Chapter 12: The art of breaking him (part 1)

23.3K 331 29
                                    

Memoir 6

     “Sige na! Aminin mo na kasi-eh” mahabang tudyo ni Venice kay Heath habang nasa dressing room sila.

     He was sitted next to her in front of the vanity mirror.

     Katatapos nilang ayusan noon para sa ASAP prod nila ng araw na iyon. Valentine’s Day kaya naman hindi pwedeng mawala ang loveteam nila sa line-up ng kakanta. Gusto sana niyang piliin na mag-dance number sila ni Heath pero agad siyang sinenyasan ng matatalim na tingin ni Heath noong brainstorming last sunday.

     Natutuwang pinagmasdan ni Venice ang muhka ni Heath habang nakapikit ito. Mula sa malayo kitang-kita niya ang makapal na pilik-mata nito.

      “Heath! Heat! Hat! Hit! Hot! Howwt!” patuloy na pang-iinis niya dito ng hindi siya nito pinansin.

     She was succumbing to a ridiculous moment of giddiness.

     Pinapaamin niya si Heath ng mga oras na iyon. Inaasar niya ito na may gusto ang ito sa kanya.

      “Heouath!” sabi ni Venice habang ginagaya si Golum sa Lord of the Rings.

     He further crossed his arms on his chest while his eyebrows slammed together.  Venice swore she heard him making the faintest sound. It was more like a “tsk” muttered under his breath when he shifted his seat.

      “Banal na aso! Santong kabayo! Natatawa ako! He-He-He-Heath!” buong lakas na kanta ni Venice na narinig ng mga stylist na tahimik lang sa loob ng kwarto habang hinahayaan silang magkulitan.

      “Wala akong balak magka-gusto sa isang mental lightweight.” Walang anumang bulong ni Heath.

      “Ah!” Nanlalaki ang matang palatak na sinabi ni Venice. Gusto niya itong batuhin ng curlers pero baka masira ang buhok nitong kahit sa malayo malambot tignan.. Kahit kalian talaga isang salita lang ni Heath napipikon na siya. Hindi na siya nasanay sa asaran nila lagi sa set. She pouted and rested back on her seat. Pairap na sinulyapan niya ito.

     Malakas ang kutob niya na may gusto sa kanya si Heath. Sa sobrang lakas niyang mag-feeling pakiramdam niya matatalbugan niya si Madam Auring sa panghuhula.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon