Chapter 56

30.8K 803 59
                                    


Jillian Fuentes

"Jill!" Isang natural na ngiti ang gumuhit sa labi ko nong marinig ko ang boses ni Jo.


"Sabi na nga ba't dito lang kita matatagpuan. Kanina ka pa namin hinahanap. Ang akala namin nawawala ka na naman."saad niya saka niya tinapik ang balikat ko.

Hindi ako umimik dahil abala ako sa pagtitig sa urong-sulong na paghampas ng alon dito sa dalampasigan.

"Natatakot na kami pag nawawala ka sa paningin namin, Jill. Lagi naming iniisip si Anne kapag nawawala ka. Daig pa namin ang mga tanod, kung pwede lang magronda sa paligid ng bahay mo gagawin namin wag ka lang mawawala ulit."

Napangiti ako saka ko inakbayan si Jo.

Madaling araw pa lang kasi habang tulog pa si Anne nagbyahe na ako papunta rito sa batangas para lang lumanghap ng sariwang hangin.

"Jill, are you okay?"

"Yep. Nag-e-emote lang ako sa mga bagay na nagawa ko noon."

"Katulad ng?"

"Katulad ng pag layo at pag iwan ko kay Anne."

"Jill, bakit mo pa ba iniisip yon? Okay na kayo ni Anne di ba?"

"Oo, pero hindi mawala sa isipan ko ang mga katanungan kung bakit ko nagawang lumayo."

"Nagtago ka lang sa mundo."

"At sa babaeng pinakamamahal ko."

"Pero hindi ka sumuko para maayos ang relasyon niyo ni Anne. Nagtagumpay ka and I salute you for that."

"Sa maniwala ka o hindi Jo. Si Anne ang hindi sumuko sa amin."sagot ko sabay dampot ng buhangin dito sa kinatatayuan ko."Hindi siya sumuko Jo kaya may parte sa puso ko na umuusig sa akin dahil nagawa ko siyang layuan at iwan. Pakiramdam ko hindi sapat ang mga ginagawa ko para tuluyan niya akong pagkatiwalaan muli."sabi ko saka dahan dahang pinakawalan ang mga buhangin sa palad ko.

"Sa pagkakakilala ko kay Anne masaya na siya sa mga simpleng bagay lalo na pag nanggagaling sa iyo. Nong wala ka sa tabi niya, marinig lang niya ang pangalan mo mula sa amin nakikita namin siyang sumisigla. Babalik ang tiwala niyang iyon maniwala ka dahil mahal ka ni Anne."

Tahimik lang akong nakikinig sa sa sinasabi ni Jo saka ako yumuko para gumuhit ng korteng puso at inilagay ang initials namin ni Anne sa loob ng puso.

'J.A.'

Agad din itong nabura dahil sa paghampas ng alon.

Gumuhit ulit ako sa parteng hindi na naaabot ng alon. Inulit ko ang korteng puso at ang initials namin ni Anne.

"Isa lang ang hiling ko Jill. Huwag mo na sanang iiwan o sasaktan pa si Anne, napamahal na siya sa amin. Kaya pag sinaktan mo ulit siya kami na mismo ang maglalayo sa kanya para hindi mo na ulit siya paiiyakin pa."

Isang tapik sa likuran ko ang iniwan ni Jo bago siya tumalikod at humakbang palayo.

Sinundan ko lang siya ng tingin at bago ako umalis sa kinatatayuan ko dumampot ako ng isang maliit na bato. Ikinulong ko ito sa palad ko, pumikit at bumulong ng isang kahilingan. Pagkatapos non ay buong pwersa ko itong ibinato.

Flares of Dawn | JFuentes #2 (GXG) ✔Where stories live. Discover now