AWOTH SPECIAL 4: A WHISPER TO HIS HEART ENDING

15.6K 292 86
                                    

     “I forgot to tell you why I want a divorce.”

     Pakiramdam ni China ikamamatay niya ang mga susunod na sasabihin ng gwapong asawa.

      “Shut up!” sigaw niya bago pa muling nakapagsalita si Hezekiah.

     Nilapitan siya ni Hezekiah pero sinipa niya ito sa tuhod dala na rin ng pag-pa-panic niya. “Aish!” nanggagalaiti niyang sabi pagkatapos niya itong sipain.

      “China Ford!” sita naman ni Hezekiah kay China habang hawak nito ang tila nasaktang tuhod.

     Ano eto sinuswerte? Balak pa nitong sadistahin siya bago iwan sa pamamagitan ng paglalahad kung bakit nito gusto ng diborsyo?

     Tumatakbong iniwan niya sa museleo si Hezekiah na muntik na siyang mahablot sa haba ng braso at kamay nito. Hindi! Hindi siya papaya sa diborsyo! Ni ayaw niyang marinig ni unang letra ng salitang diborsyo. Tatakas siya dito, babalik na lang siya after 10 years kapag nahanap na nito ang turnilyo sa ulo.

---------------

     Natatawang pinagmasdan ni  Hezekiah ang asawang kumakaripas na tumatakbo palayo sa museleo. Why does he have to put up with her anyway? Why did he end up wrapped around her little fingers?

     Umaakyat na ito sa mga puntod ng walang takot.

     Nilingon ni Hezekiah ang puntod ng mama niya at kinausap ito ng pansamantala. “Ma, can you catch that crazy woman for me?”

     Naalala ni Hezekiah ang papa niya na kausap niya lang kanina.

      “Balita ko inalok mo ng diborsyo ang asawa mo?”

     Nilingon ni Hezekiah ang pinanggalingan ng boses. He saw his father carrying two bottles of beer and offered one to him as he joined him at the dining table.

      “How…”

     Uminom muna ito sa binuksang lata ng beer bago siya kinausap. “Nagtext siya kanina, nagsusumbong.”

     Mula sa tagiliran ni Heath nilabas nito ang cellphone at ipinakita iyon kay Hezekiah.

      (Pa, pakipalo ng dos por dos na tubo si Hezekiah. Pakikurot na rin ng pino sa singit at paluhurin niyo sa monggo. Pakikumbinsi naman pong huwag akong diborsyohin?)

     Hindi makapaniwalang tinignan niya ang ama niya na natatawa siguro sa expresyon niya sa muhka. “Sa tingin niya makukumbinsi pa ako sa dami ng pagpapahirap na gusto niyang ipagawa sa akin?”

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon