problema ko." Mahinahon kong sabi sa kanya.Ayokong mag-away kami.Okay na sa akin na ako na lang ang karapat-dapat na sisihin sa nangyari kay daddy.'Wag nang idamay si Jacob.

Bumuntong hininga na lamang siya at apologetic na tumingin sa akin.

"Sorry love.Natakot lang ako bigla sa sinabi mo." Saad niya kasabay na pagyakap muli sa akin.

"Sorry too love.Hindi ko lang kasi alam kung ano ang gagawin eh." Paliwanag ko.

"It's okay love. Naiintindihan kita.I love you Railey.Tandaan mong mag-asawa na tayo.Kaya dapat magdamayan tayo sa lahat ng mga problema at pagsubok.Iisa na tayo love.Ang problema mo ay problema ko rin.Pamilya mo ay pamilya ko na rin.Kaya kahit ano pa ang nagawa ng daddy mo sa akin o sa ating dalawa,hinding-hindi ako nagtatanim ng galit sa kanya.Dahil alam kong mahal mo siya.Ang sinumang mahal ng asawa ko ay mamahalin ko rin." Mahabang sabi nito.

Napangiti ako ng wala sa oras kahit umiiyak pa ako.Parang musika sa pandinig ko ang sinabi niya.Nakaka-kilig at nakakataba ng puso.Hindi nga ako nagkamali sa pagpili kay Jacob.Hindi ako nagkamali ng ibigin siya.Hindi ako nagkamali na ipaglaban siya dahil karapat-dapat naman siya.

"I love you Love.Thank you." Masayang pahayag ko sa kanya kahit malat pa ang boses ko.Hinalikan ko pa siya ng mabilis sa mga labi.

"Anything for you Love ay gagawin ko.Kung ano ang makapag-pasaya sayo ay ibibigay ko.Kahit katumbas pa nito ay ang paghihirap ko." Sabi niya habang ikinulong ang mukha ko sa dalawa niyang palad.

Pagkuwa'y ipinag-saklob niya ang mga palad namin at umayos na ng upo.Inihilig ko pa sa balikat niya ang ulo ko.

"Love,ipanalangin natin na gumaling si daddy." Mahinang saad ko.

Kidnapped By My Ex-boyfriend (Completed)Where stories live. Discover now