Chapter 9: Only for her

23.8K 357 24
                                    

Memoir 5

     Kanina pa napapansin ni Heath na galaw ng galaw si Venice sa tabi niya.

     Kasalukuyan silang nasa make-shift dressing room sa tabi ng stage noon . Mall show nila para magpasalamat sa pagtanggkilik ng mga tao sa proyekto nilang dalawa.

     Hindi ito mapakali sa kinatatayuan.

      “Venice, may problema?”

     Ngumiwi ito.

      “Yung binti ko masakit. Tapos yung sapatos ko masyadong mataas tapos yung sakong ko parang mahapdi kasi matigas.” Parang batang sumbong nito.

     Kunot-noong sinilip niya ang paanan ni Venice. Ganoon ata talaga pag hindi sanay sa matataas at kapag bago yung sapatos. Masakit kapag isinuot. At dahil artista sila, kapag ini-endorso nila iyon hindi sila pwedeng tumanggi, kailangang suotin, kahit hindi nila gusto.

     Lumuhod siya dito at marahan niyang inangat ang isang paa ni Venice. Tinanggal niya ang sapatos at sinipat ang namumulang paa nito. Napansin niyang malapit nang masugat iyon kaya nagpasya siyang gumawa agad ng paraan para dito.

      “Sandali.”

     Mula sa first-aid kit sa tabi kumuha si Heath ng band-aid. Kahit pa may medic doon at kahit pa meron ang PA ni Venice hindi ito nagpapigil na ito mismo ang magsuot sa dalaga.

      “Pansamantala muna ito. Mamaya lagyan natin ng gamot.” Sabi ni Heath habang nakaluhod sa harap ng mga madaming tao sa luob ng tent. Tiwalang itinungkod naman ni Venice ang mga kamay sa balikat ni Heath.

     Maingat niyang nilagay ang band-aid na namumulang parte ng paa nito at nang matapos, maayos at dahan-dahan ding nilagay ni Heath ulit ang sapatos.

     Paglingon ni Heath napansin niya na abot tenga ang ngiti ni Venice.

     At nang makatayong muli agad na may binulong si Venice kay Heath.

      “May gusto ka sa akin no?”

     Napangiti si Heath dito. He placed a hand near her ear and whispered.

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon