Chapter 3: Last Shot

32.1K 417 43
                                    



     Masakit.

     Kanina pa niya nararamdaman iyon magmula ng mahimasmasan siya sa mga pangyayari. Naihimas niya tuloy ang palad niya sa kanyang dibdib habang matamang nakatitig kay Venice na busy sa pag-aasikaso sa kanya sa bahay daw nito.

     Nakatakas na sila ni Venice sa mga tao kanina na umuusyoso sa La Rambla at sa mga paparazzi na ngayon alam na ang kinaroroonan niya. Buti na lang alam ng babaeng nasa harapan niya ang pasikot-sikot sa La Rambla.

     Hindi tuloy alam ni Heath kung magpapasalamat dito o maiinis.

     Kagaya ng dati hindi pa rin niya maiiwas ang tingin niya kay Venice. Kagaya noon hirap pa rin siyang ibaling ang atensyon sa ibang bagay kapag kaharap na ito.

     How many years have I waited for her?

     Sa isip niya hindi maiwasang tanungin ni Heath ang mga katagang iyon.

     Ilang beses ba niyang ipinalangin noon na kahit isang beses lang… kahit ilang minuto lang… kahit sa malayo… o kahit anino man lang… na sana makita niya ulit ito…

     He was foolish back then to believe that if he waited sincerely and patiently she would come back.

     One day he just woke up for what seemed to be a bad dream.

     Since Venice left him all alone without second thought there was no reason for him to wait… there’s no reason to run after her.

     Si Venice Manuel ang una at huli niyang pag-ibig.

     But it was a secret no one knew.

     Not even her.

   

      Mamamatay siyang dala-dala ang sikretong iyon.

     Tahimik at dahan-dahang inilapag ni Venice ang lemonade sa harapn ni Heath. Ang nag-uumpugang yelo lang sa baso ang naririnig ng mga sandaling iyon, halatang maging ito ay kinakabahan gaya niya.

    “Akala ko kanina natakot ka sa kin.” Tumatawang sabi ni Venice. “Akala mo siguro namatay na ako kaya gulat na gulat ka kanina!”

A Whisper of the Heart - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon