Chapter 2: Something called Destiny

48.3K 463 35
                                    

Memoir 2

 

     Nanginginig na naipahid ni Heath sa hita niya ang pasmado niyang kamay. Nagawa na niya ata lahat ng paghahanda gaya ng pagtalon at pagsuntok sa dibdib niya pero hindi pa rin nawala sa dibdib niya ang kaba.

 

     Ilang minuto na lang kasi magsisimula na ang production number nila ni Venice sa ASAP.

 

     It was their first production together.

 

     Simple lang naman ang gagawin nila. Papasok sila sa ikalawang stanza ng kanta at magkunwaring “SWEET”.

 

     They were not the main act but still it wracked his nerves.

 

     Iba pa rin pala talaga kapag nasa harap na ng madaming tao.

 

     Dumagdag lang sa kaba niya ang sabi ng organizer ng mga numbers na kailangan SWEET sila na tignan.

 

 

     Maya-maya lamang napansin ni Heath na may tumabi sa kanya. Si Venice.

 

     She was humming the song that they were about to sing and looking at her confident stance he knew she was prepared for this.

 

     Unlike him who was suddenly having a panic attack during that time.

 

     Naiinis na nilayuan niya ito ng kaunti.

 

  

     Hindi niya ata kayang maging SWEEt kasama nito.

 

     “Kinakabahan ka?”

 

     Sinadya niyang hindi ito pakinggan at pansinin. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kakulitan nito mula sa mga workshops nila hangang dito sa entablado.

 

     “Suplado. Pa-hard to get!.”

Tudyo ni Venice dito.

 

     Napapikit si Heath para mawala sa paningin niya si Venice at pilit na nag-concentrate siya sa kung ano ang gagawin.

    

     “Don’t tell me mine-memorize mo ngayon kung ano ang gagawin natin sa stage?” monologue nito.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon